Chapter 16

150 9 3
                                    

"Pambihira, Pat, kanina pa kita hinahanap!"

Naputol ang pantasya ko at pareho kaming napatingala ni Dave nang lumapit sa amin ang isang lalaki, hinihingal at may bitbit na gitara. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Buhay pa pala 'to?

"May gulo daw sa loob kanina, ah? Okay ka lang ba?" alalang-alala niyang tanong. "Tinetext kita pero hindi ka sumasagot. Akala ko kung nasaan ka na..."

Dumako ang tingin niya sa kasama ko kaya napatingin din ako. Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa, hindi alam kung paano magpapaliwanag. Hindi ko mabasa ang mukha nilang pareho! Mukhang kinikilatis nang maigi ni Iggy kung sino ang kasama ko sa table ngayon!

"Uhm, Dave, si Iggy nga pala. Iggy, si Dave." I stood up and introduced them to one another out of respect.

Tumayo rin si Dave at tinanggap ang kamay ng tropa ko. Ngiting-ngiti naman 'yong isa habang nakikipag-kamay.

"What's up, pare? Dave Serrano, tama ba? Dami kong naririnig tungkol sa 'yo, ah."

Masama kong tiningnan si Iggy.

"Not surprised," sagot naman ni Dave. "Nice set."

"Talaga? Pinanood mo ako? Sige nga, ano'ng kinanta ko?"

Kinurot ko si Iggy sa tagiliran kaya dumaing siya sa akin. Hindi na rin sumagot si Dave at bahagyang ngumisi na lang. Nakita ko pang nag-roll eyes siya. Ganyan 'yang masungit na 'yan!

"Biro lang, p're. O pa'no, iuuwi ko muna 'tong si Patricia ah?"

"Uuwi na tayo?" bulong ko kay Iggy. Hindi pa kasi ubos ang bucket namin e. Sayang ang alak!

"May retdem ka pa, 'di ba?"

"Ay, gago."

Napahawak tuloy ako sa ulo ko sabay kinuha ang aking phone para tingnan ang oras. Oo nga pala! Maaga pa ako bukas! Ah, tangina, nahihilo ako! Bakit ba ako uminom ng marami ngayon?!

Hinila ko na ang braso ni Iggy kaya nagpaalam na kami kay Dave. Kailangan ko nang umuwi kung gusto ko pang pumasa. Hindi pa ako nakakapag-review nang maayos!

"So... Paano? Una na ako?" Hinarap ko si Dave. Tumango naman siya nang may maliit na ngiti sa labi.

"Ingat kayo."

Sinuot ko na ulit ang jacket ko dahil malamig na sa labas. Kumapit ako sa braso ni Iggy habang naglalakad pauwi. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa noo ko. Paminsan-minsan ay napapapikit pa ako.

"Lasing ka na?" tanong ni Iggy nang muntik na akong matalisod. Buti na lang at nakahawak ako sa kanya.

Umiling ako habang nakapikit pa rin. "Tipsy."

"Inom pa. Kulang pa 'yan! Gusto mo bumalik pa tayo do'n?"

"Gusto kong saktan kang hayop ka. Iniwan mo nga ako."

"Sus. Parang ayaw mo pa ngang umalis eh. Ang sarap ng usapan niyo, 'no? Parang nakakaabala pa ako!" Tumawa pa siya. "Friends na pala kayo, 'tol? Bati na kayo? Hindi ako na-inform––aray, puta!"

Sinuntok ko ang braso niya nang asarin na naman niya ako. Ang ingay ng bunganga, nakakainis!

"Tantanan mo 'ko. Masakit ang ulo ko. Huwag ka nang dumagdag."

Noong sumapit ang Sabado, akala ko ay magiging normal na araw lang ulit 'to sa milk tea shop. Masigla pa akong pumasok pero natigilan ako nang bumungad sa akin ang mga kasama kong tahimik at parang problemadong-problemado. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

Nanatili silang walang imik, ni hindi man lang kumikilos para i-open ang shop. Lumapit sa akin si Fabio at inabot ang isang papel. Binasa ko iyon, naguguluhan.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon