Chapter 11: Arcade Date

16 4 0
                                        

Katatapos ko lang mag practice. Maaga kaming natapos ni Madame Mathilda kasi may lakad pa siya. Narito ako ngayon sa Studio 3, pinapanood sina Rio sa rehearsal nila. Kapag naririto ako, napapansin ko ang mga tingin sa akin ni Oli kahit kay Rio lang naman lagi ang tingin ko.

Nakakailang pero iniisip ko na lang na sa katabing tao ko siya nakatingin. But I always notice Rio glaring at him tuwing malagkit na tinitignan ako ni Oli. Hindi ko alam, parang may something sa kanila. Whatever it is, I’m out of it.

“Great job, boys!” Sigaw ni Miss Claire sa kanila. Lumapit ito kina Rio at isa-isang bineso. Napatawa naman ang iba nang itulak nila si Miss Claire para hindi sila nito ma-beso.

“Inuman na!” Sigaw nila at napapalakpak pa.

“Malapit na debut niyo! Deserve natin uminom!” Sigaw pa ng isa upang sumang-ayon ang lahat.

Rio looked dreamily at me. Bumulong sa akin si Miss Claire na sumama raw ako sa kanila. I looked at him back. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya. Unti-unting nawala ang mga boses sa paligid ko at tanging si Rio na lang ang taong nakikita ko.

A smile plastered on his face. I blushed. And everything came back to life.

“Rio! Isama mo si Miss Colfer, okay?” Paalala ni Miss Claire ngunit biglang nag-iba ang reaksyon ni Rio.

“Hindi siya pwede, Miss Claire. Underage pa siya. And besides, madaming tao sa bar kaya hindi pwede,” sumimangot si Miss Claire sa sagot niya.

“Ay, oo nga ’no! Bigla kong nakalimutan,” malungkot niyang tugon.

Lumapit si Rio sa akin at bumulong.

“Let’s go,”

Tinignan ko siya. Nagtatanong ang mga mata ko.

“I’ll take you somewhere else.”

He held my back. Nagsimula na kaming maglakad paalis but then biglang hinila ni Oli ang kamay ko. I stopped and looked at him. Lumapit siya at ngumiti.

“Let me have a minute with her, bro,” ani Oli ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Rio at binawi ang kamay ko sa kanya. “Dude, relax. Okay, dito ko na lang siya kakausapin,” natatawa nitong saad.

“So, Megan wants you to be her accompanist. And kung pu-pwede ka ba raw sumama sa amin ngayon? Night club?” Nahihiya niyang wika and even winked at me.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng katabi ko. I held Rio’s hand tightly. I closed my eyes and shook my head.

“Hindi ako pwede,” tanging nasabi ko. Napalingon ako kay Rio nang maramdaman ang pagpintig niya sa aking kamay.

We left Oli dumbfounded. Bigla namang sumigaw ’yung ibang kaibigan niya at inasar-asar pa siya. Pagkalabas namin, binigay sa akin ni Rio ang kanyang hoodie. Malamig kasi at nakasuot lang ako ng shirt. I thanked him and he gave me a sweet smile.

Naglakad na kami. Napatingala ako habang tinitignan ang kalangitan at habang dinaramdam ang simoy ng hangin. Naramdaman kong may tumulong patak ng tubig sa mukha ko kaya napadilat ako ng mga mata at napatingin kay Rio.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Takbo kami nang takbo hanggang sa makarating kami sa Timezone Arcade. Hinihingal kaming pumasok sa loob. Bumili ng tickets at tokens si Rio para sa amin. I looked at him confused. Hindi ko alam kung bakit kami nandito. Hindi niya naman kasi sinabi na dito kami pupunta.

“Why are we here?” I asked at pinagpag ang hoodie niya na medyo basa na dahil sa ulan.

“Hindi ba obvious? Maglalaro tayo dito,” sagot niya at hinawakan ulit ang kamay ko. Sinundan ko siya sa kung saan niya ako gustong dalhin. Nakahanap na siya ng pwesto at tumingin sa akin.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon