Chapter 8

144 7 0
                                    

"Finally! Sembreak na rin!"

Hindi naging madali ang first few semesters ko. Actually, alam ko namang hindi magiging madali ang pinasok ko. Mahirap i-manage ang oras, lalo na para sa 'kin na isang working student. Hindi ko nga lubos maisip na ganito na pala kalayo ang nararating ko. Almost halfway through.

Nakatapos pa nga kami ng first sem na dean's lister kaming magkakaibigan. Akalain mo 'yon?

Kaya naman excited na pumasok sa dorm si Samson dala ang titimplahing gin at juice. Katatapos lang ng final exams namin at naipasa na rin ang lahat ng requirements namin ngayong first sem. Nagkayayaan kaming mag-chillnuman para mag-celebrate daw.

"Nairaos natin kahit mukha na tayong pasyente!" Kinuha agad ni Jolene ang gin kay Kent at itinaas 'yon sa ere.

"Huwag kayo masyadong petiks diyan. Mas madugo pa sa 3rd at 4th year," anas ko naman habang nagluluto ng chicken wings. Iniisip ko pa lang na mag-du-duty na kami sa ospital, napapagod na ako.

"Eto naman, look at the bright side! Buti nga ikaw, may safety net na after graduation," sagot sa 'kin ni Jules.

Kumunot ang noo ko, hindi alam kung ano ang tinutukoy niya. "Huh?"

"'Yung AGH! 'Di ba kinukuha ka nila?"

Oo nga pala. After graduation, sa Arceo General Hospital ako magtratrabaho bilang volunteer nurse, kahit mas gusto kong umuwi sa probinsya kapag lisensyado na ako. Pumayag na ako sa gusto nilang mangyari. Kapag umatras ako, baka gamitin lang nila ang mga salita ko laban sa 'kin.

Pero tama siguro si Jolene. Mabuti nga ako, may job opportunity na pagka-graduate. Hindi ko lang alam kung... kung kaya ko bang magtrabaho sa institution na 'yun na parang walang nangyari. Na parang okay lang ang lahat.

Nakakatawa. Kahit anong iwas ko, nakatali pa rin talaga ako sa kanila.

"Oh, kinasuhan na si Serrano?"

Nabaling ang tingin ko sa TV nang buksan iyon ni Kent at tumambad sa amin ang balita. Kung sinu-sinong mukha ang pinapakita sa screen... mga officials, abogado ni Serrano... tapos pinakita rin ang kahon-kahon na mga dokumento. Napatigil ako sa ginagawa ko.

"My God, finally," wika naman ni Jolene habang tinitimpla ang gin sa pitsel.

"Plunder?" Binitawan ko ang niluluto ko at lumapit sa TV para makinig nang mabuti. Senator Serrano was facing plunder cases at the Sandiganbayan over P120 million worth of projects. Iyon lang ang naintindihan ko.

"Deserve," si Samson.

As expected, tumangging magpaunlak ng panayam si Conrad. Nagulat pa ako nang makita ang mukha ni Ma'am Ruth sa screen. She was being interviewed.

"Hindi dumaan sa due process ang aking asawa. Our legal team are taking actions para pag-aralan kung paano ipagtatanggol si Senator Conrad."

"Due process daw?! Pinagtanggol mo pa 'yung magnanakaw mong asawa. Singkapal ng make-up mo 'yang mukha mo!" sinigaw-sigawan ni Jolene ang TV.

Nahihilo ako. Wala naman akong masyadong alam sa criminal cases. Hindi ko... alam ang sasabihin.

"Alam mo, ang tanga din ng mga tao eh, 'no," dagdag pa niya. "Why do they elect and defend politicians na may history ng corruption?"

"Well, let's see kung ano ang patutunguhan ng kaso," komento ni Samson. Naririndi na ako sa mga boses nila.

"Ano kayang masasabi ni Miss Ava? Ka-abang-abang."

Napalingon ako kay Jolene dahil sa huli niyang sinabi. Imbes na makisali, kumuha na lang ako ng isang baso at nagsalin ng gin pomelo nang walang pasabi.

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon