Santisima! Nagkakagulo na ang lahat sa party!
Tumakbo ako palabas ng mansyon kasama ang kapatid ni Denise at ang maid. Dahil sa kumpulan ng mga tao, hindi namin alam kung nasaan si Senator Conrad. Nang lumabas kami sa bakuran, nakita namin siyang nakahandusay sa sahig at walang malay. Napapigil ako ng hininga.
Naroon si Denise na umiiyak na at si Ma'am Ruth na hindi alam ang gagawin. May mga taong pilit hinihila ang iba palayo kay Senator para hindi raw siya masiksik at mabigyan ng hangin. Nagtatalo pa ang iba, may mga nagsasabing buhatin na raw siya, may mga nagsasabing huwag daw siyang galawin hangga't hindi dumarating ang tulong.
"May tumawag na po ba ng ambulansya?" asked Dave.
"Oo, Sir."
Napakagat ako sa ibabang labi habang pinagmamasdan ang mga taong nagpa-panic. Inuuga ng iba ang balikat ni Sen pero hindi ito sumasagot o gumagalaw man lang.
I need to do CPR. Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Tumakbo agad ako sa venue at nakipag-gitgitan sa mga tao para makalapit kay Mrs. Serrano at kay Denise. Kailangan muna nilang malaman ang gagawin ko.
"Ma'am Ruth, I can do CPR!"
"Medic ang kailangan natin ngayon, hija," sinagot ako ng isang matandang lalaking kasama nila. "Hintayin na lang natin ang ambulansya! Eksperto lang ang nakakaalam kung ano'ng dapat gawin!"
"I'm a Nursing student, Sir. Alam ko ang kailangan kong gawin," buong-loob kong sabi.
"Estudyante ka pa lang, Pat! Are you sure about this?" singit naman ni Denise, nag-aalala.
Hindi ko naman siya masisisi dahil wala talagang kasiguraduhan kung maililigtas ko si Senator. Nothing is certain in helping. Pero kung hindi ako ang gagawa, sino? It's always better to try than to do nothing at all.
"Sige na, sige na," pagpigil sa amin ni Ma'am Ruth, natataranta na. "Just do it, hija."
Sinabi nila sa mga tao ang gagawin ko kaya lumayo ang lahat para bigyan ako ng espasyo at magawa ko nang maayos ang CPR. Lumuhod na ako sa tabi ni Senator at marahan siyang inihiga nang nakatihaya. Binuksan ko ang bibig niya at itiningala nang kaunti ang ulo para buksan ang kanyang airway.
Chineck ko ang pulso at paghinga niya. Person unresponsive, no pulse, no breathing. I placed my left hand on top of the right and clutched my fingers on it. Pinuwesto ko ang kamay ko sa gitna ng dibdib at nagsimulang magbigay ng chest compressions. Inulit ko iyon ng tatlumpung beses saka nagbigay ng dalawang rescue breaths sa bibig niya.
I repeated the cycle of 30 chest compressions and two rescue breaths. Push hard, push fast. I concentrated on what I was doing and didn't mind everyone's eyes on me.
It's a life and death situation. Hindi ko na ininda ang nararamdaman kong pagod at ang sinasabi ng iba dahil isang buhay ang nakasalalay sa mga kamay ko ngayon.
"Nandiyan na 'yong ambulansya!"
Hindi ako tumigil sa ginagawa ko hangga't walang paramedic na pumapalit sa posisyon ko. Kung titigil ako, titigil din ang pag-pump ng dugo hanggang sa utak niya. His brain needed oxygenated blood to stay alive.
Nang lumapit ang emergency team ay doon ko lang ipinaubaya sa kanila si Senator. Pinanood ko sila habang isinasakay si Senator sa stretcher. Itinuloy nila ang pagsasagawa ng CPR sa loob ng ambulansya at sinubukan siyang i-resuscitate gamit ang defibrillator. Dali-dali namang sumunod sa kanila ang mga Serrano papunta sa ospital.
Agad akong nilapitan ni Iggy at hinawakan ako sa balikat. "Ayos ka lang?"
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko saka tumango. Binigyan naman ako ni Clary ng isang basong tubig nang mapansing hinihingal na ako. Unti-unti nang nabawasan ang mga tao sa paligid kaya medyo nakahinga na rin ako nang maluwag.
BINABASA MO ANG
A Chance on Serendipity
RomanceLife hasn't always been easy on Patricia. Abandoned at birth, she left her hometown to pursue her dream course. Now 20, this fierce and independent Nursing student juggles classes and a part-time job, determined to achieve the future she was never p...