Chapter 21

113 6 1
                                    

"May problema ba?"

My mind was clouded by thoughts from last night. I allowed Davian to take me home and I had no idea how I functioned normally after that. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan matapos ang ginawa niyang pag-amin. Magkikita pa naman kami sa klase sa Lunes.

"Pinagsasabi mo?" walang pakialam kong sabi kay Iggy.

Nakatambay kami ngayon sa tindahan malapit sa kanila. Sumandal ako sa pader at tinungga ang hawak kong C2. Mas gusto ko sanang bumili ng beer kaso kakainom ko lang kagabi.

"Kilala kita. Hindi mo 'ko yayayain ngayon kung wala ka namang gustong sabihin."

Bumuntong-hininga ako bago humithit ng vape. Pagkatapos ng klase namin, nagsabi ako kay Jolene na hindi ako sasabay sa kanya pauwi. Sumama ako kay Iggy, dahil sa lahat ng mga kaibigan ko, alam kong siya lang ang kaya kong pagsabihan ng mga ganitong bagay.

"Umamin si Dave na gusto niya ako."

Naibuga niya ang iniinom na softdrink. Agad akong umiwas at masama siyang tiningnan.

"Putangina, seryoso?"

Pinunasan ko ang braso kong natalsikan ng kaunting softdrink. Mabuti na lang at medyo malayo kami sa isa't isa. "Pucha, ang dugyot mo naman."

I don't know if I'm seeing things right, but with that bright smiling face, he seemed amused. "Tama nga ang kutob ko."

"FYI, hindi ako natutuwa, 'tol. Naguguluhan ako."

"Bakit? Hindi ba gusto mo rin siya?" It was a genuine, harmless question. Walang bahid ng pang-aasar.

"Hindi... ko alam."

Ibinuga ko ang naipong usok sa bibig ko. Naiinis akong ganito ang nararamdaman ko. These past few weeks, I was starting to question my feelings for a man I know I should avoid until the end.

I refrained from thinking about his name. Anak pa rin siya ng pulitikong mapagpanggap at marumi ang kamay. Kahit sabihin niyang hindi siya sang-ayon sa mga magulang niya, konektado pa rin sila. Hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala ang kasaysayan ng pamilya niya.

But now that I learned that his moral compass is the complete opposite of his family's, and he was also strongly against his father's anomalies, ano pa ang idadahilan ko para hindi siya magustuhan? Beneath his arrogant facade was a tough and hardworking man who made his own living when he could have just relied on his family's money. Noong nalaman ko ang landas na tinatahak niya, tila nawala ang nag-iisang dahilan kung bakit dapat ko siyang iwasan.

I don't think I can provide a clear rejection... when in the first place, I didn't want to reject him.

I swing between hope and despair at his words, and my heart starts to race. What kind of feeling is this again? What do they call this kind of feeling?

I don't really know how to explain it, but it feels like defeat to accept it.

"Paano mo malalaman kung ayaw mo i-entertain feelings mo?" balik ni Iggy sa akin. "Ni hindi ka nga ata nagkaroon ng crush pagkatapos mong ma-heartbroken kay Sean."

My chest heaved with the mention of our best friend's name. "Pwede ba, huwag ka ngang mag-ungkat ng past! Huwag na nating pag-usapan 'yung nananahimik na!"

Sa dalawampung taon na nabubuhay ako, hindi ko nakita sa hanay ng mga prayoridad ko ang ganitong usapin. I never dated anyone. My late best friend, Sean, caught my heart in junior high school, but I could never commit to him. Hindi ko nakikita ang sarili ko para sa kanya at alam kong ganoon din siya sa akin.

On our Moving-Up Ceremony, I confessed to him, with a hundred percent certainty that I would get rejected. Ganoon nga ang nangyari, pero hindi ako nasaktan dahil wala naman akong inasahan. Gusto ko lang talagang pakawalan ang laman ng dibdib ko. Nagkaroon ng ilangan, pero nanatili pa rin kaming matalik na magkaibigan. We were both mature enough to handle my shallow feelings. Tuloy lang ang buhay at hindi ko man lang naisip na tumingin sa iba pagkatapos noon.

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon