Chapter 17
Joaquin‘s POV
LOVING someone is the most exciting yet the most hardest part of life. Mahirap, kasi hindi mo alam kung ano ang nasa utak niya, kung pareho ba kayo ng nararamdaman sa isa‘t-isa. At kung kayo na nga ba talaga ang nakatadhanang magsama. Sa pagmamahal, nagiging masaya ang isang tao, pero minsan rin, sa pagmamahal nagiging malungkot ang isang tao. Looking back, hindi ko itinatanggi sa sarili ko ang minsang pagkakamaling nagawa ko kay Yana. Ang pagpapasakit na binigay ko sa kaniya, ang mga luhang idinulot ko, ang lungkot na binigay ko—ngayon ay pinagsisihan ko na. Isa iyong pagkakamaling labis kong pinagsisihan.
Masaya ako dahil hinayaan ako ni Yana na ipakita sa kaniya na nagbago na ako. Na labis ang pagmamahal ko sa kaniya. Sana lang ay umayon sa akin ang lahat. Ang mundo, ang tadhana at ang puso ni Yana. Wala na akong sasayangin pang panahon, gagawin ko na ang makakaya ko, maipakita ko lang sa kaniya ang pagmamahal ko.
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa condo na pagmamay-ari ko. Regalo sa akin ‘to ni mommy nung nakaraang birthday ko. Dahil nga umalis ako sa bahay, no choice ako kung hindi dito mapunta. Matagal na din magmula nung huli akong makatira dito. At ngayong pinili ko munang mapag-isa, ito na ang bago kong bahay. Kinuha ko ang aking cellphone at chinat ko si Yana sa kaniyang instagram. Sana lang ay mag-reply o ‘di kaya ay pumayag siya. Huli naming pag-uusap, hindi naging maganda dahil nagtalo sila ng kaibigan niyang si Wendy. Mula nun, hindi na niya ako kinausap pa.
To Yana,
“Meet me at Blue Star Club @ 8:30 p.m. I hope you‘ll come, I‘ll wait for you there,”
From Joaquin
Nang ma-send ko iyon, hinintay ko ang kaniyang reply nang may biglang kumatok sa pintuan nitong condo ko kaya nagmamadali akong tumungo roon at pinagbuksan ang kumakatok. Nang mabuksan ko, hindi ko inaasahan ang aking nakita.
“Anong ginawa niyo dito?” iyon ang kaagad kong tanong sa ama ko. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin? Ipagduduldulan niya naman sa akin ang desisyon kong ginawa.
“Hindi mo man lang ba ako papasukin?” aniya. Sa halip na siya‘y sagutin, bumalik na lamang ako sa pagkakaupo. Pumasok rin siya.
“Ba‘t kayo naparito? Anong kailangan ninyo sa ‘kin?” walang gana kong tanong muli sa kaniya. Hindi ko siya tinitignan—nakapukos lamang ako sa aking cellphone at hinihintay ang reply sa akin ni Yana.
“Balikan mo si Wendy. Ituloy mo ang kasal,” direkta niyang sagot.
Sa pagkakataong ‘to, napunta ang tingin ko sa kaniya. Seryoso akong nakatingin.
“Tama na Dad. Ayoko na and besides, wala na rito sa Pinas si Wendy. Pumunta na siya ng France,” saad ko. Nakita ko kasi sa kaniyang instagram posts nung nakaraang linggo.
“Wala akong pakialam kung nasa France na siya. Kapag tinuloy mo ang kasal, alam kong babalik siya rito,” pagpupumilit nito sa gusto niyang mangyari.
Hindi ko talaga siya maintindihan, kung bakit niya ako pinipilit sa gusto niyang gawin. Alam kong nabaon kami sa pagkakautang, pero tama bang gawin niya ako mismong anak niyang pambayad sa naging utang niya? Ni hindi ko na nga nagawa noon ang mga bagay na gusto ko nang dahil sa kahigpitan niya, tas pati pa ba itong desisyon ko ngayon, maninipulahin niya pa.
“Dad itigil mo na ito. Kung iyong utang mo ang pinoproblema mo, magagawan naman iyon ng ibang paraan. Bakit kailangang ako pang ang magbayad sa naging pag-uutang ninyo? Hayaan niyo naman ako kahit ngayon lang Dad,” paliwanag ko rito.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...