CHAPTER 25

82 19 9
                                    

CHAPTER 25

Third Person‘s POV

One Month Later

KASALUKUYANG sumasailalim sa chemo therapy si Yana. Sa buong isang buwan na lumipas, nagpabalik-balik lamang siya sa St. Venilles Hospital. Tanging si Abby lamang ang kaniyang kasa-kasama. Makikita mo ang naging epekto ng cancer sa katawan ni Yana. Mahina na siya, mapuputla na ang kaniyang mga labi at ang kinakatakot niya, ubos na lahat ang kaniyang mga buhok. Iyon ang isa sa mga pinakamasakit na nangyari sa kaniya, ang maubos ang buhok niya. Dahil dun siya kumukuha ng lakas ng loob para humarap sa mga tao sa paligid niya. And now that she‘s bald headed, isa lang ang paraan na kaniyang naisip ang magsuot ng wig at hood.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong sa kaniya ng kaibigan. Nakauwi na sila sa condo nito, kakagaling lang nila kay doktora Suarez.

“Mabuti-buti na ako Abby. Sakit lang ito, lalaban ako,” aniya pa sa kaibigan.

Kung noo‘y nawawalan na siya ng pag-asa at nais na niyang sumuko at huwag labanan ang kaniyang sakit, naging determinado siya sa mga nagdaang araw. Inisip niya ang mga taong nagmamahal sa kaniya. Ang bestfriend niyang si Abby, ang pamilya niya at. . .ang lalaking mahal niya. Si Joaquin.

Pinagtabuyan man niya ito, hindi pa rin maikakala ang pagmamahal na meron siya sa binata. Natakot lang siya sa maaaring kahahantungan ng lahat kapag sinabi niya kung anong totoo kay Joaquin. Iniisip niya lamang ito sapagkat ayaw niyang dumagdag sa pasanin na meron si Joaquin. Maliban pa dun, ayaw niya ring kaawaan siya nito dahil lang sa may cancer siya.

Mahirap man, pinili niyang itago ang pagkakaroon niya ng stage 4 brain cancer sa kaiisang lalaking mahal niya.

“Hanggang kailan mo balak itago kay Joaquin ang tungkol dito?” pag-iiba nito ng naging tanong sa kaniya. Halos araw-araw kung pumupunta si Joaquin sa kaniyang condo ngunit kagaya ng kadalasan niyang ginagawa, hindi niya ito binibigyang pansin. Sa tuwing alam niyang nasa labas lang si Joaquin, umaakto siyang tulog o ‘di kaya ay walang tao sa loob. Iyan ang ginagawa ni Yana kay Joaquin.

“Hanggang sa kaya ko Abby. Ayaw kong idamay pa siya dito. Kaya nga, kahit na anong gawin pa niya, hindi nalang ako nagre-react pa. Gusto kong makita siyang masaya pero hindi ko iyon nakikita sa sarili ko kapag ako pa rin ang pipiliin niya,” paliwanag naman nito sa kaibigan.

“Pero mahal na mahal ka niya.  Alam mo ‘yan sa umpisa palang Yana. Kaya masakit din sa akin na makitang ganiyan kayong dalawa,”

“Mahal ko rin naman siya kaso ang problema lang ay itong sakit ko. May cancer ako at maaaring mamatay din ako,”

“Hindi hadlang ang sakit mo para itigil mo ang pagmamahal sa kaniya. Pwede ka pa ring magmahal Yana. At hindi ka mamatay. Matatalo mo iyang sakit mo, at kasama mo kami sa laban mong ‘yan.”

Tumayo si Yana para kumuha ng maiinom na tubig. Nakakaya pa niyang tumayo, sa tulong na rin ng tamang pagkain niya, maging ang ginagawa nilang exercise dalawa ni Abby.

“Alam kong pwede pa pero ayoko ng ituloy iyon knowing na pwede akong mamatay din. Hindi ako sigurado sa magiging kapalaran ko, kung mabubuhay pa ba ako o hindi na. Kaya mas mabuting ganito nalang kami,” bulalas niya sa kaibigan.

Abby look at her—seriously.

“If that‘s what you want I respect you but. . .” Tumayo ang kaniyang kaibigan at nilapitan siya. “make sure na hindi mo pagsisisihan ang desisyon mong ‘yan,” dugtong nito.

Matapos ang kanilang masinsinang pag-uusap, umalis muna saglit si Abby dahil balak nitong bumili ng mga prutas at gulay. Sasama pa sana si Yana ngunit hindi na siya pumayag pa. Mas maigi nalang daw na magpahinga si Yana para hindi na siya mapagod pa ng husto. Isa din iyon sa bilin ng kaniyang doktor, ang huwag siyang magpapagod ng husto dahil  baka hindi kayanin ng kaniyang katawan.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon