Chapter 10
Yana‘s POV
NANDIRITO na ako sa opisina ko ngayon. Hindi pa dumadating si Troy. Baka na-traffic lang ang isang ‘yun. Alam niyo naman ang buhay Maynila. Nakakaloka! Nakakastress!
Habang busy ako nakatutok sa aking laptop—tinitignan ang mga files ng kompanya, nang may narinig akong katok mula sa aking pinto. Nang iangat ko ang aking tingin, si Zara ang nakita ko. Ang secretary naming dalawa ni Troy.
“Pasok Zara,”
“Good morning ma‘am Yana,” masaya nitong bati sa akin.
“Good morning. Have a seat.” Umupo din ito kaagad.
“Ma‘am Yana, I just want to remind you na may meeting po kayo with the board members mamayang hapon, paki sabi nalang din po kay Sir Troy hindi pa po kasi siya dumadating,” paliwanag nito sa akin.
“Sige Zara, thank you for reminding me,”
“Alis na po ako ma‘am, may gagawin pa po kasi ako,” pagpapalaam nito. Tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa laptop.
Ilang saglit lang ang nakalipas, dumating na rin si Troy.
“I‘m sorry I‘m late, traffic kasi,” aniya habang nilalagay sa lalagyan ang dala nitong bag. Umupo na din siya sa kaniyang pwesto. Pinagsama nalang kasi namin ang opisina naming dalawa. Tutal, pareho naman kaming boss dito at tsaka para na rin hindi masiyadong boring kasi may makakausap kami.
“By the way, kakasabi lang sa akin ni Zara na we have meetings with the boards mamaya,” paliwanag ko sa kaniya nung sinabi sa akin ni Zara kani-kanina lang.
“Got it. Nga pala Yana, mawawala ako ng isang linggo. May business trip akong gagawin sa palawan. Naalala mo ba si Mr. Tan?”
“Bakit? Anong meron?”
“Mr. Tan wants to invest in our company. That‘s why I am going to Palawan to meet him. Baka gusto mong sumama, iyon ay kung hindi ka naman busy,”
“Hindi na Troy, dito nalang ako. May i-che-check din kasi akong mga files nitong kompanya,” sagot ko naman sa kaniya.
“Maiba pala tayo, hindi ka na ba ginugulo ng lalaking iyon. ‘Yung Joaquin ang pangalan?” agad akong napalingon sa kaniya. Naalala na doon natulog si Joaquin kagabi sa condo ko.
“Huwag mo ng problemahin ang lalaking ‘yun. Hindi na naman niya ako ginugulo,” pagsisinungaling ko pa sa kaniya. Ayoko ng idamay pa lalo si Troy sa problemang meron ako. Sapat na iyong sinabi ko kay Joaquin na boyfriend ko siya na infact hindi naman ata pinaniwalaan ng lalaking ‘yun.
Hindi na ito sumagot at pa napatango-tango nalang bilang pagsang-ayon sa aking mga sinabi.
****
Joaquin‘s POV
UMUWI na muna ako ng bahay, galing pa ako kina Yana kanina. Hindi ko pa rin maiwala-wala sa aking isip ang mga ngiti niya kanina. That‘s the first time I saw her beautiful smile mula nung araw na pinili kong paiyakin siya. Those genuine and angelic smile of her makes my heart melted.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay, ang kaninang masaya kong mood ay madaling napalitan ng galit ng makita ko si Wendy.
What is she doing here?
“Anong ginawa mo rito?” I immediately asked her.
“I want to talk to you Joaquin,” aniya pa.
“There‘s nothing that we need to talk about kaya umalis ka na. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo,”
“Please Joaquin, I‘m begging you. Kausapin mo muna ako. I have some explanations to do,” she took one step closer to me but I immediately stop her from getting close to me.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...