Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa kusina. Bumangon ako at humikab habang papikit-pikit ako na naglalakad palabas ng kwarto. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, naamoy ko na agad ang bango ng pasta.
"Good morning, ang bango naman nyan," I approached.
"Good morning, Art. I'm cooking Italian pasta, my father's specialty," sagot niya at nagpakitang gilas sa paghiwa ng mga ilalagay na sangkap.
Bumalik ulit ako sa kwarto ko para kumuha ng susuotin kong damit sa araw na 'to. Pumunta muna ako sa faucet para mag toothbrush at pagkatapos ay pumunta na ako sa kabilang banyo para maligo.
Nang matapos ako sa pagligo ay nagbihis na ako at inayos ang sarili ko. Simpleng beach dress lang ang sinuot ko na may kasamang sandals na komportable sa paa ko.
"Oh, nakapagbihis kana pala. Let's eat na!" Aya niya sa akin nang makita ako.
"That smells so good!" Excited na wika ko. "I bet it tastes even more better."
Paupo na sana ako pero bigla siyang lumapit sa akin at hinila ang silya para paupuin ako. Nagpasalamat ako sa kanya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Your father must have been an amazing cook to pass down his specialty to you," ang sabi ko. "Tell me more about him and your memories of cooking together."
Nag-iba ang kanyang mukha sa nasabi ko, tila may malalim na alaala na bumabalot sa kanyang mga mata. "My father was indeed a remarkable cook," sagot niya na may halong lungkot sa kanyang boses. "We used to spend hours in the kitchen, experimenting with flavors and perfecting his recipes. Cooking with him was a way for us to bond and those memories are truly treasured."
"Don't you hate him? Sa lahat ng mga nagawa niya sa inyo, lalo na sa mama mo?" I asked, trying to know what's inside his head.
"There's a part of me that still hates him. Napaka unforgivable nung nagawa niya, Art. Mahirap, kasi he's my dada. I can't bring myself to visit him kahit na gusto ko siyang makita ulit," sagot niya sa mahinang boses.
"It's cute when you call him dada. Why don't we visit him together?" I said, trying to lift up the mood. Bahala na kung anong mangyari, I am not afraid to take risks anymore and I learned that from Rio.
"I don't know, Art. I've been thinking about it pero hindi pa ako sigurado. I'll let you know once na makapag decide na ako, alright?" Wika niya at doon ko naman napansin ang ngiting sumilay sa kanyang mala rosas na labi.
"Of course, take your time," wika ko nang may pag-unawa. "I'm here to support you in whatever decision you make. Just know that you don't have to go through this alone."
Nagkatinginan kami ng ilang saglit, at sa mga mata niya, naramdaman ko ang kanyang tiwala. "Thank you, Art."
Those three words he said meant a lot to me.
Matapos kaming kumain ay saka pa lang naghanda si Rio sa kanyang sarili. Lumabas muna ako ng mansion at pumunta sa kanilang napakalawak na hardin.
Sobrang ganda, wala akong ibang masabi. It's colorful and it's full of life. Ito 'yung buhay na gusto kong maranasan.
"You ready to leave Casa dell'Amore of Moretti Residence?" He spoke.
Bigla naman akong nanginig sa kinatatayuan ko. Ramdam ko na ang lapit niya sa 'kin. Amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Huh? Sure, tara na?" Sagot ko kahit nanginginig ako sa sobrang kaba.
After an hour, we arrived at the said beach resort. Habang naglalakbay kami patungo sa entrance, I felt alive and free. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta sa mga beach resort.
BINABASA MO ANG
The Archer
Romance‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...