Chapter 26

153 5 0
                                    

Muntik na akong mapautot nang makita ang mukha ko sa Instagram ni Davian.

Pag-uwi ko, I did my usual routine at night--take a shower, cook, eat, and study. Nagbukas lang ako saglit ng social media bago mag-aral. Binuksan ko ang Instagram, pero natigilan ako nang makitang may bagong post ang hinayupak!

Sampung litrato ko sa isang post! Anak ng!

Ang unang picture ay ang silhouette ko na nakaharap sa sumisikat na araw at naka-peace sign. Kuha iyon noong nasa dagat kami dahil dinala niya ako sa Quezon nang wala sa plano.

Mas lalong nalaglag ang puso ko nang mag-swipe left ako. Lahat iyon ay stolen pictures ko!

May kuha siya noong natutulog ako sa kotse at nakanganga pa, noong stressed akong nag-re-review, noong nasa museum kami at galit ako dahil ang tagal niyang maglakad, noong sumusubo ako ng kwek-kwek at mukhang gutom na gutom, noong nagluluto ako sa dorm at pawis na pawis. Ang iba ay pictures ko kung saan-saan habang tumatawa.

Kumulo ang dugo ko!

dvnrome lately, i've been seeing rainbows and butterflies on a lot of places--against ocean waves, beside my driver's seat, in my unit, in art galleries, in the streets, in every ethereality and peace.

Ngumuso ako. Sweet na sana 'yong caption kaso nakakainis lang sa part na isinama pa niya 'yong kapangit-pangitan kong pictures. Nasira ang dignidad ko!

Davian
dvnrome

Tue 8:16 PM

You:

Alam mo medyo gago ka rin pala noh

Kapag inilabas ko pictures mo sinasabi ko sa 'yo tanggal angas mo

Hindi ko na binitawan ang phone ko at hinintay lang ang sagot niya.

Davian:

Lol. Sa 'yo pa lang tanggal na angas ko eh.

You:

Bumanat pa nga

Para akong kasambahay sa last pic bwisit ka

Davian:

Silly, cute mo kaya.

I love you.

Makikipag-away pa sana ako pero binura ko ang tinype ko nang mabasa ang last chat niya. Napangiti ako at napairap sa inis. Diyan magaling ang hinayupak na 'yan! Gustong-gusto ko naman! Bwisit!

You:

I love you too. Huwag kang magrereklamo sa ipo-post ko sa birthday mo ha.

Pakaarte mo pa namang hayop ka

Nakipagtalo pa siya sa akin bago siya nagpaalam dahil gagawa na siya ng schoolworks. Ako rin ay mag-aaral pa kaya sinimulan ko nang hanguin ang highlighters at papers ko. Kapag may gagawin siya, pakiramdam ko, dapat busy rin ako.

One Saturday afternoon, niyaya ko si Dave na samahan akong maghanap ng formal attire na isusuot. Malapit na kasi ang Nurses Week at may gaganaping event ang Nursing Society. Ang coronation night ng Keepers of the Lamp, ang pageant ng department namin. Blue and gold ang tema ng event kaya naman kailangan ko talagang bumili ng bagong damit dahil wala akong ganoong kulay.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon