Chapter 17

176 8 4
                                    

"Saan tayo pupunta?"

Hinayaan ko na lang si Dave na alalayan ako hanggang sa nakaparada niyang sasakyan at isakay ako sa shotgun seat. Nakatulog agad ako pero ilang minuto lang ay ginising niya ulit ako at tumigil kami sa tapat ng convenience store. Binilhan niya ako ng mainit na kape sa vending machine kaya medyo nakapag-sober up na ako.

"Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan, Ma'am," sagot niya habang nagdri-drive. "Magbo-book ka tapos hindi mo naman alam ang pupuntahan mo."

"Gago." Umirap ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Tumawa na lang siya at nanahimik, focused na focused sa pagmamaneho. Kinuha ko ang phone ko para i-check ang oras at i-chat si Jolene kung sakaling magigising siya. Sinabi ko na lang na kina Mommy ako matutulog.

"You don't want Jolene to worry, don't you? Kaya ayaw mong umuwi?" seryosong tanong ni Dave. Tumango na lang ako at hindi nagsalita.

Binuksan niya ang speaker at kinonekta ang Spotify niya roon para magpatugtog. Tumingin ulit ako sa labas at pinanood ang city lights habang nakikinig sa kalmadong musika. Nakakapawi pala ng agam-agam na mag-road trip habang natutulog ang kalahati ng mundo.

Napaayos naman ako ng upo nang mapansing pamilyar ang highway na dinadaanan namin. "Bakit tayo nasa SLEX?"

"Why? Do you know any shortcuts going to Quezon?"

"Quezon?!"

Lumingon siya sa akin saglit. "You don't wanna go to your province?"

Umawang ang mga labi ko sa gulat. Bakit?! Halos five hours ang biyahe mula Taguig papunta roon!

"Seryoso ka ba?! I mean, oo, gusto ko, pero hindi ngayon! Masyado namang biglaan, Dave!"

"Don't worry. Uuwi agad tayo bago mag-umaga," kalmado niyang sabi na akala mo naman diyan lang sa kabilang barangay ang pupuntahan namin.

"Eh mag-uumaga na nga tayo makakarating doon e," katwiran ko. Buti na lang at wala akong pasok bukas.

"Then that's great. Just in time for the sunrise."

Hindi ko alam na naaalala pala niya ang detalye tungkol sa probinsya ko kahit hindi ko naman directly sinabi sa kanya. Jusmiyo. Sobrang spontaneous. Mabuti na lang at walang traffic sa madaling araw.

"Pwede ba akong kumonnect sa speaker?" request ko habang hawak ang phone ko. Hinayaan naman niya akong magpatugtog kaya pumunta ako sa Spotify ko at pumili ng kanta. "Pwede akong magpatugtog ng metal?"

"Why not?"

Nakangisi ako habang naghahanap ng kanta ng Tubero. Hindi ko naman talaga gusto iyon pero gusto ko lang makita ang reaksyon niya.

"What the fuck am I hearing?"

Humalakhak ako nang magreklamo agad siya sa unang bagsak pa lang ng kanta. Nakatingin lang siya sa kalsada at sinusubukang mag-focus sa pagmamaneho kahit alam kong nawindang ang kaluluwa niya sa narinig.

"Makabagbag-damdamin kaya 'yong lyrics," gatong ko pa, tumatawa.

"Stop it, Pat."

Lalo akong natatawa sa mukha niya. "Pikunin!"

Nilipat ko na rin ang kanta dahil masakit na sa tainga. Kapag nasa byahe, mas gusto kong makinig sa musikang banayad sa tainga, tapos nagpapanggap akong nasa isang music video ako.

"Nakikinig ka rin pala diyan. I'm a fan."

My face beamed.

"Ano'ng favorite mong album?" I asked about the artist currently playing in the background. Arctic Monkeys.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon