CHAPTER 19

53 16 4
                                    

Chapter 19

Yana‘s POV

LOVE is complicated. Sa pag-ibig ang daming nabubulag, hindi nila nakikita kung ano ang nararamdaman ng isa. Hindi nila alam na may nasasaktan na pala sa kanilang dalawa. Na may gusto nang sumuko at bumigay. Sa pag-ibig, nagiging magulo ang mga bagay-bagay. At katulad na lamang nang palaging nangyayari sa aming dalawa ni Joaquin. Mas lalong naging komplikado ang lahat dahil sa mga maling akala, dahil sa hindi namin pinapakinggan ang isa‘t-isa. And I will not deny the fact na minsan ko na rin siyang hindi pinakinggan. Mas pinili kong paniwalaan ang nakita ko kaysa sa kung ano ang sasabihin niya. Pero hindi niya rin ako masisi, I have trust issues right now. Sa dami ba namang nangyari sa buhay ko, natakot na akong magtiwala sa ibang tao. Takot na ako.

Ganito ang buhay ng pag-ibig. Umiikot sa salitang sakit, gulo, lungkot at mga maling akala. And one thing I learned is that, ang pag-ibig na pinipilit walang patutunguhan kung hindi ang salitang lungkot at sakit. Iyon kasi ang mahirap ang, iyong pagmamahal na ipinipilit, iyong pagmamahal na may kasamang awa. Dapat kung magmamahal ka, dapat ‘yung pagmamahal na totoo. Minahal mo siya kasi mahal mo siya hindi iyong minahal mo lang siya kasi napipilitan ka, kasi naawa ka. Love is felt not forced.

“Pa‘no na ngayon? Anong gagawin mo?” naitanong sa akin ni Abby. Dinaanan niya ako rito kasi kakagaling niya lang ng Batangas. May ipinag-uutos lang daw sa kaniya ang Tita niya.

“I still don‘t know. Alam kong mali ko kasi hindi ko siya pinakinggan pero alam mo ring may past issues na ako sa kaniya. You canno‘t blame me for doing such thing. Naninigurado lang ako. Pinoprotektahan ko lang ‘yung sarili at puso ko laban sa kaniya. Ayoko ng masaktan, pagod na ako,” I answered her in a serious manner.

“Hindi ko naman nakakalimutan iyong ginawa niya sa ‘yo. Makakalimutan ko ba naman iyon e kasama mo akong umiyak, kasama mo ako sa lahat nung araw na nasaktan ka niya. Pero malay mo, baka nga talaga nagbago na siya. Subukan mo lang, may kasabihan nga tayo ‘di ba na ‘you‘ll never know unless you try’. Just give him a chance. Give yourself a chance and try it again, Yana,” shen then explained to me.

Tumayo ako dahil kukuha sana ako ng tubig nang hindi pa man ako nakakailang hakbang, napahawak na lamang ako sa may pader nang mandilim ang aking paningin. Muli ko na namang naramdaman ang sakit at kirot ng aking ulo. Narinig ko ang mabilis na pagtayo ni Abby. Inalalayan ako.

“Ayos ka lang? Upo ka muna,” aniya at tinulungan akong makabalik sa kama.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko.

“Medyo nahilo lang ako,” matipid kong sagot ko sa kaniya, patuloy na hinihilot ang masakit kong ulo. Nitong mga nagdaang araw, hindi ko na ito nararamdaman pa pero bigla yatang bumalik sa ngayon. Ni wala akong ideya bakit palagi ko itong iniinda.

“Inumin mo muna itong tubig,” sambit ni Abby at inabot sa akin ang dala niyang isang basong may lamang tubig. Kaagad ko naman iyong ininom. I took a deep sigh.

“Salamat,” bulalas ko.

“Ilang araw mo nang iniinda ‘yang sakit ng ulo mo. Gusto mo punta tayo ng hospital?” mahihimigan mo ang labis na pag-aalala sa tono ng boses ni Abby. I look at her and tried to give her a smile.

“Hindi na kailangan Abby. Konting pahinga lang ‘to, mawawala na rin ito. Dahil siguro sa sobrang stress ko,” saad ko naman sa kaniya.

“Sigurado ka ha? Magsabi ka lang sa akin kapag gusto mong punta tayo ng hospital,” muli nitong anas. Tumango-tango lamang ako.

“Abby,” tawag ko sa kaniya. “Pwede mo ba akong alalayan?”

“Bakit? Sa’n ka pupunta?”

“Sa banyo, naiihi kasi ako e,” nahihiya kong sagot sa kaniya. Dali-dali naman ako nitong nilapitan at inalalayang makatayo hanggang sa marating na namin ang banyo. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob, isang pagkatok ang narinig naming dalawa.

Never Let You Go(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon