Chapter 9
Joaquin‘s POV
AS I woke up, naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Wala na akong ibang maalala sa nangyari kagabi maliban na lamang sa aking nakita. It was so clear that Wendy, cheated on me. I‘ve tried to love her but still she cheated.
Flashback
PAALIS na ako nun galing sa condo ni Yana. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa kaniyang mga sinabi. Alam kong isa akong malaking gago dahil sinaktan ko siya. But this time, I will prove to her that I‘ve changed. And it‘s because of her. Seeing her a while ago, and hearing those words “He‘s my boyfriend, Joaquin,”—it feels like my heart was shattered and being broke into pieces. Pero kita ko sa kaniyang mga mata na hindi iyon totoo. Alam kong ginawa niya lang iyon para lumayo ako sa kaniya. Sana nga ay iyon ang rason niya. Kasi hindi ko maaatim na makita siyang kapiling ang ibang lalaki. Ang sakit-sakit.
Nang malapit na akong makalabas, nakita ko si Abby paakyat sa itaas at marahil ay sa condo ni Yana ang punta niya. Nang tuluyan na akong nasa labas at makita ang aking kotse, agad akong pumaroon dun at pinaharurot iyon. Gusto kong makalimot muna sa araw na ito. At isa lang ang alam ko, magpapakalasing ako ngayon. Tumungo ako sa Blue Diamond Club—malapit-lapit lang kasi ito dito.
Madilim na ng makarating ako doon. Nang makapasok, agad akong pumaroon sa may counter at doon na lamang napagpasiyahang umupo.
“Isang beer nga,” anas ko sa lalaki. Agad din naman nito akong binigyan.
Makalipas ang ilang oras, hindi ko pa rin nararamdaman ang pagkahilo ko kaya, um-order pa ako ng isa pa. Halos sampu na ang naubos kong beer pero nanatili pa rin ako sa tamang suhestyo ko. Alam ko pa ang mga ginagawa ko. Hindi ako madaling malasing.
“Dagdagan mo pa ng isa,” usal kong muli.
“Sir kaya niyo pa po ba?” rinig kong usal nung lalaki.
“Huwag mo akong pakialam. Akin na ang beer,” iyon lang ang tanging isinagot ko sa kaniya.
Ano bang pakialam nila sa gagawin ko. Iyong mga taong malalapit nga sa akin ay hinayaan lang ako. Wala na silang pakialam sa akin. Kahit na ano pang gawin ko, kahit na magpakatino pa ako, wala pa rin silang pakialam sa akin. For them, I am nothing but just a big disappointment and a jerk. Ni kahit anong gawin ko, palaging ang mali lang ang nakikita nila. I‘m such a big mess for them. A mess that they couldn‘t even recognize.
Bingyan niya na din ako ng beer. Ilang saglit pa, nakaramdam ako ng pagkaihi kaya tumungo ako sa banyo. Pasuray-suray ko iyong pinuntahan. Kasalukuyan akong nasa may hallway patungong banyo ng may maaninag akong dalawang tao, kung hindi ako nagkakamali ay naghahalikan sila.
Anong tingin nila dito, motel? For pete sake, wala na ba talaga silang ibang maisip na lugar upang maglampungan?
Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad, nang malapit na ako, at naaninag ng mga mata ko ang mga mukha nila dahil sa ilaw, parang nawala ang pagkalasing ko.
“Wendy?” taka kong tanong ng makilanlan kong iyon ay si Wendy. “Anong ibig sabihin nito Wendy?”
“Joaquin, sandali lang magpapaliwanag ako. Mali ka ng iniisip,” aniya pa. Dahil sa galit ko, walang ano-anong sinapak ko ang lalaking kahalikan niya kaya napatumba ito at duguan ang gilid ng kaniyang labi.
“Ano pang ipapaliwanag mo Wendy? Sapat na ang mga nakita ko,”
“Pakinggan mo muna ako Joaquin,” she then both hold my hands but I immediately jerk it away.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...