“Anong nangyayari sa inyo?” kunot ang noo kong sinalubong sila Xandra. Grabe kasi ang tawanan ng tatlo.
“Si Camille kasi!”- Xandra tapos bigla siyang tumawa ulit na napapahawak pa sa tiyan niya. “May tinuro kasi siyang pogi kanina kaya sinundan namin tapos… tinabihan namin sa may hintayan ng jeep kaso biglang---!” paputul-putol niyang kwento kasi natatawa pa rin ito.
“Ano?” naatat na ako.
“Na-nangulangot si kuya!!!” saka sabay tawa ulit ang tatlo. Ako na rin tuloy, napangiti na. Just imagining seeing a handsome guy who will suddenly do that in a public place must be a total turn off! “Tapos---!”
“Tama na!”- Camille. “Ayoko nang alalahanin yung sumunod!!! Tulungan niyo na lang ako please…”
“Tapos…” pero ayaw nang papigil si Xandra. “Nang madukot na ni kuya yung treasure niya, pinitik niya biglaaa---!”
“Xandra!” halos takpan na ni Camille ang tenga niya.
“Napitik niya papunta sa buhok ni Camille!” LOL!
“Yuck!!!” hindi ko mapigilang mapaismid. Haha! Ang lala din naman kasi.
“Eisshhh! Tama na please, pakitanggal niyo na ah!!!” si Camille na hinaharap sa amin yung ulo niya. Hindi pa pala niya natatanggal! Haha! Kulot nga pala kasi si Camille kaya baka sumabit.
“Ayoko nga!” tatawa-tawa kaming nagsi-atrasan.
“Ang sasama ninyo!” naiinis na natatawang hinabol kami ni Camille sa may corridor. Para tuloy kaming mga bata. ^___^ I just really miss these guys. “Sige na please, mag-iistart na ang exams oh!”
“Kaya mo yan friend!” nang-aasar pang banat ni Xandra sa kanya. “Iwag-wag mo lang yang hair mo para malaglag… unless dumikit!” saka ito bumungisngis.
“Che! Ikaw na lang Rhianne please, ikaw ang pinakamabait kaya tulungan mo ako please…” kumapit siya kay Rhianne.
“Haha, ayoko nga. Pay back time!”sabi naman ni Rhianne na nakangisi lang.
“Hoy Alma!” ako na tuloy ang binalingan ni Camille. “If you’re not going to help me, I’m going to reveal you secret!!!” banta sa akin ng loka.
“Anong secret?” relax pa akong hinamon siya.
“Talaga lang ha!” lumaban siya. “About you and you know…” pahinay-hinay pa itong pangiti-ngiti sa akin. “Klein…” saka siya kumindat.
No way! How the hell did she know?
Oh yeah, right! It must be Marl.
“Anong about her and Klein?” naintriga tuloy si Xandra na nilapitan siya.
Oh gosh, I’m not yet ready to tell them. Not this time that I’m still uncertain about a lot of things yet.
“Uy Camille, what is it that you know that we don’t?” tanong ulit ni Xandra.
Napatingin tuloy sa akin si Camille na napapangiti. “Something big and surprising!” binalingan niya naman ulit si Xandra. “And I am going to tell you only if you help me get rid of this!”
“Ano namang something big and surprising?” ayaw maniwala ni Xandra. Pero kinindatan lang ito ni Camille. “Sige na nga! Ganda ng bargaining powers mo friend, it’s definitely working. I am really that intrigued!” saka ako nilingon ni Xandra na tila nagtatampo. “Madaya ka, alam ni Camille tapos kami hindi!” kunwari masama ang loob nito habang naglalabas ng puller mula kanyang purse.
BINABASA MO ANG
ATALANTA GIRL (Ongoing)
RomanceHaving a classmate like him has been a torture! He doesn't care if his jokes hurt or when he's not funny at all. Just like when he told me that my beauty is not that desirable or, when he said I'm just too assuming to expect from a guy whom I will n...