SPECIAL CHAPTER

128 7 3
                                    

Special Chapter

Third Person‘s POV

YEARS had already passed. Joaquin flew to America, to get unwind from the things that had happened. Para piliting kalimutan ang mga nangyari sa kaniya—sa kanila ni Yana. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. Hindi gano‘n kadali ang lumimot ng isang bagay, lalo na‘t alam mong may malaking bahagi iyon ng buhay mo. May mga bagay kasi na kahit anong pilit mo mang ibaon sa limot at piliing ibaon sa hukay, hindi na iyon kailanman mawawala pa kasi naging parte iyon ng buhay mo. Nang buo mong pagkatao at ng kwento mo.

Madaling gumawa ng mga ala-ala, sulitin ang bawat araw pero ang masaklap doon, mahirap ang lumimot. Mahirap maging okay sa kabila ng mga nangyari sa buhay mo. Masaya man, mapanakit o kahit na malungkot pa, ang hirap makalimot. Life is full of suprises, you‘ll never know what would happen next. What you just need to do, is be ready at all times. Ready to face the world, ready to conquer the challenges ahead, and ready to fight and be strong to keep moving forward.

Nang makarating si Joaquin sa America, akala niya ay magiging madali na para sa kaniya ang kalimutan ang mga nangyari. Ang nangyari sa babaeng mahal niya pero nagkamali siya, naging mahirap pa rin sa kaniya ang sitwasiyon. Ilang buwan niya ring ininda ang pangungulila niya, pinipilit na libangin ang sarili niya upang pansamantalang makalimot at makatakas sa mundong puno ng sakit.

Instead of drowning his self unto things that doesn‘t help him, he instead chooses to do things that would allow him to be more stronger and do things that worth doing for. Sa katunayan, ginugol niya ang buong sarili niya sa pagtatrabaho at pagpapatakbo ng kompanya ng kaniyang Tito Albert. Isa rin ito sa dahilan kung bakit napadpad siya sa America. Isang araw matapos mailibing si Yana, nagkausap sila ng kaniyang mommy at daddy. Nangako siyang iaangat niya ang kanilang pamilya mula sa pagkakalugmok. Nangako rin siya sa kaniyang ama na gagawin niya ang lahat maging proud lang ito sa kaniya. And he did. He make his dad as well as his mom proud. He did everything in working in the company. He works hard—for his parents and for himself.

“Today, we are here gather all together to witness the success of this company. The El Puero Real Company. And thanks to the man behind the success of this,” panimula ng lalaking nasa harap. Ang Tito Albert ni Joaquin. Nagtipon-tipon silang lahat ngayon upang i-celebrate ang naging success ng kompanya nila. “For the past year, our company is growing faster, growing bigger and has been the most highly recognize company in all over the world. In fact, last month, our company receive the award of being the most globally successful company in the world. And that gives us more doors and opportunities for other investors and more employees that wants to be part of this organization. And I would like to give a special mention to the man behind for all the success that has been happening in our company in just a span of one year. Let’s give around of appluase to Mr. Joaquin Alfonso.”  Tumayo si Joaquin at tumungo sa harapan.

Napabuntong-hininga itong nagtungo sa gitna sa may mikropono.

“Una sa lahat, nais ko lamang magpasalamat sa Tito ko na siyang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Marahil ay wala ako ngayon dito sa harapan niyo kung hindi ng dahil sa kaniya. Sa magulang ko rin, malaki ang pasasalamat ko dahil hindi niyo ako sinukuan. Noon, ibang-iba ako sa Joaquin na nakikita niyo ngayon. Ang laking pasaway ko, binabalewala kung anong meron ako. Lasing doon, lasing dito. Minsan pa nga nasasangkot ako sa gulo. Pero alam niyo ba, nagbago ako. Pinili kong magbago nang dahil sa isang tao. Isang taong nagbigay daan at pag-asa sa akin na baguhin ko ang sarili ko. Sa katanuyan, ang laki ng pinagbago ko. Kung noo‘y pasaway ako, walang pakialam sa mundo, binago ko iyon hindi dahil iyon ang gusto ng ibang tao kung hindi ginusto ko. Pinili kong magbago,” mahabang pagsasalaysay niya sa lahat ng kaniyang naging buhay. Nais niya lamang ibahagi ang kaniyang pinagdaanan, ang kaniyang ginawa para sa kaniyang buhay.

“Pero nung pinili kong magbago, doon gumuho ang mundo ko kasi iyong taong naging dahilan nag pagbabago ko, unti-unting bumibitaw sa mga kamay ko. Ginawa ko ang lahat, sinulit ko ang bawat araw na kasama ko siya. Naging masaya ako kahit na pansamantala lang. Naging malakas ako kahit na panandalian lang. It was painful. It really is. To see someone you love in pain, suffering from pain, ang laking sakit. Kaya bago pa man siya mawala, nangako akong aayusin ko lalo ang buhay ko. Ang pamilya ko, kami nila mommy at daddy. And the last thing she said to me before she let go is, “Magpatuloy ako sa buhay ko”. And that really inspire me, that drove me to become the man I am today. The man standing right now, is a man full of hope, of happiness in his heart and a man ready to face the world. Other than that, gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng mga taong naniwala sa akin na kaya ko. Thank you and I will, we will continue to strive harder and be better for this company.” Nagsipalak-pakan ang lahat matapos magsalita ni Joaquin. Kaagad din siyang bumalik sa kaniyang upuan kung nasaan naroroon ang kaniyang mommy at daddy. Maging sina Troy at Abby rin.

“We‘re so proud of you anak,” bulalas ng kaniyang mommy sa kaniya.

“Good job Son.” Ang kaniyang daddy naman ang nagsalita.

Labis ang kaniyang saya dahil sa wakas naging maayos na ang kanilang pamilya. Ang relasiyon niya sa kaniyang daddy ay naging okay na rin. Masayang-masaya na si Joaquin ngayon.

****

IT was already late at night but Joaquin is still awake.  He was now in the veranda, sitting while looking at his phone. Scrolling and was looking at Yana‘s picture and their picture together. Isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan ni Joaquin si Yana. Naka-move on na siya sa mga nangyari pero hindi pa rin niya inaalis sa ala-ala niya ang babaeng mahal niya, ang masasayang araw nilang magkasama.

“How I wish you were still here my love,” he whispers in the mids of his silence. “But I know that your happy right now. Kung nasaan ka man, alam kong masaya ka at masaya na rin ako mahal ko,” dagdag niyang sabi habang mariing nakatitig sa litrato ni Yana. Isa ito sa litratong pinakainiingatan niya. Litrato ito ni Yana nung nasa hospital pa siya. Pasimple niya ito kinunan.

“Anak, okay ka lang ba diyan?” agad siyang napatingin ng marinig niyang magsalita ang kaniyang mommy.

“Opo ma, okay lang po ako. May naalala lang,” naisagot niya rito.

“Naalala mo na rin ba si Yana?” naitanong sa kaniya ng mommy niya.

“Ang hirap din kasing kalimutan ma. Naging masaya ako sa piling niya kahit na panandaliang panahon lang iyon.”

“Naiintindihan kita anak. Alam kong naging mahirap ang pinagdaanan mo nung nagdaang taon pero alalahanin mong sa bawat pangyayari, natututo ka, nagiging malakas ka at tumatapang ka. Sa una, magiging masakit pa iyan, magiging mahina at duwag ka pero alam mo ba anak, sa pagdaan ng panahon, sa paglipas ng oras, magiging okay ka. You just have to trust the process because in every pain, in every tears, diyan ka pwedeng humugot ng lakas upang magpatuloy,” madamdaming paliwanag sa kaniya ng mommy niya.

Tumayo siya, tinungo ang kaniyang mommy at binigyan niya ng isang yakap.

“Salamat ma,” malimit niyang sabi rito.

“Basta isipin mong nandito lang ako—kami ng daddy mo.”

Iniwan na muna siya ng kaniyang mommy.

He let a breath out. A heavy deep breath. He then look at the starry night, with a moon shining all over the darkest night.

“Salamat mahal ko, sa mga pinagsamahan natin. Ikaw ang rason kung bakit ako mas naging malakas. Kung bakit pinili kong baguhin ang sarili ko. Sa wakas, natupad ko na rin ang pangako ko, ang sinabi mo na magpatuloy ako. Thank you for making me the man that I am today.  Thank you for loving me, for trusting me again, until our next story my moon!” as he look up to the moon, a tears slowly run through his face. He just let it to fall and just feel the sadness and the bereavement he feels because as what Yana said to him, it‘s okay to cry sometimes. That it really is okay to not be okay.

“Until we meet again.”

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon