PROLOGUE

483 32 49
                                    

Prologue

Thayana “Yana‘s” POV

“ANONG ibig sabihin nito Joaquin?” gulat kong tanong sa kaniya. I was in shock the moment I saw him. Para akong tuod na hindi makagawang gumalaw dahil sa nakita at narinig ko. Papaano niya ito nagawa sa akin? Papaano niya ako nagawang saktan ng ganito? I trusted him!

“Yana, let me explain first,” aniya. She tried to hold my hand, but I suddenly take aback.

“So it‘s true! How could you do this to me Joaquin? Bakit?” I can slowly feel my tears coming down through my face. But I tried to compose myself and control my tears and emotions.

“I can explain,” he uttered.

“Explain what? That you cheated on me? Na hindi mo talaga ako minahal?” asik ko sa kaniya.

Walang akong ideya kung bakit niya ito nagawa sa akin. Ginawa ko naman ang lahat sa relasiyon namin. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pero para sa kaniya. . .hindi pa rin iyon sapat. May kulang pa rin.

“Well, parang ganun na nga,” bigla naman akong napatingin sa may bandang kanan ko ng may marinig ako nagsalita. It was Bea, one of Joaquin‘s friend.

“What do you mean?” taka kong tanong. And the moment I saw her hold Joaquin‘s hand, that‘s where I knew what she was trying to say. Matagal na ba nila akong niloloko? Pero bakit? Bakit ako pa?

Do I deserve this?  Do I deserve to feel this way? Ano bang nagawa ko para ganituhin nila ako? Hindi ko alam.

Nakakagulo.

Nakakalito.

“Yana, your just part of the bet. Nagpustahan sila Mike, Sanny, Jeremiah at Joaquin na kung kaya ka bang paibigin nitong si Joaquin for just one month, and I think nagawa naman niya kasi asang-asa ka na mahal ka niya talaga. At nagpahulog ka sa bitag niya.  Too bad for you it‘s just part of the plan. You‘re just part of the plan,” bulalas niya. Hearing those words from her, makes me feel more hurt. Deep down I was really hurting but I didn‘t show it to them.  Sagad hanggang buto ang sakit. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko magawa dahil maraming tumatakbo sa isip ko. I don‘t know what to do anymore. It feels like my whole body was in froze.

“Totoo ba Joaquin? Pero bakit?” naluluha kong sabi. Kahit na magmukha pa akong ewan sa harapan nila, I deserve to know the truth.

“Bakit?” singit muli ni Bea. Tinaasan niya pa ako ng kaniyang kilay. Pimagmamasdan ng kaniyang mapanuring mga mata. “Why are you even asking Yana? Hindi na ‘yan dapat pa tinatanong, it‘s too obvious! Hindi ka niya mahal,” she added.

“Bea, stop!” sigaw ni Joaquin rito. “Pwede ba kami na munang dalawa ang mag-usap?” aniya kay Bea. Wala naman itong nagawa at tumabi nalang. Napairap itong nag-iwas ng tingin sa akin. Lumapit sa akin si Joaquin at. . .agad ko siyang sinampal.

“How could you! Papaano mo ako nagawang paglaruan at saktan? Minahal kita Joaquin pero anong ginawa mo, sinaktan mo lang ako at ang mas masaklap pa, pinagpustahan niyo lang ako,” panimula ko sa kaniya. And from that moment, bumuhos na ang mga luha ko. “I thought your different Joaquin. Akala ko ay iba ka sa mga lalaki diyan sa paligid. Akala ko ay mahal mo ako pero ang lahat ng iyon ay akala ko lang pala,” iyon ang mahirap e, ang hindi mo alam kung ano ang totoo. Kung mahal ka ba ng taong mahal mo, kung tapat ba siya sa iyo.

“I‘m sorry Yana. Believe me, minahal kita,” usal nito.

“Paniwalaan? Ang alin Joaquin? Na talagang minahal mo ako na kahit ‘yung totoo ay hindi naman talaga? Mahal? May pagmamahal bang ganiyan? Hindi pagmamahal ang tawag diyan Joaquin, pangga-gago!” galit kong sabi sa kaniya. Pinunasan ko ang mga tumatagaktak kong mga luha sa aking pisngi.

