Chapter 19

126 6 1
                                    

Tangina. Sino ba kasi ang tarantadong nag-lock ng tagumpay at bakit kailangang edukasyon ang susi?!

I grasped my face while holding a book I needed to read. Kailangan kong mag-aral para hindi na ako mahirapan pagdating ng final exams, ngunit hindi ako makapag-concentrate.

"Hoy, matagal pa finals, ah? Aral na aral, besh?" komento ni Jules na nakahiga na sa kama.

Wala atang pakialam ang body clock ko miski pasado hatinggabi na. Humiga na ako kanina pero hindi ako makatulog kaya sinubukan kong i-distract ang sarili sa pagbabasa ng lessons na na-miss ko, pero hindi naman nakatulong.

Just what the fuck is happening to me?! I don't want to complicate things, but I felt bad! Nagkaroon ako ng atraso kay Jolene dahil binunyag ko sa taong nagugustuhan niya ang totoo niyang nararamdaman. Wala akong karapatan na gawin 'yon! Kung mayroon mang pag-amin na magaganap ay dapat sa bibig niya mismo iyon manggagaling. Ngayon, malaki ang posibilidad na iwasan siya ni Dave habang wala siyang kamalay-malay kung bakit.

Alam kong mali ang ginawa ko, pero sa kabilang banda, hindi ko maintindihan kung bakit nasabihan ako na itigil ko ang pagpapanggap. Gusto ko sanang balewalain lang pero ang hirap itanggi sa sarili ko na hindi ako naguguluhan.

Alam kong tulad ko ay matabil din ang dila ni Dave, kaya't hindi mahirap malaman kung ano ang nasa isip niya dahil lalabas naman agad iyon sa bibig niya. Pero minsan, hindi mo talaga mahihinuha sa mga salitang binibitawan niya kung ano talaga ang gusto niyang ipahiwatig. Para kang binato sa mukha ng isang set ng jigsaw puzzle tapos ikaw na ang bahalang bumuo rito.

At kung nalilito siya sa 'kin, mas nalilito ako sa kanya! My mind translated his words as if he was mad. Siguro nga dapat hindi ko na lang siya pinilit dahil halata namang hindi siya interesado kay Jolene in the first place.

O baka naman hindi iyon ang ibig niyang sabihin?

What if there's more than just that?

Eh ano pa ba'ng gusto niyang sabihin?

"Nag-o-overthink si tanga, naka-lock naman 'yung utak," bulong ko sa sarili.

At sino ang Hudas na nag-lock? Si Dave!

pattie @dawnptrc • 1m
Pakyu hudas ibalik mo susi ko

Lalo lang akong nabagabag noong sumapit ang Lunes dahil alam kong magkikita na naman kami. Pagpasok ko sa room, naroon na ang lalaki sa upuan niya. Nagtama saglit ang mga paningin namin, pero nilisan agad ng mga mata niya ang mata ko.

Kadalasan ay hindi ko naman pinapansin ang presensya niya. Noon, kahit wala pa siyang ginagawa ay naiinis na ako, pero nasanay na lang din akong nandiyan siya dahil naging magkaklase kami.

But today, he made me feel different. The awkward type of different. Too awkward, actually. Pumunta ako sa upuan ko, hindi nagsasalita.

And, Jolene being Jolene, was always the first one to break the ice. "Good morning, Dave!"

Tumingin lang ang lalaki sa kanya saka nagtaas ng dalawang kilay. Pagkatapos, isinuot niya ang kanyang headphones, kina-career na naman ang pagiging suplado.

I ignored the heavy air and went on with my day. Umupo sa klase, humikab sa lecture, at binash si Bello noong nagpagawa siya ng isang 2000-word essay assignment. Nang i-dismiss kami, lumingon ako kay Dave na abala sa pag-aayos ng mga gamit.

I swallowed a ball of nerves in my throat. Tangina, kung pwede lang din sana akong magpagawa ng essay tungkol sa mga sinabi niya sa 'kin noong Sabado! Mag-so-sorry lang ako sa ginawa ko kapag naintindihan ko na kung bakit siya galit!

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon