Chapter 3
Yana‘s POV
NARATING na din naman ang bahay nina Wendy. Katulad ng dati, halos walang pinagbago ang bahay nila. Ganun pa rin siya, malaki at maganda. I remember, the three of us used to play here, minsan inaaya niya kami dito, minsan naman ay kina Abby at sa bahay namin sa Batangas. Pero iyong closeness na meron kami noon nina Wendy ngayon ay hindi na gaya ng dati, minsan nalang din kasi namin siyang makasama. Pero okay pa din naman kami, we‘re still in good terms. Mabalik tayo sa bahay namin, may bahay kasi kami dun sa Batangas pero hindi ko piniling tumira doon kasi malayo. At tsaka ako lang mag-isa, ang laki ng bahay pero mag-isa lang ako parang ang creepy kaya. At mas lalo lang akong makakaramdam ng lungkot doon dahil wala nga akong kasama dahil nasa ibang bansa sila at busy sa mga trabaho nila. May care taker din naman kami dun.
Nang mai-park na ni Abby ang kotse ay pumasok na kami. Napakarami nilang bisita. I wonder kung para saan ang party na ito. Well, hindi rin naman kataka-taka kung ang dami nilang bisita dahil si Tito Armando, daddy ni Wendy ay isa ring businessman tulad ng papa namin ni Abby.
“Hi Tito,” bati naman ni Abby ng makita si Tito Armando.
“Hi Tita Selen,” binati rin namin si Tita, stepmother ni Wendy. Bata palang kasi si Wendy, wala na ang mommy niya. Her mother died in a car accident. At nang malaman niyang may ipinalit na sa mommy niya, nung una ay nagalit siya. Sino din naman kasing hindi, kung ako lang din ang nasa posisiyon niya ganun din siguro ang magiging reaksiyon ko. Pero ngayon, Wendy and Tita Selen are in good relationship na.
“Mabuti naman at nakarating kayo,” ani Tito Armando. “Both of you look stunning and gorgeous,”
“As always po Tito,” banat naman ni Abby, natawa nalang kami.
“Samahan ko na kayong dalawa sa loob. Nandun na si Wendy hinihintay kayo,” paanyaya naman sa amin ni Tita. Nagpaalam muna kami kay Tito at pumasok na sa loob ng bahay.
“Wendy, nandito na ang mga kaibigan mo,” tawag pansin ni Tita kay Wendy na busy kausap ang ilang bisita nila. Pinuntahan niya naman kami kaagad.
“So pa‘no, maiwan ko muna kayo diyan. Enjoy the night girls,”
“Thanks Tita,” sagot namin.
“How are you guys?” bungad nito. Nakipagbeso naman siya sa amin.
“Okay lang naman,” ani Abby.
“How about you Yana? Ok lang ba? Nga pala bakit ka ba biglang umalis nung nakaraan? May nangyari ba?” I can‘t even look at her straight from the eye.
“Emergency lang kaya kinakailangan niyang umalis kaagad,” I was about to answer her when Abby suddenly cut in.
“Ahh ganun ba. Enjoy nalang natin ang gabi,” aniya. “Here, have a drink,” iniabot niya sa amin ang mga wine na pinakuha niya sa mga waiters na nandito ngayon.
“Saan ‘yung iba mong kaibigan, Wendy?” naitanong naman sa kaniya ni Abby. Me, I was just looking around.
Umupo na muna kami habang panay ang usapan ng dalawa.
“Parating na sila, kakatawag nga lang nila sa akin e,” naisagot naman nito kay Abby.
“Yana, ayos ka lang ba?” kaagad naman akong napatingin ng marinig ko si Wendy.
“Yeah, I‘m okay. Don‘t mind me,” tugon ko sa kaniya.
“You look pale. You sure your okay?”
“Oo naman, okay lang talaga ako Wendy,”
Muli ko ng binalik ang tingin ko sa labas. Sana pala ay hindi nalang ako sumama pa dito kay Abby, maiintindihan niya naman ako. Pakiradam ko kasi, ang bigat-bigat ng katawan ko pero wala naman akong sakit. I‘m doing just fine.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...