All this time, ang akala kong tunay na pag-ibig na para sa akin ay isang malaking pagkakamali lang pala. It was just me who think that I was loved. It was just me who think that he was different from the other guy but in the end, I was fooled by him and by the destiny itself. All this time, pinaglaruan niya lang pala ako. Pinaglaruan nila ako!

“But I tried, believe me,” pagdepensa niya pa sa kaniyang sarili.

“No you don‘t Joaquin. Kung nung umpisa pa lang mahal mo talaga ako, edi sana hindi mo na tinuloy ang pustahan. Kung noon minahal mo talaga ako, wala sana tayo sa ganitong sitwasiyon ngayon,” bwelta ko muli rito. “Kaya ba hindi mo ako magawang mahalin dahil hindi pa ako sapat? May kulang pa ba sa akin?” I asked him once more. Look into his eyes.

“Hindi Yana, minahal kita,”

“It‘s not even love Joaquin. It‘s just a game that you played to trick me. I guess wala na talagang magmamahal sa akin ng tunay. Too bad for me ‘cause out of the 7 billion people in the world, I fell for the heart that didn‘t even beat for me, even just once,” and then the next thing I knew I burst in tears again. It‘s painful knowing that the person you love doesn‘t love you back. Ang sakit lang kasi ginawa ko ang lahat. Nagpakatanga na naman ako!

“Patawarin mo sana ako Yana. It‘s not my intention to hurt you,” sabi pa niya.

“Pero ginawa mo pa rin!” dugtong ko. “Kung alam mo lang sana Joaquin kung ano ang mga sinakripisyo ko dahil lang sa lintik na pag-ibig na ito. Naalala mo pa ba nung mga panahong walang-wala ka, na malungkot ka, akong ‘yung nandiyan para sa iyo. Ako ‘yung nasa tabi mo pero isa akong malaking tanga dahil inisip kong ako ang kailangan mo na kahit hindi naman. Ako nga ‘yung nasa tabi mo e, pero iba naman pala ang laman ng isip mo.”

“Yana, forgive me please,” lumuhod ito sa harapan ko at nagmamakaawa.

“Hindi mo kailangang gawin sa kaniya ‘yan Joaquin,” muling singit ni Bea. Sa kaniya naman ako napatingin.

“Bea‘s right Joaquin, you don‘t need to do that dahil kahit na ano pang gawin mo, hindi sapat ang salitang sorry sa ginawa mo! At ikaw naman babae ka!” I look at her, seriously!

“Iiwan ka rin niyan, mark my word!” anas ko pa at nilisan ko na ang lugar. Umalis akong maraming ininda at dinalang sakit at kirot sa aking puso. Umalis akong malungkot pero ito lang ang pinapangako ko, sa susunod na magkita kami, ipapamukha ko sa kaniya, sa kanila na hindi ako basta-basta. Alam kong matagal maghilom ang sakit na ‘to pero kakayanin ko. Alam mo iyong ang hirap mag move on lalo na kung binuhos mo na ang lahat ng magagawa mo sa taong ‘yun. Kung sa simpleng paggising ko lang sana ay mawawala na lahat ng sakit na dinanas ko, sana‘y ginawa ko na pero hindi ganun kadali e. It takes time to heal this wounded and broken heart of mine. Time will heal and time will come.

Kung hindi lang sana ako naging tanga, hindi na sana ito nangyari sa akin. I guess, hindi talaga para sa lahat ang pag-ibig. I have done so much for that f*cking love but in the end, ako pa rin ang talo. In the end, ako pa rin ang nagmukhang kawawa. For me, love isn’t real and existing anymore because if it was, sana hindi nila ako hinayaang masaktan palagi, sana hindi ko na ito naranasan pang muli, o talagang sadyang malas lang ako sa pag-ibig. Kahit na isa, hindi man lang ako nakaramdam ng tunay na saya, puro sakit, lungkot at pighati lang ang naranasan ko. May galit yata sa akin ang tadhana at pagkakataon e.

Or maybe because sometimes cupids runs out of arrows, and shoot only one person instead of two? May ganun ba? Sana nga ay ganiyan nga lang ‘yun. Pero in my case, ako ‘yung natamaan pero lumusot pa kaya ayun, sa iba napunta.

And if only destiny was kinder to me, then it wouldn‘t be as painful as it is right now!

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon