Chapter 22
Yana’s POV
IT was a sunny morning. I immediately woke up as I heard a knock on my door. Inaantok pa man ang aking mga mata, pinilit kong gumising na. As I opened the door, isang delivery guy ang nakita ko.
“Good morning ma‘am, delivery po para sa inyo,” bulalas niya at iniabot sa akin ang dala nitong bulaklak.
“Maraming salamat,” bulalas ko at kaagad na isinarang muli ang pinto nang makaalis na ito.
Kagaya ng binibigay sa akin ni Joaquin, mga puting rosas naman ito. Para kasi sa akin, may angking gandang dala ang puting rosas. Kakaiba siya sa lahat. Nang makaupo ako, agad kong kinuha ang card na kalapit sa bulaklak. As I opened the card, I read what‘s on it. It was a poem.
Binibini
Noong ika‘y aking unang makita,
Mga mata ko‘y kumikislap sa tuwa,
‘Di malaman ang dahilan ng aking saya,
Ngunit isa lang ang alam ko, ikaw ang aking sinisinta.Sa pagdaan ng araw,
Ikaw ang laging natatanaw,
Ang iyong mga matang nakakabighani at nakakatunaw,
Sa aking isipan ika‘y gustong maisayaw.Binibini,
Sa aking pagtulog sa gabi,
Ikaw ang laging laman ng isip at hindi mapakali,
Sa paggising ko naman, ikaw ang iniisip palagi.Binibini, sa iyong gandang nakakahalina,
Ako‘y iyong nakuha at nabighani sa kakaiba nitong dala,
Kay sarap sa mata,
Kay gandang makita.Kagaya ng araw,
Ikaw ang binibining mamahalin kahit pa puso ko‘y maligaw,
Ika‘y hahanapin ng aking pusong sumisigaw,
Sumisigaw, humihiyaw, sinasambit ay tanging ikaw.Yana, ikaw ang aking binibini,
Sa aking puso at isip ika‘y namamalagi.
‘Tulad ng umaga,
Sa iyong ganda ako‘y nabighani mo na.Habang binabasa ko ang tulang iyon na galing kay Joaquin, nakangiti lamang ako. Hindi ko aakalaing may kaalaman pala siya pagdating sa paggawa ng tula. Inilapag ko ang bulaklak at tsaka muling napatayo upang makapagtimpla ng kape.
While sipping a coffee, my phone suddenly ring so I grab it immediately. And saw Joaquin‘s name on it.
“Did you like the flowers?” bungad niyang sabi sa akin nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
“Kinda,” sagot ko, narinig ang malalim nitong pagbuntong-hininga. Nadismaya ata sa sagot ko. “Joke lang. I know how to appreciate things like this. And thank you,” pagbawi ko pa sa aking sinabi.
“Akala ko hindi mo nagustuhan,” aniya pa.
“Ikaw ha, ngayon ko lang nalamang marunong ka palang gumawa ng tula. Pero baka si-nearch mo lang ‘to sa google,” sabi ko pa rito.
“Hindi ah. I tried my best to make that poem. Ginabi na akong natapos ‘yan. Pinagpuyatan ko kaya ang paggawa nun. Ganda no?” gagad niya at tila nakakatiyak na maganda ang gawa niya.
“Papasa na rin,” matipid ko namang sagot rito.
“May gagawin ka ba mamaya?” bigla-bigla ay naitanong nito sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot at naalalang mamayang hapon na pala ang magiging resulta nung tests na sinabi ni Doktora Suarez. Kinakabahan nga ako e.
“Oo Joaquin e. May lalakarin ako mamaya,”
“Ganun ba, next nalang kapag may free time ka na,” dismayado man sa naisagot ko, naintindihan niya rin ito. Ayoko nang isama pa siya sa hospital mamaya kasi natatakot ako sa magiging resulta mamaya. Habang naghahanda ng aking makakain, naalala ko si Abby. Nasaan kaya ang isang ‘yun? Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...