Chapter 20

168 8 0
                                    

"I decide which woman I wanna ask out."

My heart started slamming against my chest when those words echoed in my mind. I didn't like the way my heart reacted. Sa pagkakaalam ko ay wala akong ibang nararamdaman sa kanya kung 'di galit. Totoo naman, 'di ba? Kaya bakit ako nagkakaganito? Bakit para akong aatakihin?

"Uhm... Titingnan ko pala muna," I said, my heart still not calming down. "Kasi... ano... Birthday pala ng jowa ni Samson ngayon! Baka mag-aya siya mamaya."

Umahon ang kaba sa dibdib ko. Jusko naman, Dawn Patricia! You could've just answered 'no'! Bakit nagdahilan ka pa?!

His gaze softened upon hearing my answer. "Okay, then..." he mumbled. "Hit me up whenever you are free."

Nag-init ang pisngi ko. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Nagsalita na naman ako nang hindi ko pinag-iisipan. Ano'ng "titingnan", Pat? You're actually considering it? May chance na pumayag ka? Hell, no! You hate this guy!

But... do I really hate him? Or did I only make myself hate him?

pattie @dawnptrc • 1m
Ano gagawin ko sa mixed signals mo? Igigisa?

Napasapo ako sa noo saka ibinagsak ang phone ko sa table. Balisa ako buong lunch break. Kahit rinig ko ang ingay nina Jules at Kent, hindi ko magawang makisali. My mind was clouded... sa sinabi ni Dave, sa pagwawala ng puso ko. Mariin akong napapikit at hinila ang buhok ko nang maalala ko na naman ang nangyari.

"Nakakatanga talaga ang Nursing, 'no?" pang-aasar ni Jolene habang pinagmamasdan ang hindi-maipintang mukha ko. "Ayaw daw magpaka-stress pero bigla na lang napapasabunot sa sarili."

"Sus, hindi acads iniisip niyan. Malakas 'yan kay Florence Nightingale, eh," ani Samson na akala mo nama'y hindi ko sila naririnig.

Tinikom ko na lang ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa klase na parang walang nangyari. Parang boomerang na pabalik-balik na tumatawid sa isip ko ang boses ni Davian.

At isa itong problema.

I was at a war with myself because I know shouldn't be stressing about it too much. I just have to stick to my guns and reject him. I couldn't even wrap my head around the idea! Me and Dave, dating?! No way.

But... a small part of me was telling me otherwise. Kung pagbibigyan ko siya kahit isang beses lang, baka tigilan niya rin ako. Baka naman bored lang siya. Baka naman alam niyang hindi ulit siya makakatulog mamayang gabi at kailangan niya ng kausap. Maybe that's the reason why I considered it in the first place. Dahil sa awa.

And even a smaller part of me wanted to get to know him more. Now that I am slowly admitting to myself that I enjoy talking with him, I was looking forward to it partially. All of our interactions, all the "good time" he was pertaining to... I wanted more of that.

Kailangan ko na atang matutong mag-drive para malaman ko kung paano umatras kapag malapit nang ma-attach.

Umiling ulit ako. No, no. I can't encourage this feeling. Naguguluhan lang ako sa paraan ng pakikitungo niya. Pinagkatiwalaan niya kasi ako at komportable siyang sabihin sa akin ang mga pinagdaraanan niya. Pero madalas, galit pa rin naman siya sa akin.

At irita ka sa kanya, Pat. Bakit mo naman gugustuhing makasama siya? Itigil mo 'yang kalokohan mo!

"Iinom na lang natin 'yan, baks."

Ganoon nga ang ginawa ko. Noong sinabi kong birthday ng jowa ni Samson ngayon, hindi naman ako nagsisinungaling! Inignora ko ang maliit na porsyento ng kagustuhan kong lumabas kasama si Davian. Pagkatapos ng klase ay hindi na ako nagparamdam sa lalaki at sumama na lang ako sa mga kaibigan ko sa club para magsaya at makihalubilo sa mga bisita ni Nathan.

A Chance On SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon