Chapter 27
(Play “10,000 Hours by Justin Bieber ft. Dan+Shay” while reading this Chapter)
Joaquin‘s POV
FIVE DAYS AFTER
SEEING the love of your life suffering from pain, it tears my heart apart. If I could just do something to ease the pain she is feeling right now, I would gladly do it in a heart beat. Hindi na ako magdadalawang isip pa. If there is something I could have just done to help Yana, I should have done it before. Kung sana‘y pwede lang akong makipagpalit sa kaniya ng sitwasiyon at posisyon, ginawa ko na sana pero hindi e. Hindi ganun kadali ang gusto kong mangyari. Napaka-imposible.
In life, there are things that are beyond our control. Gustuhin man nating huwag ng mangyari pa, wala na tayong magagawa pa kung hindi ang maging handa, ang tanggapin ang kung ano ang kalalabasan.
Life is a matter of choice and acceptance. Pumili ka, dapat maging handa ka. Pumili ka, tanggapin mo ang kung ano ang resulta ng pagpili mo.
Kasalukuyan akong nandirito ngayon sa condo ko. Umuwi na muna ako rito. Ilang araw na rin akong wala masiyadong pahinga dahil pasalit-salit kaming dalawa ni Abby sa pagbabantay kay Yana.
Kung hindi ako nagkakamali, ngayon ang dating ng mama at ate ni Yana galing America. Supposedly, nung nakaraang linggo pa sana sila dumating pero nagkaaberya daw kaya ngayon nalang ang schedule ng uwi nila.
Nakahiga lamang ako ngayon ngunit patuloy na naiisip si Yana. Ang kaniyang kalagayan. Alam kong nahihirapan na siya ng todo pero nakikita ko kung papaano siya lumalaban sa araw-araw. Mahirap man, pinipili niya pa ring labanan ang sakit niya. Sa bawat araw na kasama ko siya, nakita ko mismo sa mga mata ko ang hirap at sakit na dinadanas niya, sa katawan niya palang na puno na ng mga pula-pulang pasa, ang mga mata niyang bakas ang sakit at lungkot roon, lahat biglang nagbago ng dahil sa sakit niya. Ang araw na hindi ko napaghandaan sa tanang buhay ko.
****
Third Person‘s POV
YANA was peacefully resting and sleeping. Her vital signs were now at it‘s normal point. Hindi kagaya nitong mga nagdaang araw na palagi siyang inaatake ng sakit niya. Minsan ay nangingisay ito, minsan din naman ay napapasigaw sa sakit na kaniyang nararadaman, ‘buti nalang at madaling mag react ang katawan niya sa binibigay na gamot o ‘di kaya ay sa prosesong ginagawa nito sa kaniya. Kung tutuusin, pwede na siyang bumitaw pero hindi niya iyon ginawa. Lumalaban pa rin siya. Kinakaya niya pa.
“Kumusta na po ang kaibigan ko Doc?” tanong ni Abby sa doctor. Hindi mawala-wala ang tingin sa nagpapahingang si Yana. Hindi na niya mabiling kung pang-ilang beses na niyang nakikita ang mga nangyayari sa kaibigan niya kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala para rito. Nasasaktan din siyang nakikitang nasasaktan si Yana. Pero kagaya ng sinasabi niya rito, magpapakatatag siya.
“Sa ngayon, under monitoring pa ang pasyente. Binigyan ko na rin siya ng gamot pang pakalma niya dahil may oras na na-o-over power siya ng katawan niya. Don‘t worry, may mga nurse ritong magmo-monitor sa kaibigan mo,” pagpapaliwanag nito sa kaniya.
Napatango naman ito.
“Salamat po Doc,” matipid niyang sabi. Nginitian naman siya nito.
“Maiwan na muna kita, may ibang pasyente pa akong kailangan puntahan,” gagad sa kaniya ng doctor.
“Sige po Doc. Maraming salamat po ulit,” aniya ng tuluyan ng itong makalabas. Nilapitan ni Abby ang natutulog na si Yana.
Naaawa siya sa kalagayan ng kaibigan niya. Nakita niya kung papaano ito naghirap at lumalaban sa sakit niya. It was hard for her to watch her bestfriend in that life and death situation. It really is hard for her side.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go(Completed√)
General FictionThree years of shattered dreams had hardened Yana's heart. The ache, a dull throb beneath her ribs, was a constant reminder of Joaquin Alfonso's betrayal. Yet, she forced a smile, pretending the world hadn't lost its color. Then, Joaquin reappeared...