Chapter 18

141 8 2
                                    

"Anak, kumain ka muna. Ano'ng gusto mo? Kape? Biscuit?"

Umiling ako kay Mommy at nanatiling nakatitig sa kabaong sa harap ko. Ilang araw na akong walang tigil na umiiyak. Noong inakala kong wala na akong luhang mailuluha pa, umiyak lang ako habang nagbibigay ng elehiya para kay Lola at halos hindi na ako nakapagsalita. Sabi ko ay mas gagaan ata ang pakiramdam ko kapag inalala ko ang masasayang alaala noong narito pa siya, pero nagkamali ako.

Mom and I stayed in Quezon for a week for my grandmother's wake and burial. Si Mommy ang sumagot ng lahat ng expenses, mula burol hanggang libing. Nahukay na 'yung spot na katabi ni Lolo nang makarating kami sa sementeryo.

The ceremony was short. Hindi ako umiyak, pero noong oras na para silipin si Lola sa huling pagkakataon bago siya ibaba, halos wala na akong makita sa pag-agos ng luha.

"Magkikita pa tayo, Lola," I whispered, touching the clear glass barrier. "Paalam."

Hindi ko kinausap si Mommy, mula noong umuwi kami sa probinsya, hanggang sa bumalik na ako sa dorm para bumalik sa pag-aaral. I just didn't want to do anything with her anymore because I may not be able to control my rage. I didn't want another confrontation. Ayaw kong marinig mula sa kanya na pinagsisisihan niyang hindi niya ipinagamot si Lola. Huli na ang lahat at wala ng magagawa ang pagsisisi niya.

It was hard. Studying again, working again, going back to your everyday life--it was never easy after losing someone important to you. Para bang binangungot ka ng isang beses pero paulit-ulit kang babangon.

"Ako na maglilinis. Ikaw na ang tumao sa counter."

It was a usual day at work. Kinuha ko kay Fabio ang mop at nagprisinta na mag-ayos ng dining area dahil iilan lang naman ang customers. Malapit na rin kasi ang closing hour namin. Halos alas otso na ng gabi.

"Good evening, Sir!" Pinagbuksan ng pinto ng kasama ko 'yung isang customer.

Abala ako sa paglilinis, hindi pinapansin ang mga taong pumapasok sa shop dahil naroon naman ang ibang crew para asikasuhin sila. Umaasa na lang talaga ako sa separation pay ko para may gagastusin pa ako next month. Napabuntong-hininga ako habang nagmo-mop.

"Hey."

Napatigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa lalaking lumapit sa akin. Nagsalubong agad ang kilay ko nang makita si Dave.

"Ibabalik ko lang sa 'yo 'yang basahan mo." Binigay niya sa akin ang isang checkered na panyong nakatupi. "Dugyot."

Umawang ang mga labi ko. Kaya pala hindi ko makita ang panyong iyan! Naiwan ko yata sa ilalim ng seat ng kotse niya noong pumunta kami ng Quezon.

"Kapal ng mukha mo. Anong basahan?! Panyo ko 'yan." Inirapan ko si Dave bago hinablot ang panyo ko mula sa kanya.

"Pero pinunas mo sa paa mo pagkagaling sa beach, 'di ba?" he fired back.

"Oh, eh ano ngayon? Arte mo."

"Nilabhan ko na nga 'yan para sa 'yo. You should thank me, you know?"

"Bakit ba dito ka pa pumunta? Kita mong nagtratrabaho ako eh," balik ko sa kanya dahil iniistorbo niya lang ang paglilinis ko. Ipinasok ko na lang ang panyo sa bulsa ko at kinuha ulit ang mop.

"Hindi ko alam ang unit mo sa dorm. Ano'ng tingin mo sa 'kin, manghuhula?"

"Uso magtanong," pambabara ko. "Iyan lang ba ang pinunta mo dito?"

Akala ko kasi ayaw na niya akong makita kaya hindi ko naman inaasahang dadayuhin pa niya ako rito. Hindi ko naman hinihingi ang panyo ko. Ni hindi ko nga alam na nasa kanya pala.

"Bibili ako ng maiinom. Assuming."

Nilagpasan niya ako at pumunta sa counter kaya inirapan ko na lang siya at bumalik na sa pagmo-mop.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon