Chapter 10

173 9 2
                                    

"Hi, Dave! Ano'ng course mo?"

Umirap na lang ako nang pinairal na naman ni Jolene 'yong kalandian niya at kinausap si Serrano pagkatapos ng klase namin sa Ethics. Talagang nilapitan pa niya si Serrano kahit nag-aayos na ito ng gamit at handa nang umalis.

"Art Studies." Rinig kong sagot ni Serrano.

Nickname basis agad, Jolene? Ni hindi ko pa nga narinig si Serrano na tinawag akong Patricia. Sa lahat ng pagkakataon na kausap namin ang isa't isa, Soria ang tawag niya sa akin, kaya inisip kong ganoon talaga siya––apelyido ang tawag sa lahat.

"Oh, wow, Art Studies! So artist ka pala?"

"Uh... I think so?"

Kakalabas lang ng room ni Sir Bello. Buti na lang at hindi pa siya nag-iwan ng gawain. Kinuha ko ang jacket ko sa bag dahil lilipat na kami sa lab para sa next subject at mas malamig ang aircon doon.

"May iba ka pa bang kaklase rito o mag-isa ka lang galing sa section niyo?" tanong ulit ni Jules. Hindi ko na nga nakita 'yung ibang irreg naming kaklase. Lumabas na agad sila ng room nang magkakasama.

Umiling si Serrano, ni hindi man lang tumitingin kay Jolene habang kinakausap siya nito. "Ako lang."

"By any chance, kaano-ano mo pala si Senator Conrad?" Ayon, tinumbok na rin ni Jolene ang gusto niyang itanong kanina pa.

"We're not blood-related. Ka-apelyido ko lang siya."

Hindi ko napigilang matawa.

Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Kung ako ang nasa posisyon niya, siguro itatanggi ko rin na anak ako ng isang politikong marumi ang kamay.

Napalingon naman ako sa kanilang dalawa nang bigla silang natahimik. Serrano gave me a deadpan look. Unti-unti kong na-realize na napalakas pala ang tawa ko.

Hindi na lang ako pinansin ni Jolene at itinuloy lang ang pakikipag-usap. "I'm Jolene, by the way. Friends ko nga pala, sina Kent and Pat."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ni Jules sa balikat papalapit sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na pala 'tong si Pat, ah. She's actually on her period right now."

"Ulol, sinungaling," agad kong winaksi ang kamay niya.

Napatingin naman sa amin si Samson nang marinig ang pangalan niya. "Tama na 'yan, beh. Ma-la-late na tayo sa next class," pambabasag-trip niya kay Jules at isinuot na sa likod ang bag niya.

Sinuot ko na lang din ang jacket ko at nilagay ang bag ko sa likuran. Nauna na akong maglakad palabas ng room kaya sumunod na 'yong dalawa sa akin. Bahala ka diyan, Jules. Hindi kita susuportahan sa kalandian mo.

Nang makalabas na kami ng room, napa-aray ako nang bigla niyang hilahin ang tainga ko at ganoon din ang ginawa niya kay Samson.

"Sama ng ugali niyo!"

Lumipas ang first week of classes at wala akong ibang ginawa kung 'di ang magbasa para sa upcoming quizzes at tapusin ang lahat ng activities ko. Hindi naman ganoon kabigat ang gawain na iniwan ng mga prof dahil kakasimula pa lang ng school year.

Sa katunayan, nasa adjustment period pa nga kami kaya't hindi pa nagpapakita ang ibang prof. Nagulat na lang talaga ako dahil first day pa lang ay gigil na agad na pumasok at magturo si Sir Bello.

"Beh, kilala mo si Kent Samson, 'di ba?" Rinig kong usapan ng mga babae sa labas ng cubicle. Napantig ang tainga ko nang marinig ang pangalan ng kaibigan ko.

"'Yung taga-2A? Bakit?" asked one of them.

"Crush daw ni Ella 'yon. Bading 'yon, 'di ba?"

I heard laughter. Hindi ako lumalabas ng cubicle pero alam kong taga-kabilang section sila. Their chuckles were insulting.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon