TRIGGER WARNING: ABUSE AND VIOLENCE
Humagulgol ako nang makalapit siya sa akin. Pumikit ako at nagmakaawa na huwag akong saktan ngunit huli na ang lahat nang maitapat niya sa braso ko ang latigo na hawak-hawak niya. Lumapit si mama sa akin at niyakap ako. Napadilat ako ng mga mata at nakita ang kanyang galit na galit na mukha.
Bumuntong-hininga siya at inis na tinapon sa kung saan ang latigo na hawak niya. Napahawak siya sa mukha niya na halatang pagod na galing sa trabaho. Bumulong sa akin si mama kaya’t tumayo na ako at unti-unting naglakad papalapit sa kanya.
Nanginginig man ang mga kamay, nangangatog man ang mga tuhod ko ay nagawa ko siyang lapitan at hagkan. Humagulgol akong muli at bumulong ng mga salitang diring-diri ako kapag ito’y binabanggit ko ngayon.
“Papa, sorry... Hindi na po mauulit, pasensya na po. I’m sorry,” bulong ko sa kanya. Niyakap niya ako pabalik. Ginulo niya ang buhok ko at bumulong rin pabalik para sabihin sa akin na nagawa niya lang ’yon dahil dinidisiplina niya ako at para iyon sa ikabubuti ko.
Hindi ako pumasok sa klase. Lumiban rin ako sa piano lesson ko. Hindi ako sumipot sa training ko for archery. Pagod na pagod na ako kahit pag-aaral lang ang ginagawa ko sa araw-araw. Hindi ko na kaya na ganito na lang parati ang naaabutan ko. Ang hirap magpanggap sa skwela na ayos lang ako. Kahit naman nandoon ako, wala pa rin silang pinagkaiba sa pamilya ko rito.
Hindi ko alam kung bakit parati nila akong pinag-uusapan. May maganda raw akong buhay. Mahusay daw ako pagdating sa klase, sa archery, at sa musika. Kinaiinggitan rin dahil parati akong may sagot sa klase. Sumasali ako sa mga kompetisyon na idinadaraos ng aming paaralan. Sinasabihan na hindi naman ako matalino dahil binabayaran lang ng mga magulang ko ang pagpapaaral sa akin dito.
Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Wala akong ibang alam na lugar kung saan tanggap ako bilang ako. Kahit respetuhin man lang nila ako bilang kapwa tao at hindi na kung sino lang dahil wala naman akong ginawang masama sa kanila.
Hindi ako nagsalita ng masasama sa kanila. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sundin ang mga magulang ko sa gusto nila para sa akin dahil naniniwala akong para iyon sa ikabubuti ko. Pero siguro tama nga sila na bobo ako kasi sa buong buhay ko, hindi ko man lang nalaman ’yung logic na ginamit sa akin nina mama at papa.
Sa katangahan ko, hindi ko man lang nasagot ang riddles nila kung bakit nila ito ginagawa para sa akin. Ang akala ko, para sa ikabubuti ko ’yon.
Para kapag nakatungtong na ako sa itaas, may mas itataas pa ako. Naniwala ako sa mga salita nila. Minahal ko sila kasi mga magulang ko sila. Ginawa ko ang mga gusto nilang ipagawa sa akin dahil akala ko gano’n ang dapat gawin ng isang anak na binubuhay ng mga magulang niya.
“Mga magulang mo pa rin sila...”
At ang bobo ko sa parteng ’yon. Ano pa bang halaga ng mga ribbons, certificates, medals, trophies, at awards na ’yan kung ganito lang pala ang magiging buhay ko sa hinaharap? Kung matalino ako, bakit naging ganito ako? Ibang-iba ako sa taong inisip ko noon.
’Yung dating mahaba at maganda kong buhok, ngayon ay maiksi at walang kinang. Ang pangit tignan. Hindi pantay-pantay. ’Yung dalisay kong ngiti sa lahat kahit na pinagbubulungan nila na pangit at parang bampira ang ngipin ko, hindi ko na rin maipakita.
’Yung dating makinis kong mukha at katawan, wala nang ibang makikita kundi mga pasa, peklat, at sugat sa nakaraan. Ni hindi ko na nga maisuot ’yung mga dress na sinusuot ko sa mga okasyon at piano competition.
Wala nang ibang nagpapasaya sa akin. Kahit si Marina na palaging nagbibiro kahit corny. Kahit ’yung dating ako na mahilig sa philosophy, wala na rin. Sa ngayon, kung meron man, si Rio siguro. Kasi kahit anong gawin niya, natatawa ako nang hindi ko nalalaman. Parang instinct ko na lang talaga na matawa sa kanya.
Kung iisipin, ayaw kong masyadong magsaya habang kasama siya. Hindi natin alam, baka kapag sumobra ako, saka naman siya mawala sa akin. Kung ganoon, mauuna na lang ako na iwan siya. Aalis ako at hindi na magpapakita pa. Ayaw ko na may makilala na naman ulit ako. Ayaw kong masaktan ulit ako.
Gagawin ko ’to para protektahan ang puso ko. Baka kapag nangyari na naman ulit, baka hindi ko na talaga makayanan. Ang hirap sumulong sa nakaraan. Ilang taon pa ang kailangan ko para makalimot sa sakit at pagdurusa.
Kung sakaling may matipuhan ako, parang hindi ko kaya. Huwag muna. Natatakot akong magmahal kasi kailangan naroroon ang pagtitiwala. Iba ang pagmamahal sa mga magulang at sa ibang tao, pero pareho lang ’yung sakit na maidudulot nila sa ’yo.
Kung susubok ako, handa ba ako sa mga mangyayari? Handa ba ang kaisipan at puso ko sa kung anumang pagsubok ang ibibigay sa aming dalawa? Makakaya ko bang sumulong ulit kapag nagkataon na mangyari ’yung mga hindi ko inaasahan?
Nang kinagabihan, habang kami ay nanonood ng pelikula, tinamaan ako ng matinding emosyon nang makita ang eksena ng pang-aabuso. Napaiyak ako at naglakas-loob na humagulgol. Siniko ako ni Marina. Doon na unti-unting nawawasak ang puso ko. Niyakap niya ako at pinatahan.
“Sabi ko naman sa ’yo na huwag na nating panoorin ’yan at ibang movie na lang! Tigas ng ulo mo. Tahan na nga, huwag kanang umiyak,” naiinis pero mahinahon niyang sabi. Pinatay niya ang pinapanood namin na A Girl At My Door.
Nabasa ko ang description ng movie kaya pinilit ko si Marina na ’yun ang panoorin namin ngunit sa kalagitnaan ng palabas, doon ko nakikita ang sarili ko sa biktima sa palabas na ’yon.
Sa loob ng ilang minuto ay tumahan na ako at nakatulala na lang sa kawalan. Kahit saan, nakikita ko pa rin ang mukha niya. Ang mabagsik niyang mga kamay na tumatapak sa buong pagkatao ko. Ang boses niyang nahihibang sa sarap na nanggagaling sa kanyang ka-demonyohan. Hindi ko siya mabura sa isipan ko. Parati siyang nandyan.
Mga kasinungalingan, poot, at takot. Hindi ko man lang maipaliwanag kung ano itong pakiramdam na nagpapabigat palagi sa puso ko. Lagi akong naiiyak kahit pagod na pagod na ang mga mata ko kakabuhos ng luha.
For once, I just want to live in peace but life would never want me to experience being like a child again. Innocence and purity. Kahit ’yon lang. Nalamon na ng pagkatao ko ang kasinungalingan at kawalang-hiyaan na ginawa nila sa akin noon pa man.
Kung para sa ikabubuti ko ang mga plano nila sa akin. Bakit naging ganito ang resulta? Masyado bang maaga para mamulat ako sa reyalidad na masama ang mga magulang ko at ginamit lang nila ako?
I’m just a fucking teenager. Bata pa ako. Sana man lang na-enjoy ko ang childhood life ko. Hindi ’yung ganito. Sometimes, I choose to not be a dork. Ang dami ko ngang mararanasan pero grabe naman ’yung sakit na ibinigay. Bata pa ako noon, at bata pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi pwedeng ganito na lang hanggang sa tumanda ako. Sana kahit ngayon lang, bigyan ako ng magandang buhay. Tutulungan ko naman ang sarili ko na maka-ahon pero sana huwag masyadong mabigat kasi hindi ko pa kaya. Bata lang ako. Hindi lahat mapag-iisipan ko. Hindi lahat magagawan ko ng paraan. At hindi lahat masu-solusyunan ko.
I deserve love. I deserve everything from this world. I am here for them to watch me play with my own hands. Both of my hands were created to write, play, and inspire everyone with my own remarkable creations.
I was once a student myself and I believed Him. Now that I’m growing up, it’s hard for me to believe once a person does something wrong. It’s like building them up at a time. And whoever falls down first would be the least trusted.
I hope someone close to me won’t break my trust. It is really hard to build yourself again, and then a person will come just to destroy you.
Fuck that idea.
I won’t expect. But I hope Rio will not be the person who will destroy me because I had enough from the sick lies and abuse I got from my evil parents.
I took a deep breath and wiped away my tears. Marina, who had been hugging me tightly, spoke gently, “I’m here for you, Poki and I won’t let anyone hurt you. You’re strong, and we can overcome this together.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Her words offered me comfort pero nandoon pa rin ’yung hapdi sa puso ko. I knew I couldn’t continue living like this, but I also didn’t know where to turn or what to do. Tama si Marina; kailangan ko nang itigil ang pag-asa na masisira ang tiwala ko sa iba, ngunit mahirap din isipin ang isang mundo kung saan makakaramdam ako ng tunay na pagmamahal.
BINABASA MO ANG
The Archer
Roman d'amour‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...
