Bachelor of Science in Nursing
Class of 2024Dumating ang college yearbook ko dalawang buwan pagkatapos ng graduation. Hinanap ko ang sarili sa pagitan ng mga pahina at hindi ko na tiningnan pa ang iba.
Dawn Patricia Soria
"Per aspera ad astra."College was a collection of good and bad experiences. Looking back, I realized that I really went through a lot of ups and downs. I'm so tired of having my goals all set in front of me.
Is this still worth fighting for? I'm tired of it all.
I decided not to take the boards this year. I needed a pause. Hindi naman nagmamadali ang mundo. Alam kong wala ako sa focus at ayaw kong pilitin ang sarili ko. I don't want to waste time and resources just to end up failing.
I also deactivated all my social media accounts for the sake of my mental health. Everything was so sudden and I had a hard time coping up. Gusto ko munang huminga.
The mastermind behind my mother's killing was still at large, so authorities called for greater security and protection for me and my family. I went back to my province until I finally feel like I'm living again. Hindi matatahimik ang utak ko kapag nanatili pa ako sa Maynila.
Isa pa, hindi rin kami ligtas roon.
"Kinilala ng mga awtoridad ang gunman bilang si Rene Esguerra, kwarenta-anyos, na naninirahan sa Tondo, Maynila. Sa press conference, sinabi ni Esguerra na sumuko siya sa pulisya dahil sa takot at dahil siya ay nakonsensya. Ito ay matapos maglabas ang awtoridad ng mga larawan mula sa CCTV footage na ipinapakita ang mukha ng sinasabing bumaril kay Arceo.
Humingi naman ng tawad si Esguerra sa pamilya ni Arceo.
'Patawarin niyo po ako. Hindi ko po gustong gawin 'yon,' sinabi ni Esguerra."
Dali-dali kong kinuha ang remote para patayin ang TV. Bumigat ang paghinga ko sa nararamdamang masidhing galit. Sinubukan kong habulin ang hininga ko.
"Bakit mo pinatay?" Lumabas si Kuya Noel mula sa kusina. "Paano natin malalaman kung itinuro ba niya kung sino'ng nag-utos sa kanya?"
Hindi ako sumagot. Itinigil ko ang ginagawa kong pagwawalis at dumeretso sa kwarto namin. I locked the door and tossed myself on the bed, sighing heavily.
Umaasa kami sa hustisyang hindi ko sigurado kung darating pa ba. Tito Eli hired great lawyers and prosecutors for the case. But I couldn't help but to feel scared because we're going after people with power; and enraged because it's possible that they get away with it.
Kinuha ko ang phone ko para basahin ang palitan namin ng mga text ni Mommy. Binalikan ko rin ang mga litrato namin noong mga nagdaang pasko at noong Capping and Pinning ko. Palagi ko itong ginagawa para paalalahanan ang sarili ko na totoo ito. Na nangyayari ito.
"The world already had you on your knees. Get back up, like you always do. You're the bravest woman I know."
I miss her. I miss her so much. Hindi ko man lang siya nayakap kahit kailan. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. And... I'm never going to be able to do it ever.
I had a lot of regrets. Ang dami-daming bagay ang hindi ko nasabi sa kanya bago siya nawala. She never got to know how my feelings towards her changed over a few years. She never got to know the truth about Davian's background.
Speaking of him, I promised myself I would never want to see him again. Wala na rin akong balita sa kanya. Nababawasan na rin ang oras na inilalaan ko sa pag-iyak dahil sa kanya.
I thought to myself... Five years from now, would it even matter? Mahalaga ba ang luha ko pagkatapos ng limang taon? Siguro ay tatawanan ko na lang ang sarili ko dahil iniyakan ko ang lalaking nanakit sa akin.
BINABASA MO ANG
A Chance on Serendipity
RomanceLife hasn't always been easy on Patricia. Abandoned at birth, she left her hometown to pursue her dream course. Now 20, this fierce and independent Nursing student juggles classes and a part-time job, determined to achieve the future she was never p...