CHAPTER 8

98 21 8
                                    

Chapter 8

Yana‘s POV

NAGMAMADALI akong bumalik sa dalawa. Pilit ikinakalma ang aking sarili sa mga nakita ko kanina. My mind was still in shock and I couldn‘t process everything.

I was too stunned to speak.

“Hey, are you okay?” agad akong napabalik sa ulirat ko ng tapikin ako ni Abby. Taka nila akong tinignan.

“Uwi na tayo,” agad kong usal sa dalawa.

“Ha? Bakit?” Abby asked me with her confused reaction.

“Nahihilo ako,” pagsisinungaling ko pa sa kanila. Ayokong sabihin sa kanila kung ano ang nakita ko dahil hindi pa ako sigurado doon. Ang tanging malinaw lang sa akin ngayon ay nagloko si Wendy pero hindi ko alam kung bakit at anong rason niya upang gawin ang bagay na iyon.

Dapat ba akong mangialam sa relasiyon nila?

“Kaya mo bang tumayo?” concern na tanong sa ‘kin ni Troy.

I just nodded.

“Tara na,” bulalas ni Abby. Tumayo na kami at umalis. Nakaalalay sa akin si Abby ngayon patungo sa kotse ni Troy.

“Ayos ka lang ba? Kumusta ng pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong sa akin ni Abby. Nasa back seat kami ngayon, nakasandal lang ako.

“Mabuti-buti na ang pakiramdam ko. Napasobrahan lang ata ng inom,” sagot ko sa kaniya. Nahilo din kasi ako kanina, minsan nalang kasi akong uminom kaya madali na akong mahilo.

While on our way, my mind was still thinking about what I saw, I canno‘t still believe what I have just witnessed earlier. Ang hirap lang paniwalaan kasi akala ko hindi ganun si Wendy. Mali yata ang pagkakakilala ko sa kaniya. Ang tagal na din kasi naming hindi nagkita at nagkasama. I guess, people really change. She change. . .a lot.

Nang marating na namin ang condo, inalalayan nila akong makapunta sa condo ko. Agad akong napasalampak sa aking kama. Medyo nahihilo pa din kasi ako. Mabuti nalang at hindi na ako uminom pa dahil kunh hindi, knock down na ako ngayon.

“Gusto mo samahan muna kita dito ngayong gabi?” suhestiyon ni Abby.

“Mabuti pa nga siguro Abby,” bulalas naman ni Troy. “Dito ka nalang muna para may kasama siya,” dagdag nito.

“Huwag na, okay na naman ako. Tulog lang ang katapat nito,” ako naman ang nagsalita, kinukumbinsi silang okay na ako. Parang nahilo lang dahil sa alak e, kala mo naman may sakit ako.

“Para sure lang, hayaan mo ng dito matulog si Abby,” pagpupumilit pa nito. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag nalang. Kailangan ko din kasi ng makakausap sa ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala akong nasabihan nito. Mapagkakatiwalaan ko naman itong bestie kong ito. Sa rami ba naman ng nasabi ko na sa kaniya, wala siyang ni isang ipinagkalat. Sanggang dikit kaya kami ng babaeng ‘yan.

“Sige Troy, thank you sa paghatid,” pagpapaalam naman ni Abby.

“Thanks Troy,” dugtong ko.

Nakaalis na din si Troy. Habang ako naman ay nakatanga lang at iniisip ang aking nakita. I heard Abby closed the door.

“You seems bothered? Is there something you want to say to me?” pagbasag ni Abby sa katahimikan ko at tinabihan ako sa kama. 

“Promise that you will not share it to others? Secrets lang muna natin ito,” anas ko pa.

“Ako pa, parang namang hindi mo ako kilala ng lubusan,” aniya. “What is it?”

“It‘s about Wendy,” panimula kong sambit sa kaniya. I don‘t know how to explain to her. Before continuing, I let out a deep sigh.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon