CHAPTER 16

66 21 7
                                    

Chapter 16

Yana‘s POV

THREE WEEKS AFTER

ARAW-ARAW akong pumapasok sa opisina ngunit hindi ko na nakikita pa roon si Troy. Hindi ko alam kung nasaan siya. Ilang ulit na akong sumubok na tawagan at i-message siya, pero ni isa nun, hindi niya ako sinagot.

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa opisina. Dahil wala akong masiyadong magawa, nag-cellphone na muna ako at pumunta sa instagram ko. While I was scrolling on my feeds, nakita ko ang isang story ni Troy. Agad ko iyong tinignan.

“Finally back to America with a pain in the heart,” basa ko sa caption na nilagay niya. Isang larawan ito na nasa aiport siya. Mukhang bumalik na nga ng siya ng America at marahil dahil iyon sa kagagawan ko. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Well, sino ba naman ako para sabihan niya nun. Ako lang naman ang taong nanakit sa kaniya. And for that, I accept it. I know for a fact, na labis kong nasaktan si Troy sa ginawa ko kaya heto ako, kinakaya iyong tanggapin. Kinakayang harapin na nawalan na naman ako ng isang kaibigan dahil sa desisyon ko. Dahil sa ginawa ko.

Habang nakatutok ako run, biglang tumawag sa akin si ate through video call.

What is she up to this time? Alam na kaya niyang bumalik na si Troy ng America? Maybe yes, maybe not.

“Anong nangyari bakit nandito na sa America si Troy?” iyon ang kaagad na bungad tanong sa akin ng ate ko. Well, tama nga ako. Alam na niya.

“Kasi ate. . .” hindi ako sigurado sa mga susunod kong sasabihin. “Kasi nasaktan ko siya ate. Pero hindi ko naman iyon ginusto,” dagdag ko at agad na dinepensahan ang aking sarili.

“Bakit? Ano bang nangyari Yana?” aniya pa.

“He confesses his feelings to me kaya lang hindi kami pareho ng nararamdaman sa isa‘t-isa. Alam mo naman ate ‘di ba na para ko ng kapatid si Troy,” sagot ko sa kaniya.

“I see,” malimit niyang naisagot sa akin. “Okay ka lang ba diyan? Ikaw nalang mag-isa ang nagma-manage ng kompanya,” pag-iiba niya ng usapan naming dalawa. Alam kong maiintindihan talaga ni Ate ang sinabi ko. Saksi siya sa pagiging matalik naming pagkakaibigang dalawa ni Troy. Nandun siya nung nagsimula ang friendship naming dalawa.

“Don’t worry about me Ate. Kakayanin ko ‘to. Susubukan kong i-manage itong kompanya. . .ng mag-isa,”

“Basta tawagan mo lang ako ha kung may problema ka o ‘di kaya ay may kailangan ka. I‘m just one call away, alam mo ‘yan,” gagad niya pa. She then smiled at me—I smiled back at her.

“Okay ate,” sagot ko. “Ate, huwag mo munang sabihin kay mama ang tungkol dito ha. Baka kasi magalit siya sa ginawa ko,” dugtong ko at nakiusap na huwag muna itong sabihin kay mama kasi alam kung pagagalitan ako nun sa ginawa ko.

“Ako nang bahala kay mama. I got you,” turan niya sa ‘kin at nagpaalam na rin dahil may gagawin pa raw siyang trabaho.

Nang maibaba ko na ang aking cellphone, inikot ko ang aking swivel chair at mapayapang tinignan ang view ng labas. Mula dito sa itaas ng aking opisina, makikita mo ang ilan sa mga nagtataasang mga buildings, maging ang mga dumadaang sasakyan. And I find it relaxing to look. The view is very beautiful, lalo na kapag sumasapit ang dapit-hapon dahil malaya mong natatanaw ang ganda ng paglubog ng araw.

Bigla na lamang akong napahilot sa aking ulo nang maramdaman kong kumirot na naman ito. Nitong mga nagdaang araw, panay ang pananakit ng ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Baka epekto ng pagiging stress ko sa personal kong buhay at maging dito sa kompanya namin. Lalo pa‘t wala na akong kasama, mas magiging mahirap at stressful na ang trabaho ko. Pero kagaya nga ng sabi ko, kakayanin ko! Makakaya ko ‘to!

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon