CHAPTER 28

77 17 8
                                    

Chapter 28

Joaquin's POV

PAGKALABAS ko sa kwarto ni Yana, agad akong nilapitan ni Abby.

“Intindihin mo muna si Yana, Joaquin. May pinagdadaanan siya ngayon. Mahirap ang pinagdadaanan niya,” anas niya pa. Marahil ay alam niya.

“Alam ko naman iyon Abby at naiintindihan ko siya. Parati ko siyang iintindihin,” tugon ko naman rito. Umupo muna ako. Tumabi naman siya sa akin.

“Mahal ka ni Yana. Alam ko ‘yun, sadyang nahihirapan lang siya dahil sa sitwasyong meron siya ngayon. Alam mong mahal ka niya Joaquin.” Palagi ko naman iyong alam. Mahal ako ni Yana, alam na alam ko iyon. Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa kaniya ay kung bakit kailangan niya pa akong itaboy? Bakit kailangan niyang sumuko sa aming dalawa?

“Hijo, maaari ba kitang makausap saglit?” agad kong naitaas ang tingin ko. Nakita ko ang mama ni Yana.

“Oo naman po,” matipid kong sagot. Lumayo kami sa kwarto ni Yana. “Ano pong kailangan niyo sa akin?”

“Narinig ko kayo kanina ng anak ko. Narinig ko ang naging pag-uusap ninyong dalawa,” bulalas sa akin ng mama ni Yana.

“Iyon po ba, pasensiya na po kayo Tita ha,” paghingi ko rito ng paumanhin.

“Don‘t say sorry hijo. Sana lang lawakan mo pa ang pag-iintindi kay Yana. Hindi madali ang pinagdadaanan niya sa ngayon. Kailangan niya tayo. Tayo ang pinakakailangan niya sa laban niyang ito. Mahal mo ba ang anak ko?” naiangat ko ang aking tingin sa kaniya.

“Opo. Mahal ko po si Yana,” mabilis ko namang naging tugon sa ina niya.

“Kung ganun, lakihan mo lang ang unawa sa kaniya hijo. Alam kong mahal ka rin ng anak ko. Pakisamahan mo lang siya,” bulalas nito sa akin at iniwan ako. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng marinig ko iyon mismo sa ina ni Yana. Iba din iyong saya na naramdaman ko.

Bumalik na rin ako sa kanila. Hindi pa man ako nakakalapit, pansin ko ang isang pamilyar na babae mula dito sa kinatatayuan ko. Nang makalapit, hindi nga ako nagkamali. Tama ang nakita ko.

It‘s Wendy. At narito rin si Troy. They must have heard about what happened to Yana. And that‘s probably the main reason why they‘re here.

“Hi Joaquin. Nice to see you again,” bati sa akin ni Wendy. Sa halip na sagutin siya, tumabi nalang ako sa pagkakaupo kay Abby na tila wala ring pakialam sa dumating na si Wendy. Si Troy naman kausap siya nina Tita.

“Bakit siya nandito?” ako na ang nagtanong kay Abby. Tinutukoy si Wendy.

“Ewan ko nga rin e. Ang lakas pa talaga ng loob niya na pumunta rito pagkatapos ng ginawa niya,” naisagot naman niya. Mahihimigan ang pagka-ireta sa kaniyang boses.

“Hmm. . .pwede bang makausap muna kita kahit sandali lang?” nang iangat ko ang aking ulo, tumambad sa akin ang mukha ni Wendy.

Nakita ko naman ang pag-iwas ni Abby ng tingin sabay irap rito.

Tumayo ako, nagtungo kami sa isang hallway na wala masiyadong katao-tao.

“Ano bang pinunta mo dito?” iyon kaagad ang itinanong ko sa kaniya.

“Pakinggan mo muna ang sasabihin ko Joaquin. Kahit saglit lang,” pakiusap niya pa sa akin.

“Para saan pa Wendy? Hindi ba masaya ka na sa France? Bakit ka pa bumalik dito?” it may sounds harsh, I still wanted to know why she‘s here. Alam kong may iba pa siyang rason kung bakit sa naririto, maliban nalang ng dahil kay Yana.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon