CHAPTER 4

154 23 11
                                    

Chapter 4

Yana‘s POV

PAGKADATING namin sa condo, agad akong napasalampak sa aking kama.

“Ano ba talagang nangyari kanina?” bigla ay tanong sa akin ni Abby. Hindi ko malaman kung ano ang kaniyang tinutukoy.

“Anong kanina?”

“Doon sa kusina, alam kong nagsinungaling ka lang sa akin nung sabihin mong hindi ka makapili. Kilala kita Yana,” aniya. Sabi ko nga e, wala talaga akong lusot sa babaeng ito. She really knows me well. Alam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagsisinungaling lamang.

Naiangat ko ang aking sarili at hinarap siya. Nanatili pa rin ako sa aking kama.

“It‘s because of Jaoquin,” panimula ko.

“Bakit? Anong ginawa sa ‘yo ng lalaking ‘yun?” gusto kong matawa dahil sa inakto ni Abby ngayon. Kala mo susugod ng gyera.

“Easy lang, para ka namang ewan diyan e,” bulalas ko at pasimpleng natawa sa kaniya. Kahit kelan talaga, parang kengkoy din ang isang ‘to. Ang hilig magpatawa. Kaya nga minsan, kahit bad mood ako, gumagana ang pagkasaltik niya kaya hayun, pareho kaming dalawang tumatawa.

“Sabi ko nga uupo na ako,” ani nito at mabilis na bumalik sa kaniyang pagkaka-upo. “So ano ngang nangyari?” pag-uulit niya.

“Sabi niya mahal pa daw niya ako hanggang ngayon at—” hindi pa man ako nakakatapos sa pagpapaliwanag ko ng singitan niya ako. Agaw eksena din minsan ang babaeng ‘to. Moment ko pa ‘yun e.

“Potek pala siya e. Matapos ka niyang saktan, sasabihin niya sa ‘yong mahal ka pa rin niya. Ugok pala ‘yung lalaking ‘yun e. Anong tingin niya sa ‘yo, laruan na pagkatapos pagsawaan at iwan, biglang babalikan? ‘Di ganun ‘yun,” turan niya. Tinitigan ko siya ng maigi kaya ng mapunta ang tingin niya sa akin, napataas ang kilay niya.

“Anong meron sa tingin na ‘yan abir?”

“Kala ko naman kasi ikaw ‘yung nasaktan. Wagas mo kasing maka react,” bulalas ko sa kaniya.

“Mag seryoso ka nga diyan,” gagad niya at bigla ba naman akong binato ng unan na nakuha niya sa may couch na inuupuan niya. Natawa nalang ako rito.

“Seryoso ako,” hindi ko pa rin mapigil ang pagtawa ko. Minsan din, hindi ko maintindihan itong kaibigan ko, grabe kasi kung mag react, tinalo pa ako. Tsk. Kala mo naman may audition ng actingan.

“Seryoso din naman ako e,” anas ko pa.

“Isa pa talaga Yana, pipiktusan na kita diyan,” aniya kaya natigil na ako sa pagtawa. Panandaliang tahimik ang namayani sa aming dalawa ng biglang. . .pareho kaming natawa sa mga sarili namin. Ganito kami ni Abby, minsan para na kaming mga ugok dahil sa mga pinaggagawa namin. Parang mga ewan.

“Seriously, sinabi sa akin ni Joaquin kanina na, he still love me,” bulalas ko sa kaniya.

“Then? Anong sagot mo? Don‘t tell me sinabi mong. . .” Tumayo ito. “Alam mo Joaquin, mahal pa din kita hanggang ngayon,” at umakto ito na parang may kausap siyang lalaki. Nakahithit ata ng katol ang isang ‘to. Lakas ng trip!

“No way! Hindi ‘yan ‘yung sinabi ko sa kaniya no. Never in my wildest dreams,” mabilis kong pagdepensa sa sarili ko. She gave me her death glare. And a ‘are you serious look?’.

“Talaga ba? Never in your wildest dream? Paano kung isang araw makita mo nalang ulit ang sarili mong nahuhulog muli sa kaniya? Ano namang gagawin mo?”

Natahimik ako bigla sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Nandun na ‘yung idea pero feeling ko may nagho-hold back sa akin na hindi ko malaman. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot o explanation ang gagawin ko.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon