Biyernes. Ilang araw lang ang lumipas simula noong sinubukan akong kausapin ni Oli. Narito ako ngayon sa Studio 17. Tapos na ang piano lesson ko kay Madame Mathilda. Pauwi na ako kasi papalubog na ang araw. Sabay ulit kami ni Rio na uuwi ngayon.
Nagpaalam na ako sa piano pedagogue ko at lumabas ng studio hall. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Rio na nakasandal sa pader habang kinakalikot ang lighter niya. Napabuntong-hininga siya at sinindihan ang yosi na nasa bibig niya.
Inobserbahan ko lang siya. Makikita talaga kung gaano kaganda ang side profile niya. Ang tangos ng kanyang ilong. Mahaba ang kanyang pilik-mata. Maganda ang hugis ng kanyang panga. At kitang-kita rin ang mapula niyang labi na kung sa ibang babae pa, gusto nila itong mahalikan.
Sa maganda nitong aura, kahit kailan hindi ko ’yon inisip. Hindi ko alam sa ibang babae rito sa Melomania. Naririnig ko palagi ang mga bulungan nila tungkol kay Rio na ang sarap niya raw siguro halikan dahil sa mala-rosas nitong labi sa kabila ng pag yo-yosi niya. Kung pu-pwede ba raw siya maging asawa nila kasi maganda ang hubog ng katawan niya at ang bango niya raw amuyin kahit nasa malayo.
Ewan ko ba sa kanila.
“Oh, Art! Kanina ka pa ba riyan?” Tanong niya nang mapansin akong tinitignan lang siya. Tinapon niya sa malapit na basurahan ang yosi niya at ngumiti sa akin tsaka binuksan ang isang candy wrapper.
“Nope. Ikaw ba? Mukhang kanina ka pa rito,” sagot ko.
“Nope, hindi naman,” inirapan ko siya sa sinagot niya at biglang binawi niya ang kanyang sinabi. “Ah, oo, isang oras na po akong naghihintay. Sorry, hindi ko sinabi na maaga natapos rehearsal namin ngayon kasi alam kong may lesson ka rin naman and I don’t want to disturb you,” sunod-sunod niyang wika at awkward na ngumiti sa akin.
Tumango ako bilang sagot at nagsimula nang maglakad. Ayaw kong may nagsisinungaling sa akin. Parang nakaka-guilty sa part ko na may pinaghihintay akong tao kahit hindi ko naman pinagawa. Pero gusto nila ’e, wala akong magagawa. Basta ba huwag silang magsisinungaling kasi parang ako pa ang masama.
Hindi ko na napansin na napapabilis na pala ang lakad ko. Huminto ako at tinignan si Rio sa mga mata. Bumuntong-hininga ako pagkatapos at bumulong, “No need to apologize. It’s okay.”
He smiled at me and crinkled his nose. I find it cute. Gano’n siya lagi kapag nakikita ako. Ewan ko ba sa kanya. Nagsimula ulit kaming maglakad at nakinig sa mga sinasabi niya.
“You know, when I was there earlier sa labas ng Studio 17, I heard everything! You were so amazing. If Frédéric Chopin were still alive, proud na proud siguro siya sa ’yo ngayon!” Masayang mungkahi niya habang nagbibigay ng actions gamit ang mga kamay niya.
“Lodicakes ko siya ’e!” Napatawa ako sa sinabi ko at gano’n din siya.
“Grabe naman. Ang dami kayang iba dyan internationally na mas magaling tumugtog kaysa sa akin. Pero kahit gano’n, ayaw ko na lang ikumpara ang sarili ko sa kanila kasi lahat naman siguro magaling sa mga bagay na tingin nila, nababagay sa kanila,” malapad siyang ngumiti sa sinabi ko.
“You’re right! But for me, you are still better than any of them. ’Yung inaaral mong piece ngayon ni Chopin, sobrang emotional sa una. In the middle of relaxation naman, you’ll be blown away talaga with the pace and ease from the way you touch the keys with your fingers,” manghang wika niya kasabay sa pagkumpas niya sa mga kamay niya.
Lumabas na kami ng building at nilanghap ang amoy ng syudad. Alas singko na ng hapon at maraming tao ang makikita. Tumingala ako at pinagmasdan ang ganda ng kalangitan.
“Sunsets are beautiful,” bulong ko at iniunat ang aking mga braso.
“So are you,” rinig kong bulong niya. I pretended I didn’t hear it. Lagi namang ganoon. Hindi na nagbabago ang nararamdaman ko tuwing may sinasabi siyang unexpected. Ang saya sa pakiramdam na may nakaka-appreciate sa ’yo. And I’m always thankful for Rio.
BINABASA MO ANG
The Archer
Любовные романы‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...