CHAPTER 18

60 17 5
                                    

Chapter 18

Yana‘s POV

“ARAW-ARAW na siyang nasa labas Yana. Hindi ka ba naaawa sa tao?” pagbasag ni Abby sa naging katahimikan ko. Isang linggo na akong hindi lumalabas nitong condo ko. Isang linggo na ring nagpabalik-balik si Joaquin dito, nasa may harap nitong condo building kung nasaan ako nakatira. Bahala siya sa buhay niya, hindi ko naman siyang sinabihang pumunta siya rito ng araw-araw. Minsan naabutan ito ng ulan pero sa halip na ito‘y umalis, nanatili lamang siya.

“Pabayaan mo siya. Choice niya ‘yan,” bulalas ko at hindi binaling ang tingin sa kaniya. Nakatutok kasi ako ngayon rito sa aking laptop.

“Pero tignan mo naman ‘yung tao, baka magkasakit na ‘yan kakabalik rito,” muli nitong sabi sa akin. Nakadungaw kasi siya ngayon sa labas kaya kitang-kita niya si Joaquin na nasa labas.

“Wala namang nag-utos sa kaniya. Isara mo na ‘yang bintana Abby, ‘wag mo na siyang tignan,” seryosong anas ko sa kaniya na kaagad naman nitong tinugunan.

Tinabihan niya ako sa aking kama.

“Sa tingin mo naniniwala akong kaya mong nakikitang ganiyan si Joaquin?” she said those words out of the blue. And my gaze, lingered on her. Giving her my serious expression.

“What do you mean by that?”

“Alam kong nasasaktan ka. Alam kong may kirot pa rin ‘yung puso mo dun sa nakita mo nitong nakaraang araw, pero ramdam ko Yana. Ramdam ko ang pag-aalala mo sa kaniya. Even if you don‘t tell it, show it, I can feel it,” bulalas nito sa akin.

“Alam mo kung anong natitira sa puso ko?” ako naman ang nagtanong. Napailing-iling ito. “Galit at pagkamuhi sa kaniya. Iyon nalang ang tanging natitira ko sa kaniya,” dugtong ko.

“Pa‘no nga kung nagsasabi siya ng totoo? Na talagang hindi niya iyon ginawa,” turan niya and she was referring as to what happened on the club last time.

“Hindi ko na alam pa Abby. Pagod na akong paniwalaan siya kasi sa tuwing magkakaayos kami, sa tuwing makikipagkita siya sa ‘kin, hindi nagiging maganda ang nadadatnan ko. Tulad nalang nung nalaman kong niloloko pala nila ako ni Bea. Mukhang ang malas ko nga talaga sa pag-ibig,” mahabang salaysay ko sa kaniya.

“Don‘t say that. Hindi ka malas, sadiyang may mga bagay lang talagang hindi nakaayon sa atin. Marahil nangyari ang mga iyon upang ma-realize mong hindi talaga iyon para sa ‘yo, na may mas better pa. You are loved and you are worth to be loved. Remember that,” madamdamin nitong sambit sa akin. Natignan ko siya at binigyan ng isang malapad na ngiti.

Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ko. Sa halip, napag-isipan na lamang nitong magluto ng pagkain naming dalawa.

“Kung ikaw ang nasa posisyon ko Abby, anong gagawin mo?” bigla kong naisip iyong itanong kay Abby. Curious lang kasi ako sa magiging sagot niya. Gusto kong marinig kasi meron tayong iba‘t-ibang pananaw sa buhay, sa mundo at sa pag-ibig.

“Hmm,” panimula niya pa. “Kung ako lang, pakikinggan ko muna ang side niya. Sisiguraduhin kong magiging maganda ang pag-uusap namin. Talagang hindi naman maiiwasan na magkainitan, ang magpalitan ng mga masasakit na salita, pero dapat mo ring isaalang-alang ang side ninyong bawat isa. Matuto kang makinig sa kaniya, sa side niya para malinawan ka,” pagpapaliwanag niya sa ‘kin. I just nodded and a thought pops on my mind. Maybe Abby‘s right. She has a point pero gaya nga ng sabi ko, iba‘t-ibang pananaw meron ang tao. We have our different perspective and viewpoint in life and in love. What we should do, is respect everyone‘s side. 

****

SA mga sumunod na araw, hindi na namin nakikitang nagpabalik-balik si Joaquin sa harapan nitong condo building. Maghapon lamang akong nakahiga at walang ibang ginawa dahil hindi mabuti ang aking pakiramdaman.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon