CHAPTER 20

72 17 4
                                    

Chapter 20

Yana‘s POV

TWO days after and still, nandito pa rin ako sa hospital. Huling araw ko na ngayon dito at madidis-charge na ako mamaya. Mabuti na rin ang pakiramdam ko, hindi na kagaya nitong mga nagdaang araw at linggo. Ako lang mag-isa ngayon dito dahil lumabas sina Abby at Joaquin upang bumili ng aming makakain. Nung araw na dalhin nila ako rito ay nandun din si Joaquin at hanggang ngayon ay naririto pa rin siya. Silang dalawa ni Abby ang kasama ko. May mga sarili silang buhay at mga pinagkakaabalahan pero mas pinili nilang samahan ako rito. Kahapon, nakita ko kung paano mag-alala sa akin si Joaquin. He even take good care of me.

Flashback

Yana‘s POV

MEDYO mahina pa ang katawan ko. Hindi ko pa kayang tumayo kasi pakiramdam ko ay matutumba ako. Kanina pa ako naiihi pero nahihiya ako sa kasama ko. Lumabas kasi si Abby kasi gusto niyang bumili ng prutas. Tanging si Joaquin lang ang kasama ko.

“May gusto ka ba Yana?” bigla nitong usal.

Sasabihin ko ba sa kaniya? Nakakahiya e. Pero kapag hindi ako nakaihi, baka dito na ako makaihi nito. Mas dobleng kahihiyaan iyon kapag nangyari.

“Niihi kasi ako,” sagot ko habang nakatabingi lang ang aking ulo at hindi siya tinitignan.

“Alalayan na kita baka mapano ka,” aniya. Tumayo siya at dahan-dahan akong itinayo at inalalayan. Napahawak ako sa balikat niya at marahang itinayo ang aking katawan.

“Kaya mo ba? Dahan-dahan lang,” bulalas ni Joaquin sa akin, ngayo‘y papunta na kami sa banyo rito sa aking kwarto kung saan ako naka confined.

I was just walking slowly, he‘s holding mw tight.

“Magsabi ka lang kapag tapos ka na,” sambit nito sa akin nang makapasok na ako sa loob ng banyo.

Ilang sandali lang, natapos na rin ako sa akong pag-ihi.  Nakaramdam ako ng ginhawa.

“Okay na ako Joaquin. Tapos na ako,” mahina kong sabi sa kaniya na kaagad naman niyang tinugon.

“Thank you,” pasasalamat ko sa kaniya nang makabalik na ako sa aking kama. Kagaya ng kanina, inalalayan niya akong muling makahiga.

“Kapag may kailangan ka? Magsabi ka lang sa akin,” aniya ulit. Tumango lang ako rito.

Ilang minuto lang ang lumipas, namayani sa aming dalawa ang katahimikan hanggang sa muling makabalik si Abby at may dalang prutas at pagkain.

“Yana, kainin mo itong binili ko para bumalik na ang lakas mo,” bulalas nito sa akin habang hawak-hawak ang isang bowl ng sopas.

“Ako nang gagawa,” anas ni Joaquin na dali-daling nilapitan si Abby at kinuha ang sopas.

“Si Abby nalang,” matipid kong usal sa kanila. Natignan ko si Abby.

“Kanina pa ako nagugutom e. Si Joaquin nalang ang magpapakain sa ‘yo,” gagad niya at hindi matago ang pagngisi nito sa kaniyang mukha. “Hindi ba okay lang sa ‘yo Yana?” pasigaw nitong sabi sa akin. No choice na lamang ako kung hindi ang tumango at sumang-ayon sa kaniya.

“Sure kang okay lang sa kaniya?” rinig kong sambit ni Joaquin kay Abby. Sinisigurong gusto ko ba.

“Huwag kang mag-alala. Okay lang sa kaniya. Sige na, pakainin mo na siya,” naisagot naman nito.

Nilapitan ako ni Vince. Umupo siya sa may tabi ko at nagsimula na akong subuan ng sopas.

“Dahan-dahan lang medyo mainit pa kasi,” marahan nitong sabi sa habang sinusubuan ako.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon