"Ga, clear your sched on December 23, okay?" sinabi ni Davian noong magkatawagan kami sa phone isang gabi.
Takang-taka ako roon. Bumangon pa ako para tingnan sa kalendaryo kung ano'ng araw iyon. It was a Sunday, and it was a day before my birthday.
"Ano'ng meron?" I asked still.
"Hindi mo tanda?" I heard his chuckle on the other line. "I was looking forward for it, and you don't remember?"
Nagsalubong ang kilay ko. Naisip ko sanang ilibre ang mga kaibigan ko sa araw na iyon, dahil pagdating ng 24 ay abala na sila sa noche buena. But if my man is up to something, aba, matic agad na clear ang schedule ko no'n.
"Ano ba kasi 'yon? Walang okasyon sa December bukod sa 24 at 25. Iinom ba tayo? Sisirain mo naman ang atay ko, Dave! Tatlong araw 'yon na magkakasunod!"
"You're funny, Dawn," he chuckled. "Excited ka pa nga noong ipinakita mo sa 'kin ang line-up. How come you forgot the date of the music fest you look forward the most?"
"Music fest?" I exclaimed, confused. Napabukas agad ako ng Facebook para hanapin ang music festival na gaganapin ng December. "Seryoso ka ba?!"
"Yup! Secured na ang dalawang SVIP tickets, my love. I can't wait to spend my first music fest with you."
Napasigaw ako sa tuwa kaya't hindi na ako nagulat nang batuhin ako ng unan ng natutulog na si Jolene.
It was his birthday gift for me. For the first time in a while, I felt excited to celebrate my birthday again. Para sa akin, normal na araw lang iyon at hindi ko nahahanapan ang sarili ko ng ganang magdiwang. Pasko naman kasi kinabukasan.
But with having Dave around, I was starting to believe in the spirit of celebrations once again, for as long as I'd spend the whole day with him.
At iyon din ang kauna-unahan kong music fest. The fact that he would come along made it more special.
Noong araw ng music fest, maaga kaming umalis papunta sa open grounds sa Pasay. Dahil mahaba-haba ang byahe, nakinig kami sa music. Nagpatugtog siya ng Eraserheads songs sa kotse at sinabayan pa namin ang kanta.
"Mahal ko si Ishang, 'pagkat siya'y simple lamang, kahit namomroblema, basta't kami ay magkasama," pagkanta niya at pinalitan pa ang lyrics ng 'Ishang' imbes na 'Toyang.'
Itinulak ko ang balikat niya habang tumatawa.
"Madalas man kaming walang pera, makita lang ang kislap ng kanyang mga mata, ako ay busog na..."
Wala pa kami sa main event pero malapit na kaming mamaos kaka-kanta. Nakarating kami sa venue ng pasado alas diyes ng umaga.
I was wearing a black oversized band shirt, a boho print maxi skirt, and my Doc Martens. Dave was charming in his boho print button-up polo, black trousers, and black loafers. He said he wanted to match my outfit so it'll look cuter in photos.
Nagso-sound check pa lang noon, at hapon pa naman magsisimula ang event, kaya bumili muna kami ng pagkain sa mga stall. Pinunasan niya ng panyo ang gilid ng labi ko pagkatapos kong kumain ng waffle.
"Ano'ng klaseng trip na naman 'yan?" bulalas ko nang pinalagyan niya ng whipped cream sa tindera ang binili niyang hotdog bun.
Napangiwi na lang ako nang kagatin niya iyon. Dave and his weird food combinations!
"Masarap, ga," tumango-tango pa siya. "Thank you po, ate," sabi niya roon sa tindera pagkakuha niya ng sukli.
Nabunggo niya ang balakang ko nang yumuko siya para kuhanin ang nahulog na piso. Binunggo ko rin siya pabalik. Noong napalakas, tumawa ako at pinisil naman niya ang ilong ko.
BINABASA MO ANG
A Chance on Serendipity
RomanceLife hasn't always been easy on Patricia. Abandoned at birth, she left her hometown to pursue her dream course. Now 20, this fierce and independent Nursing student juggles classes and a part-time job, determined to achieve the future she was never p...