Chapter 30

134 4 0
                                    

"Pucha, Pat, may balak ka bang ibagsak ang Disaster Nursing?"

Umuwi na lang ako sa dorm pagkagaling sa apartment ni Dave, ngunit nabulabog ako sa ilang missed calls ni Jolene pati sa GC namin na inuulan ng messages ngunit hindi ko pa nabubuksan. Nakahawak ako sa ulo habang kausap si Jolene sa phone. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Lecture lang naman tayo ngayon, 'di ba?" Pinahid ko ang mga luha ko.

"Ano'ng lecture? Pat, ngayon ang final exam natin! Minove ni Ma'am, 'di ba? Bakit hindi ka pumasok?!"

Umawang ang bibig ko at napaupo, nanghihina ang katawan. Natataranta kong tiningnan ang oras. Hindi na yata ako makakahabol. "T-tapos na ba?"

"Kanina pa tapos! Saan ka ba kasi pumunta? Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo, Patricia?!"

Pinatay ko na lang ang tawag. Hindi ko na kayang marinig ang susunod na sasabihin niya. I broke down on my seat. I didn't know what to do.

"It's okay, Pat..." bulong ko sa sarili saka pinunasan ang mukha ko. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

Wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Isang exam lang naman 'yon. Nakapag-take naman ako ng midterm. Mahahatak naman siguro ng midterm grade ang final grade ko. Sabi ko kay Jolene at Kent, may emergency lang sa bahay at nakalimutan kong ngayon ang final exam namin.

"Alam mo naman sigurong mawawala ka sa latin honors kung ipagpapatuloy mo 'yan, 'di ba?" Pinagsabihan ako ni Jolene pag-uwi niya.

I scoffed. "Ano naman? Latin honors lang 'yun. Ang mahalaga, maka-graduate."

Ngunit kahit kumbinsihin ko ang sarili kong ayos lang 'yon at makakabawi pa ako, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Napasabunot ako sa buhok ko habang tahimik na umiiyak, natatakot na marinig ni Jolene.

Lumiban ako sa klase, at para saan? Para isalba ang relasyong wala namang ibang naidulot sa akin kung 'di sakit? Nagmukha akong tanga kakamahal sa lalaking kinuha lang ang loob ko dahil malungkot siya. Ngayon, mukha pa rin akong tanga dahil hindi ko alam kung paano ako aahon sa kanya.

Alam ng mga kaibigan ko na hindi kami okay ni Dave, pero hindi ko muna sinabing hiwalay na kami dahil gusto kong mag-focus muna sila sa finals bago ako damayan. I went through finals week as if I can do everything normally, but I failed to carry on with this heavy weight in my chest. Hindi ko nasagutan nang maayos ang mga exam namin. Hindi ko pa natapos ang iba. Ang dami-dami kong iniisip at hindi ko kayang pagsabay-sabayin.

For this semester, I got a 3.00 in a major subject. I lost my spot in the dean's list. Consistent dean's lister ako simula First Year... at ngayon lang ako natanggal. It wouldn't hurt that much, right? It shouldn't. But it did. It really did.

I thought it wouldn't affect me anyway. I was laidback and carefree and didn't care much about grades. But I was so frustrated. Lalo akong nagagalit kapag naaalala ko ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Matatanggap ko pa sana kung natanggal ako dahil sadyang nahirapan ako. Pero... hindi. Kasalanan ko 'to. Isinantabi ko ang pag-aaral ko para sa gumuguhong relasyon namin ni Dave.

It was not just because of one final exam that I missed. It was not just because of my failing scores. My overall performance this semester declined significantly. I was always out of focus in class because my mind was clouded with me and Dave's problems. I was always distracted during my duties and retdems.

My life with Dave was incredible, but as time went by, I was slowly crumbling and not being myself anymore. Then one day, he just decided to completely destroy me.

Galit ba ako? Oo. Oo, nagalit ako sa kanya, pero kinalaunan, lahat ng galit ko ay napalitan ng sakit. All I could ever feel was pain. Wala ng galit. Sakit na lang ang nararamdaman ko.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon