Chapter 20: "Asus! Jealousan?"

1.2K 38 11
                                    

Amoy pa lang niya parang alam ko na kung sino siya.

“Craig!” Tinanggal niya yung kamay niya pero nagulat ako nang bigla niya akong paharapin sa kanya.

“Are you crying? Basa yung—“

“No! Napuwing lang ako,” tapos kunwari na lang mabilis kong binlink-blink yung mata ko.

“Let me see---“

“Huwag na, okay lang ako. Pawala naman na,” mabilis akong tumanggi. Alangan namang pahipan ko sa kanya aber! Pero okay lang din sana yun noh?

“Are you sure? Namumula ka na kasi eh,” uy concerned. Sweet talaga nitong Craig ko. Buti pa siya!

“I’m fine! Kumusta na? Happy New Year!” pang-iiba ko sa usapan

“I’m perfectly fine, especially now that I saw you!” he exclaimed. OMG! Ano bang dapat response pag sinabihan ka ng ganito ng isang lalaki? Likewise? Haha! Pero kinikilig naman ako. Saktong-sakto pala siyang makita sa ganitong mga pagkakataon eh, nakakawala ng bad vibes.

“Kaw talaga!” yon na lang sinabi ko saka nauna ng naglakad. Sumabay naman na din siya.

“Di ba may pasok ka dapat ngayon?” tanong niya. Alam niya schedule ko? Another OMG!

“Absent daw yung teacher namin kaya ayun gumala-gala muna ako, may klase pa kasi ako mayang 2.”

“Good timing pala ako,” narinig kong sabi niya. “Lunch tayo, you promised me last time, remember?” ngiting-ngiti siya habang kausap ako. He’s so charming talaga. Oo nga, naalala ko, nung natatae pa ata ako nun. Naaalala pa pala niya. Pero I just had lunch e, busog na ako kahit di ko naubos yung kanina. Pero nakakahiya namang i-turn down siya ng dalawang beses.

“Sige ba! Nakakahiya namang humindi sa’yo,” pa-joke ko pang sagot.

“Talaga?” naka-smile na naman siya habang nakatitig sa akin. Parang may iba siyang iniisip pero.

“Uhm,” ngumiti na rin ako sabay tango.

“So pag sinabi kong liligawan kita, hindi ka din hihindi?” Oh shoot! Is he serious?

“Huh?” nakakagulat naman mga sinasabi niya.

“Or what if I ask you to be my girlfriend? Hindi ka talaga hihinde?” OMG to the max! Please tell me he’s kidding! Pero di ba nga dapat matuwa ako? Ano bang dapat kong sabihin? Lalalalalalala!

“Nakakagulat ka namang mag-joke!” Waaaaaaaaaa!  Why is he suddenly asking me these shocking questions? I pretended I wasn’t affected at all. Di kasi ako magaling sa ganito eh… Natatameme ako!

Hindi na rin naman siya sumagot instead ngumiti siya ng bongga-bongga! Eto na dapat yung moment na kinikilig ako eh!

“I’m just kidding!” sabi niya. Buti biro lang pala, na-o-awkward na kasi ako unti eh.

“Loko-loko ka din pala!” Pero medyo disappointed ako unti na joke lang niya yun. Eh crush na crush ko pa din kaya siya! “Wala ka bang klase ngayon?” naisipan kong itanong.

“Mamaya pang 1. Halika na!” at hinawakan na niya braso ko. Sa canteen kami dumiretso para daw mas malapit kasi may klase pa kami mamaya. Nauna na akong umupo at siya naman nag-order ng food namin.

ATALANTA GIRL (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon