Chapter 14
Yana‘s POV
KASALUKUYAN akong nandito sa condo ko. Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa opisina kasi wala ako sa pakiramdam. Gusto ko munang magpahinga kahit na pansamantala lang. Dalawang araw na rin akong pinapadalhan ni Troy ng bulaklak.
“Nood tayo ng movies?” tanong sa akin ni Abby. Dito rin siya natulog kagabi, gusto niya kasi akong samahan.
“Pwedeng horror naman tayo ngayon? Hindi ko kasi feel manood ng tragic e, baka mas lalo lang akong makaramdam ng sakit,” bulalas ko naman sa kaniya.
“Sige ba para may thrill,” aniya pa.
Tumabi na siya sa akin sa may couch at nagsimula na kaming manood ng movie. As usual, sa NETFLIX naman kami nanood. At ang naisipan naming panoorin ay iyong trending ngayon na series ang, All of Us are Dead. Korean series siya kaya maasahan mong maganda talaga ang kalalabasan at maging ang quality ng series na ‘to. Korea never dissapoints when it comes to their movies/series.
Pukos na pukos kaming nanood ngayong dalawa ni Abby nang bigla na lamang akong magulat nang sumigaw siya.
“Ano ka ba naman Abby, akala mo naman kasama ka nila,” sambit ko pa.
“Katakot naman kasi. Bigla-bigla nalang lalabas iyong mga zombie,” tugon nito.
Habang lumipas ang oras, nagsisi akong panoorin ang series na ito. Akala ko naman kasi puro takutan, sigawan at takbuhan lang ang mangyayari. May tragic scenes din pala. Kakasabi ko nga lang na ayaw kong manood ng tragic, e may pagka-tragic din naman pala itong pinanood naming dalawa ni Abby. Pero tinapos pa rin namin kasi ang ganda din naman kasi e.
“Kung ako siguro ang nandiyan, baka kanina pa ako nalapa ng mga zombies na ‘yan. Iba naman kasi kung makatakbo e, ‘kala mo runner ang mga ‘to. At idagdag mo pa ang mga zombie nila na mga gymnastics pala ito, bali-bali ang katawan,” turan naman niya. Napatawa na lamang ako sa mga pinagsasabi niya.
Nang matapos na kami, agad din kaming kumain ng pananghalian. Hindi na kami nagluto pa at um-order na lamang kami ng pagkain naming dalawa.
“Para sa’n daw yung mga bulaklak?” nakangusong turo ni Abby sa mga bulaklak na galing kay Troy. Siya kasi ang kumukuha nito sa tuwing may nagde-deliver rito.
“Ewan ko, hindi naman ako nagtanong sa kaniya e,” sagot ko rito.
“Hindi kaya may gusto din sa ‘yo si Troy?”
“Siya may gusto sa akin?” tinuro ko pa ang aking sarili at napatawa na lamang sa iisipin. “Imposible, magkaibigan lang kami,”
“Pa‘no nga kung meron? Anong gagawin mo?” napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman siguro ganun ang nais ipahiwatig ni Troy. Maybe he was just concern and nothing else.
“Hindi ko alam, pero malabo talaga,” sabi ko pa rito.
Hindi na rin kami nagsalita pa at tinapos ang aming pagkaing dalawa.
****
LUNES ng umaga, napagpasiyahan ko ng pumasok sa opisina dahil paniguradong tambak na naman ako ng trabaho. Nitong mga nakaraang araw, panay ang tawag sa akin ni Zara, tinatanong kung kailan ako papasok.
Pagkaabot ko sa opisina, ang tanging nadatnan ko lang sa mesa ko ay isang boquet of white roses. At alam ko na kung kanino iyon nanggaling. Ganito din kasi pinapadala sa akin ni Troy nitong nakaraan e.
“Good morning. Hope your having a great day today,” nakangiti kong basa sa letter. May smiley emojie ding nakalagay dun.
“Oi si ma‘am may manliligaw,” agad akong napalingon sa aking likuran ng mabosesan ko si Zara. Nakangisi ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...