Chapter 7: Sudden Recognition

27 8 0
                                    

Narito ako ngayon sa Studio 3 kasama si Jackie. Pagkalabas ko kanina sa Studio 17 ay naabutan niya ako. Samahan ko raw siya saglit kasi may ipapagawa siya sa akin. At heto nga ako ngayon, tumutulong sa pag-aayos ng mga wirings dito sa studio nina Rio kahit hindi ko naman talaga alam kung paano ’to aayusin.

“Sino ka?” Biglang tanong sa akin nung manager nila. Kanina pa niya ako tinitignan kasi wala naman akong ginagawa, malamang hindi ko alam ang gagawin ’e.

“I’m Art po,” magalang kong tugon.

“You look familiar,” napapaisip niyang sabi at tumango-tango. “By the way, bakit mo hawak ang mga wires na ’yan?” Napaisip ako sa tanong niya at sinabing inutusan lang na iayos ang mga ’to.

“No, Dear. It’s not your job to handle those. Hayaan mo na riyan at samahan na lang kami na mag lunch mamaya after this rehearsal,” malambot niyang sabi at ngumiti pa.

Ibababa ko na sana ’yung wire na hawak ko sa lamesa nang may sumigaw sa akin na ayusin ko na raw kasi magsisimula na sila sa pag-eensayo. Napatingin ako sa manager nila pero ang sabi niya, hayaan ko na raw kasi may gagawa naman doon.

Sinigawan ako ulit nung lalaki kanina kaya nataranta ako ng sobra. Biglaang natigil ang lahat sa ginagawa nila nang dumating si Rio. Kinuha niya sa mga kamay ko ang wire at ikinabit ang mga ito kung saan.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinapakiramdaman ang kanyang mainit na paghinga. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang hapitin niya ang bewang ko. Tinignan niya ako ng seryoso at humarap sa lahat.

“Sino ang dapat na gumagawa sa trabahong ito?” Tanong niya na siyang ikina-tahimik ng lahat.

“It’s not her job to deal with this,” he grunted. “Never raise your voice at her, she easily gets baffled. She’s not here to run your errands.”

“She is here to watch me. I invited her with me to watch how I play because I always wanted to hear her compliments on me,” he whispered to me. He made sure na ako lang ang makakarinig no’n.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti sa sinabi niya. Tumango ako. Kinagat ang pang-ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri na nasa likuran ko.

“She’s Art Colfer, the young virtuoso pianist who will be my accompanist for the Yehudi Menuhin International Competition,” biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Gulat naman ang lahat nang marinig galing sa bibig ni Rio ang buong pangalan ko.

Kinurot ko ang bewang niya at napa-aray siya ng mahina. I gritted my teeth and looked sharply at him. Napatingin naman sa kanya ang manager nila. Gulat rin ito at hindi alam ang sasabihin.

“Art is here to practice for her upcoming piano competition,” wika niya sabay akbay sa akin. “None of these electrical things are her responsibility to fix. She’s a musician, not an electrician. Better know the difference.”

Everyone inside the studio smiled at me and bowed their heads. I looked at Rio confused. Then he whispered, “To show their sincerity and to ask for your forgiveness,” I gasped and did the same. Hindi ko talaga alam ang gagawin, natataranta ako.

“We sincerely apologize for not giving you a proper welcoming here in Melomania,” sabi nung manager nila sa akin at bumulong sa dulo ng, “Gosh, absent pala ako no’n!”

Lumapit naman sa ’kin ’yung synthesizer nila na sumigaw sa akin kanina at humingi ng paumanhin. “I really am sorry, Miss Colfer.”

I smiled and assured him that it’s okay. Bigla ko namang napansin ’yung babae na humalik kay Rio kanina. Pink ’yung suot niya mula ulo hanggang paa. Blondie ito at bold ang style ng make up niya.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon