CHAPTER 1

273 30 26
                                    

Chapter 1

Years After

Yana's POV

Three years ago today, I went through a heartbreak. It took time, but I'm stronger now. Healing is a journey, and I'm still on it.

"Are you just gonna lay down there?" bulalas naman ng bestfriend kong si Abby. Narito siya ngayon sa condo ko kung saan ako nakatira. Ako lang kasi mag-isa rito dahil nasa America na 'yong pamilya ko, nag migrate na sila doon at ako, mas pinili ko rito. Kahit na sa kabila pa man ng mga hindi magandang karanasan ko dito. Iba kasi ang feeling kapag nakatira sa bansa mo. You can always feel like home and I can't even barely feel that way in America. Dito lang talaga sa Pilipinas.

"Wala naman tayong ibang gagawin e. Wala ako sa mood ngayon," pagmamaktol ko pa sa kaniya. Kinuha ko ang unan sa may paanan ko at siyang itinakip ko sa aking mukha. Itong babae naman kasing 'to, ang aga kong bumisita. May spare key kasi siya nitong condo ko kaya kahit na kailan man niya gustong pumunta dito ay nakakapunta siya.

"Wala nga ba sa mood o baka may naalala ka na naman d'yan," gagad niya, hindi pa man siya natatapos nun ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. She knew what had happened to me and she was there in my toughest and darkest times. She was there to comfort and give me some advices-that's why I am thankful that I have a friend like her. A real friend. Well, she's not just my best friend but she is like a sister to me, ever since.

"Huwag mo na ngang ipaalala iyon sa akin," anas ko sa kaniya. Narinig ko namang napatawa ito ng marahan. Hindi ko man makita ang pagmumukha niya, alam kong nakataas ang kilay niya ngayon.

"Tatlong taon na ang nagdaan, Yana. Your supposed to be forgetting those moments of your life. If you couldn't, then it will just torture you everytime. You have to let go of it. You have to forget him, at all!"

"I know, but it's just that I can't. Yeah your right, it was exactly three years ago but you know what, the pain was still there. It may sounds OA or what but that was the truth," bulalas ko dito. Tumayo na ako, isinandal ang aking sarili sa headboard nitong kama ko.

"Alam ko ang nararamdaman ko, maging ako man din ay nakaranas ng ganiyan pero alam mo ba kung anong ginawa ko?" ako naman ang nagtanong sa kaniya. Seryoso akong napatingin sa kaniya.

"Ano naman?" ani ko rito.

"Simple lang, nilibang ko ang sarili ko upang ng saganun ay madali ko siyang makalimutan. Gumawa ka ng mga bagay na magpapasaya sa 'yo. Iyong tipong kapag ginawa mo, tanging saya lang ang mararamdaman mo at hindi na iyong mga masasakit na nangyari sa 'yo," paliwanag naman niya. Oo nga naman no, may point din naman si Abby. Dapat kong libangin ang sarili ko upang mapadali ko siyang makalimutan. Sa dami ng taong lumipas, masasabi kong isa sa pinaka-struggle ko ay ang kalimutan siya. Ang taong nagdulot nitong sakit na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin. Alam mo iyong may gusto ka ng kalimutan pero hindi mo magawa-gawa kasi napakahirap.

"Pero ano namang gagawin ko?" anas ko sa kaniya. "Tinatamad ako e," pagkasabi ko ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Tumayo ka na nga diyan. Maligo ka na rin," aniya. Tumayo ito at kita kong tumungo siya sa may cabinet ko at pagbalik niya ay may dala na itong damit.

"At ano naman 'yan?"

"Ano pa edi damit," sarkastiko nitong sagot. Oo nga naman Yana, damit naman iyon. Bakit mo pa kasi tinanong.

"Ang ibig kong sabihin, bakit ka kumuha niyan?"

"Aalis tayo kaya bilis-bilisan mo na diyan babae ka," at tinulak-tulak na niya ako papasok ng banyo.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon