Chapter 14

148 6 6
                                    

"Oh my gosh, ano'ng nangyari dito?"

Nagkukumahog na lumabas si Jolene nang marinig ang tilamsik ng tubig sa pool. Nalaglag ang panga niya, hindi makapaniwalang umalis lang ako saglit tapos madadatnan niyang naliligo na kami. Lumabas din ang mga kaklase namin para maki-usyoso.

Umupo ako sa lounge chair at tinanggal ang puting sapatos ko. "Nadulas ako sa pool."

"Bakit basang-basa ka rin?" tanong niya kay Serrano.

"I saved her from drowning."

Agad ko siyang nilingon at masama siyang tiningnan. Tokis.

"Wait, wait, kukuha ako ng towel!"

Tinanggal ko ang bun ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay habang hinihintay si Jolene. Dumako ang tingin ko kay Serrano nang hubarin niya ang suot niyang polo at piniga ang tubig mula rito. I immediately looked away.

Inilagay ko sa palibot ng balikat ko ang towel at pumasok sa loob para makapagbihis. Nang makita ng mama ni Jolene ang itsura namin, agad niyang inutusan si Jolene na kumuha ng damit para ipahiram sa akin. Damit naman ng papa ni Jolene ang ipahihiram kay Serrano.

"Ilang isda nahuli mo?" Nagawa pa talagang magbiro ni Samson sa harap ng mga kasama namin.

"Kayo, ha. Gusto niyo palang mag-swimming together," pang-aasar naman ni Anton.

Pinakyuhan ko sila dahil hindi ako natutuwa.

"Your uniform, hija, nakupasan na," sinabi ng mama ni Jules. "Hindi ko pa napapalinis ang pool."

"Pasensya na po sa abala," nahihiya kong sabi. Halos kulay lumot na ang uniform ko.

Pumasok ako sa CR nila para magbanlaw. Halos manlumo ako dahil Type A uniform pa naman ang suot ko at kailangan itong mapanatiling maputi. Dalawa lang ang Type A uniform ko. Hindi pa ako nakakabili ng extra dahil wala pa akong budget.

"Iwan mo na lang dito. Papalabhan ko na lang," wika naman ni Jules.

Nakasuot na lang ako ng white shirt, maong shorts, at tsinelas ni Jolene. Gusto ko nang umuwi agad kaya niyaya ko na si Samson. Kinuha ko ang bag ko sa sala at ramdam kong sinundan ako ng tingin ni Serrano. Lumingon ako sa kanya, saka siya umiwas ng tingin.

Nagtaas ako ng kilay. Ano'ng tinitingin-tingin niya diyan? Iniisip na naman ba niyang may atraso ako sa kanya? Hindi ko naman sinasadyang mahila siya sa pool!

Nakaupo si Serrano sa sofa, nakasuot na lang ng brown shirt at black shorts ngayon. Abala siya sa pagpupunas ng phone niyang nabasa. Dismayado siyang umiling nang mapansing hindi agad nabuksan ito.

"P're, ilubog mo sa bigas," walang kwentang payo ni Luis. Natawa si Jolene sa narinig, hindi inaasahang sasabihin niya iyon.

Nagpaalam na kami sa pamilya ni Jolene, at sinundo na si Samson ng boyfriend niyang naka-kotse. Nagkayayaan na rin ang mga kaklase ko na umuwi. Nagtatalo pa ang dalawang personality ko kung magbo-book ba ako ng Angkas pauwi o magco-commute na lang. Ginabi na kasi kami. Hindi naman sasama sa akin si Jules pauwi sa dorm dahil dito muna siya matutulog.

"Sumabay ka na lang kay Dave pauwi. Nakakatakot na mag-commute, Pat, gabing-gabi na."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jules. I shook my head aggressively. "Gago, huwag na."

Utang na loob, huwag na. The last time na sumabay ako sa lalaking 'yan, uminit lang ang ulo ko, pati ang temperatura ng katawan ko!

"Sasakay lang din siya ng jeep kasi hindi niya dala kotse niya." Bumaling siya kay Serrano. "Dave, isabay mo na si Pat, ha?"

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon