Chapter 29
[Play “Say You Won‘t Let Go by James Arthur” while reading this Chapter]
Third Person‘s POVFOUR DAYS LATER
MAHINANG-MAHINA na ang buong katawan ni Yana. Bakas na ang matinding epekto ng sakit niya sa kaniyang katawan. She was in pain, so much pain but she endured it all and chose to continue fighting. To continue living.
Pabalik-balik na ang ginagawang treatment sa kaniya pero hindi na nakikiayon ang katawan niya. Nahihirapan na siya ng sobra pero patuloy pa siyang lumalaban.
“Yana anak, anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng orange?” anas sa kaniya ng ina niya. Halos wala na itong oras pang matulog dahil mas pinipili nitong bantayan bawat oras si Yana. Bilang ina, masakit para sa kaniya na makitang ganiyan ang anak niya. Nahihirapan rin siya sa kalagayan nito.
Nagpalingo-lingo lamang ito.
“Ma, patawad ha,” panimula nito. Napataas-kilay naman ang ina niya sa kaniyang sinabi.
“Para saan?”
“Kasi dissapointment lang ako sa pamilya natin. Wala akong silbing anak. Ni hindi ko kayang patakbuhin ng mag-isa ang kompanya. Pasensiya ma kasi ganito lang ako,” madamdamin niyang sabi sa kaniyang ina. Ito ang matagal na niyang nais sabihin sa mama niya. Sa isip niya, wala siyang ibang ginawa, wala siyang silbing anak.
“Hindi ‘yan totoo anak. Huwag mong isiping dissapointment ka lang sa akin. You did your part. You did your best. Ako dapat ang humingi sa iyo ng tawad. Kasi. . .kasi pinipilit kitang gawin ang isang bagay na hindi mo naman gusto. Ang pagpapatakbo ng kompanya natin, alam kong ayaw mo nun pero pinilit kita. Pasensiya na kasi hindi kita hinayaang gawin ang bagay na gusto mo. Pinilit kong gawin mo iyon. Pinilit kita sa bagay na hindi mo naman gusto,” paliwanag pa nito sa kaniya. Hindi na niya napigilan pa ang mapaluha sa mga sinabi nito sa kaniya. Agad nalang siyang niyakap ng mama niya.
Ito. . .ito ang na-miss niya. Ang yakap ng isang ina. Matagal na rin ng maramdaman niya ang yakap ng ina niya.
“Thank you ma,” bulalas niya sa pagitan ng kanilang yakap. “Ah, aray!” sigaw niya. Impit na napahawak sa kaniyang noo. Dahil dun, nataranta ang kaniyang ina.
“Tumawag ka ng doctor,” turan ng ina niya sa kaniyang ate. Nagmamadali naman itong lumabas.
Ilang oras lang, nakarating na rin ang doctor. Kasama nito ang dalawa pang nurses.
“Doc, ano pong nangyayari sa anak ko?” natatarantang tanong ng Ina ni Yana sa doctor nito.
“Sa labas nalang po muna kayo maghintay misis,” anang Doctor. Lumabas din sila kaagad.
Mula sa labas, nakatingin pa rin sila kay Yana. Habang tinitignan at ini-examine ng mga tao sa loob si Yana. Ilang minuto lang, lumabas ng muli ang Doctor.
“Doc, kumusta ang anak ko? Okay lang ba siya?” sunod-sunod na nagtanong ito sa Doctor.
“Misis, huwag po kayong mag-alala. Okay lang po ang anak ninyo. Ang nangyari sa kaniya kanina ay reaksiyon lang ng kaniyang buong sistema. Pero misis tatapatin ko na po kayo ngayon palang, ihanda niyo po ang sarili ninyo sa posibilidad na kalabasan sa sitwasiyon ng anak ninyo. Base sa mga findings at sa reaksiyons ng kaniyang katawan sa proseso, tila walang epekto ang ginagawa sa kaniya. Pero gagawin pa rin naman ang aming makakaya, ihanda niyo lang ang mga sarili ninyo,” mahabang salaysayin ng Doctor sa ina ni Yana.
“Maiwan ko muna kayo.”
“Maraming salamat po Doc.”
Hindi muna sila pumasok sa loob ng kwarto, nakatingin lamang sila mula sa malaking transparent wall glass. Kita ang natutulog na ngayong si Yana.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...