CHAPTER 23

65 18 10
                                    

Chapter 23

WEEKS PASSED

Yana‘s POV

IT was passed a week nang malaman kung may cancer ako. Ramdam ko na rin ang panghihina ng aking katawan ngunit kinakaya ko. Lumalaban ako kasi iyon ang dapat kong gawin. Napaka-imposible man, susubukan kong lumaban. Para sa mga taong mahal ko, at nagmamahal sa akin. Pinipilit kong kalimutang may cancer ako kahit na pansamantala lang pero hindi ko magawa. Para siyang boomerang na laruan na balik nang balik sa aking utak, nakakabingi na siya.

Nanatili lamang ako buong linggo sa aking condo. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang humiga at magmukmok lamang. Pakiramdam ko‘y parang mas lalong naging magulo at maliit na ang aking mundong ginagalawan. Hindi katulad ng iba na sinasamantala ang pagkakataong gawin ang mga bagay na nais nila habang may nalalabi pang oras sa kanila, ako naman ay gustong kalimutan ang mundong ito. Itong mapanakit na mundo at tapusin na lamang ang buhay ko. Wala na akong silbi pa, wala na akong magagawa pa sa sakit na meron ako. Parang ang laking pilay ang ginawa sa akin nung araw na malaman ko ang tungkol sa sakit ko. It was too hard to accept the fact that I have a stage 4 brain cancer. I‘m dying. . .very soon. And that‘s the fact I am trying to forget and trying to escape even if I know in the first placw that is way too imposible to happen. But still. . .I am hoping and praying.

I‘ll just surrender everything to God. I have my faith on Him. As always.

Habang tahimik akong nakahiga sa aking kama, dalawang magkakasunod na katok ang aking narinig. Tinatamad mang tumayo, pinagbuksan ko iyon.

“Abby,” bulalas ko ng makita ko si Abby. Sa sunod na pagkakataon, dali-dali akong lumapit sa kaniya at walang ano-anong niyakap ito. Hindi ko naman napigilan ang aking emosiyon at napaiyak na lamang ako sa kaniya at ibinuhos lahat ng aking kinikimkim na sakit at lungkot.

“Hey what happened?” pag-aalala niyang naging tanong sa akin. Hinarap niya ako. Pinunasan ang aking mga luha. “May problema ba? Hey, look at me,” dugtong nito, pinapaharap ako sa kaniya.

Hindi ko siya magawang sagutin, patuloy lamang sa pagbuhos ang aking mga luha. Pumasok naman kasi sa loob. Pinaupo niya ako sa may couch, paharap sa kaniya.

“Tell me, what happened? Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba ni Joaquin?” sunod-sunod itong nagtanong sa akin.

Napailing-iling lang ako bilang pagsagot sa kaniya.

“Then why are you crying like that?” kuryuso niyang tanong. This time, I look at him—straight, eye to eye.

“Wala lang, na-miss kita e,” anas ko pa ngunit ang nasa aking isip ngayon ay kung sasabihin ko ba sa kaniyang may sakit ako. Na may cancer ako. But I have already decided, na hindi ko muna sasabihin sa kaniya—sa kanilang lahat. Ayoko muna silang makitang  nasasaktan dahil sa sitwasiyong meron ako. Ayoko muna silang makitang kinakaawaan ako dahil sa may cancer ako.

I heard her sigh. “Iyon lang naman pala e. Akala ko kung ano na namang nangyari. Maiba tayo, anong nangyari sa pagpunta mo sa hospital? Para saan daw iyong tests na ginawa nila sa ‘yo?” When Abby asked those questions, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napapalunok akong nag-iisip sa kaniya ng mga idadahilan ko. Alam kong tatanungin niya ako patungkol dito.

“Ah iyon ba. Wala ‘yun. X-ray lang,” pagsisinungaling ko pa sa kaniya. Sana lang ay maniwala siya.

“Anong X-ray? Bakit nabalian ka ba ng buto or something?” usisa niya sa akin. Sinisigurado kung totoo nga ba talaga ang mga sinasabi ko sa kaniya.

“Sabi ni doc, wala naman daw. Sinubukan lang nilang i-x-ray ang katawan ko since nahimatay ako ‘di ba,” turan ko rito.

“Sabagay, may point ka rin naman dun,” naging sagot niya pa.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon