Yes, it's me again.
At bakit? May problema ka ba? Gusto ko sanang itanong sa kanya 'yon pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Ang init talaga ng mata sa akin ng lalaking 'to eh. Akala mo napakalaki ng kasalanan ko at hindi niya ako makalimutan!
Medyo masikip ang daanan dahil nakaharang ang mga office chair. Mayroon pang lalaking professor sa tabi namin na may tina-type sa laptop niya kaya nag-excuse ako. Nang mailagay ko na ang mga papel ng klase namin ay pinatungan ko iyon ng isang libro para hindi liparin ng hangin.
Humakbang na ako paatras pero laking gulat ko nang may maramdaman ako sa talampakan ko. Natapakan ko pala ang paa ni boy sungit dahil nasa likod ko siya. Paglingon ko, napaatras siya at aksidenteng nasiko ang baso ng kape sa katabing table, kaya nabuhos iyon sa laptop ng professor!
"Hoy, ano ba 'yan!"
Natutop ko ang aking bibig. Dali-daling tumayo ang professor para iangat ang laptop niya mula sa mesa at punasan ito. Natapon ang mainit na kape sa buong mesa, sa sahig, at nabuhusan pa ang hita niya.
"Watch where you're going! Tingnan mo ang ginawa mo!"
Pumintig ang dibdib ko nang sigawan niya kami, halos nag-aapoy na sa galit. Natigilan din si boy sungit at hindi alam ang gagawin. Nang matauhan sa nangyari ay agad siyang nag-abot ng panyo sa prof.
"I'm sorry, Sir, h-hindi ko sinasadya..."
Nagsilabasan ang ibang professors sa kanya-kanya nilang lungga para maki-usyoso sa nangyari. Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Pinagmasdan namin ang prof. Sinubukan nitong buksan muli ang laptop niya, pero hindi na iyon gumagana. Dismayadong umiling ang prof at padabog na ibinaba ang laptop sa mesa niya.
Kinagat ko ang aking kuko sa pag-ahon ng kaba sa dibdib ko. Shit, shit. Kasalanan ko 'to!
"Sir, I'm very sorry," sambit ulit ni boy sungit.
"Sorry po, Sir," guilty kong sabi. "Hindi po namin sinasadya."
Bumuntong-hininga ang professor bago kami harapin, nakahawak ang dalawang kamay sa baywang. Itinikom ko na lang ang bibig ko at tumungo. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata.
"Can your apologies solve the problem, huh? Tell me."
Nanatili kaming walang imik habang ang ibang tao ay pinapanood kung paano kami pagalitan. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Sa kursong ito, tinuruan kami na hindi kami dapat magpaapekto sa ganitong mga sitwasyon. They said that the medical world was harsher. Hindi pwedeng sensitive kapag pinagalitan ng doktor. Hindi pwedeng mabilis ma-offend kapag minaliit ng pasyente. Kapag madamdamin ka, huwag mo na asahang tatagal ka.
But then, as someone who grew up in a household where no one could protect me, I learned how to be my own first line of defense.
"Sir, baka pwede pa pong gawan ng paraan."
Naaninag ko mula sa peripheral vision na nilingon ako ni boy sungit nang bigla akong magsalita.
"Paraan, anong paraan? Hindi mo ba nakikitang hindi na nga gumagana?" sagot sa akin ng prof.
I scoffed internally. Nakikita ko. Burara lang ako pero hindi ako bulag, Sir.
"Pwede pa po 'yan dalhin sa taga-ayos. Sa technician-"
"So you are telling me na ako pa ang magpapaayos niyan?"
Kumurap ako at natahimik saglit. "Yes, Sir. Sa inyo naman po iyan eh."
Napaatras ako nang bigla siyang maglakad palapit sa akin na tila ba mas lalo ko siyang ginalit at handa siyang sugurin ako.
"Pinipilosopo mo ba ako?!"
BINABASA MO ANG
A Chance on Serendipity
RomanceLife hasn't always been easy on Patricia. Abandoned at birth, she left her hometown to pursue her dream course. Now 20, this fierce and independent Nursing student juggles classes and a part-time job, determined to achieve the future she was never p...