JACQUELINE’S POV
Matapos akong tawagan ni Art tungkol sa nangyari kay Rio ay dumiretsyo na kaagad ako sa ospital kasama sina Miss Claire. I was so shocked by the sudden news, nanginginig ang mga binti ko sa narinig. Hindi rin talaga ako makapaniwala na nangyari ’yon kay Rio.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Art sa Pampanga at ayaw ko nang makialam maliban na lang kung sila mismo ang magsasabi noon. Pagkatapos ng staycation nilang dalawa doon, isang linggo silang umabsent. At sa araw na ito sila muling pumasok, ngunit nauwi naman sa isang aksidente si Rio.
“Hindi ’yon aksidente! Bumusina ako pero hindi siya umalis! I was on the right lane, hindi niyo ako pwedeng kasuhan. That man tried to kill himself! He’s sick in the head!” Narinig kong sigaw ng driver na nakabangga kay Rio kanina nung papalabas kami nina Miss Claire ng Melomania. “Kahit tanungin niyo pa ang mga nakakita!”
“Miss Claire, just calm down, alright?” Pagpapakalma ni Ram kay Miss Claire habang nag da-drive papuntang ospital.
“Paano ako kakalma ’e kasalanan ko kung bakit siya umalis at naaksidente?” Mangiyak-ngiyak na sagot ni Miss Claire kay Ram.
“We know how important the band is for everyone, pero hindi mo naman kasalanan na naaksidente si Rio, Miss Claire. Don’t blame yourself,” wika ko at binigyan ng side hug si Miss Claire.
“Pupunta kami mamaya ni Zed for the investigation. Kami na ang bahala doon,” pagsingit ni Leo na katabi ni Ram na halata rin sa mukha ang pag-aalala.
“Why would Rio even try to kill himself? Hindi naman siya gano’n!” Naiinis na mungkahi ni Zed habang inaalala ang sinabi ng driver na nakasagasa kay Rio kanina.
Nang makarating na kami sa ospital, ay dumiretsyo na kami sa waiting area malapit sa emergency room. Nakita ko si Art sa gilid na parang hindi mapakali.
“I heard from the people outside na may nangyaring aksidente daw sa labas ng Melomania, I didn’t know it was Rio,” naiiyak na salubong ni Miss Claire kay Art nang makalapit ito.
“Buti na lang talaga at tumawag ka, Art!” Naiiyak na tugon ko at niyakap siya. Alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon. Alam kong sobrang sakit nito para sa kanya.
“What exactly happened, Art?” Tanong naman ni Leo na bakas ang sobrang pag-aalala niya para sa kaibigan niya.
Lumingon si Art kay Leo nang may pag-aalinlangan. Hindi siya mapakali. Parang hirap siya na bigkasin ang mga salitang pilit siyang hinahatak pababa.
“I don’t know... Tumatakbo ako habang hinahabol siya, I called him many times pero ’di niya ako nilingon. Nung natalisod ako, I heard people screaming at him sa labas ng building and then... And then I saw him...” Nanginginig niyang tugon.
“It’s okay, Art...” Bumulong ako sa kanya. “It’s okay, I got you. Rio will be fine, alright?” Pagpapakalma ko sa kanya.
Nasasaktan akong nakikitang ganito si Art. She’s my best friend and she’s Rio’s first love. I feel sad for Art. Halata din naman kasi sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa, kahit ’di nila sabihin.
Dati ko pang napansin na crush ni Rio si Art. Siya kasi ang nagsabi sa ’kin na imbitahin si Art dito sa Melomania. I didn’t like the thought at first pero kinalaunan, pumayag ako. Akala ko, inutusan niya lang akong imbitahin si Art to help the music organization pero iba naman pala ang goal niya. It was to get closer to her.
Noong panahon na Rio started to talk to me about his love for her, I keep asking him kung kailan niya liligawan si Art, pero saka na raw kapag umabot na ang birthday niya. Rio planned out Art’s 19th birthday. He wanted to make it special for her kasi alam niyang hindi pa nakakaranas ng magandang kaarawan si Art.
BINABASA MO ANG
The Archer
Любовные романы‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...