CHAPTER 5

118 21 4
                                    

Chapter 5

Yana‘s POV

I am now at my condo. Nakauwi na rin si Abby sa kanila. Hindi na siya pumarito pa kasi may aasikasuhin pa daw siya. Dahil sa kabagutan ko at wala akong ibang magawa, napag-isipan ko na lamang manood ng NETFLIX movies. Nang buksan ko ang TV kaagad akong naghanap ng ibang panonoorin ko. Halos napanood ko na lahat ng mga nakalagay dito. When I laid my eyes onto the romance category, agad na akong namili.

“There you go,” bulas ko ng makapili na ako. Pinili kong panoorin sa ngayon ang movie ni Shantara Decsus na “I watch You Fall For Him”—isa siyang sikat na direktor na kilala sa paggawa ng mga magaganda at mga tragic na movies. And just by reading the title of her newly realesed movie, I can clearly tell na hindi magiging hindi maganda ang ending nito. And still, I chose to watch it. Isa rin kasi sa mga paborito kung panoorin ay mga tragic movies, kasi hindi lang naman pagpapaiyak ang rason kung bakit ginawa iyon. Tragic movies, teaches us how to be strong and be independent in life. It may end sad or tragic—it always allows us to better understand the reality of life na hindi lahat ng storya, nagtatapos ng masaya at hindi kagaya ng inaasahan natin. And, also it teaches us a lesson. A lesson that will help us grow as a better and stronger person. It also help us realize that in life it‘s not always about the happy ending kasi ang buhay, komplikado, ang daming pwedeng mangyari, ang daming pwedeng magbago at dapat ay handa tayo sa mga pagbabagong mangyayari.

Nang magsimula na ang movie, ipinukos ko na ang sarili ko doon. Kumuha rin ako ng popcorn na binili ko lang kanina nung pumunta kami ni Abby sa mall. Para na akong nasa sinehan ngayon. 

Wala pa man ako sa kalagitnaan ng movie, hindi na ako nakaligtas mula sa pag-iyak. My vision are now blur as I began to cry. Agad ko naman iyong pinusan. Simula pa nga lang nakakaiyak na, paano pa kaya ang ending nito.

“Lintik ka Yana, pinapaiyak mo lang ang sarili mo!” sabi ko pa sa sarili ko.

Ilang oras lang, natapos ko na rin ang pinapanood ko. Natawa nalang ako sa sarili ko. Kanina pa kasi ako umiiyak, hindi ko mapigilan ang mga pagpatak ng luha ko. At gaya nga ng sabi ko, hindi naging maganda ang ending. The movie revovles sa mag bestfriend, ’yung lalaki is may lihim na pagtingin sa babaeng bestfriend niya and yet, he still choose not to tell it to her bestfriend kasi natatakot siyang iyon ang maging rason upang mapalayo sila sa isa‘t-isa. And when the guy realizes na kailangan na niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya, huli na siya dahil nalaman niyang nahulog na ang bestfriend niya sa iba. And with that, masakit man, pinili niyang kalimutan ang feelings niya at mas pinili ang kaligayahan ng bestfriend niya. Even if he‘s not the man na kasa-kasama ng bestfriend niya. Saklap ‘di ba? Sakit nun!

Nang gumabi na, nakipag-video call na lamang ako kay Abby. Kakatapos ko lang kumain ng dinner kaya naisipan ko namang isturbuhin siya.

“May ginagawa ka ba?” agad kong tanong sa kaniya.

“Wala naman masiyado,” sagot nito. Kita kong nilapit niya ang kaniyang mukha sa screen at tila may tinitignan. “Anyare diyan sa mga mata mong babae ka?” agad nitong tanong sa akin ng makita niya ang mata kong namumula. Epekto kasi ito nung walang humpay kong pag-iyak kanina sa pinapanood ko. Nagmukha na tuloy akong adik nito dahil sa pagka-pula ng mga mata ko.

“Ah, hehehe,” tawa ko sabay kamot sa ulo ko. “Nanood kasi ako ng tragic movie kanina,” dugtong ko pa.

“Gaga ka talagang babae ka!” sigaw nito sa akin. “Ano bang nakain mo at naisipang mong manood ng tragic na movie ha? Ang daming movies na pwede mong panoorin, talagang tragic pa talaga ang pinili mo,”

“Wala lang, trip ko lang manood e. Tsaka pa, alam mo namang into tragic movies ako ‘di ba?  At isa pa, ano bang pinagpuputok ng butchi mo diyan?” ako na ang nagtanong.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon