‣ Book 1 of Melomania Trilogy
🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...
Music is my haven, a language that speaks to my heart and offers me the freedom to express my deepest emotions. And they said, the most beautiful melodies are created when two hearts collide, finding comfort and inspiration in the symphony of life itself.
Dahil sa musika, nakilala ko siya. Sumali ako sa isang grupo ng mga musikero at doon ko siya kauna-unahang nakaharap. Sa pagkakaalala ko, nakahalukiplip siya sa gilid na may suot na itim na t-shirt habang nakikinig ng kung ano sa headphones niya.
He had a tousled black hair. He had piercings and fake tattoos. His eyes were fixed on the wall in front of him, arms crossed, while softly banging his head.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagdadalawang-isip pa ako kung lalapitan ko ba siya dahil mukhang busy siya sa kanyang sariling mundo. Hindi ko alam kung bago lang ba siya rito o hindi. Kadarating ko pa lang dito sa building ng mga musikero na nag-imbita sa akin na sumali sa music organization nila. Wala akong kilala na kahit sino rito. At unang beses pa lang din ako nakapunta sa ganitong lugar.
Habang nililibot ko ang buong tingin ko sa studio ay napapitlag ako nang may biglang tumapik sa akin. “Are you new here?” Napalingon ako sa tumapik at nagsalita, at laking gulat ko na ’yung lalaking gusto kong lapitan ay ang makakaharap ko.
“Yeah, you?” Tanong ko pabalik.
“I’ve only been here for five months. Kung first time mo rito, you’ll feel a little bit awkward with people, pero welcome ka rito, ha,” napangiti naman ako sa sinabi niya. Buti hindi niya napansin. Ganito rin nasa isip ko, kaya lang naman ako narito dahil sa talento ko, hindi para makipag-plastikan sa ibang tao.
Napalingon kaming dalawa nang may tumawag sa amin na member. Siya ’yung nag-imbita sa akin, si Jackie. Hindi ko talaga siya kaibigan, sadyang naging friends lang kami sa Facebook dahil sa same interest namin sa music and bands.
“Hello, Art! Welcome to Melomania! Halika rito, ipapakilala kita sa iba!” Masayang bati niya sa akin at napatango lang ako ng bahagya.
“Jackie! Punta ka muna rito, may ipapagawa ako!” Nang mahawakan ni Jackie ang kamay ko ay tinawag rin siya kaagad. Nagmadali siyang tumakbo at napabulong sa akin ng sorry.
May nakita akong upuan sa gilid sa may parang kweba ang style kaya’t doon na ako umupo. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nakitang may notification ako from unknown number.
Ibinura ko na lang ang notification na ’yon at tinignan ulit ang buong studio. Napakalaki at napakaganda. Sobrang nakakamangha.
Madaming tao ang nagsisimula na sa pag-eensayo. Tinignan ako ni Jackie na nasa kabilang grupo habang may pinapagawa ang leader nila sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya at napayuko, pero para gumaan ang pakiramdam niya ay nag thumbs up na lang ako sa kanya.
Ilang segundo pa ay may naamoy akong usok ng sigarilyo sa likuran ko at nakita ulit ’yung lalaki kanina na nakaupo na ngayon sa sahig at nagyoyosi habang kinakalikot ang itim na lighter sa kamay.