Chapter 15: Unseen Threats

8 4 0
                                    

TRIGGER WARNING: DRUGS, SEXUAL ASSAULT, VIOLENCE, & PROFANITIES

Biyernes. Maliwanag ang gabi. Nakasuot ako ng pink silky dress na katamtaman lang ang haba sa binti ko. Hindi ko maipakita ang ngiti ko sa salamin ngayon. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagkabigo.

Naglagay lang ako ng light makeup at inayos ang maikli kong buhok. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako ng kwarto ko.

Hindi ako sigurado sa suot kong ’to. Pakiramdam ko masyadong kita ’yung braso ko. Parang nanliliit ako sa sarili ko.

Bumalik ako sa kwarto ko upang makapaghanda ng bagong susuotin. Kinuha ko ang white tee ko at pinaresan ng black long skirt.

Okay na siguro ’tong ganito?

Nagdadalawang-isip pa rin ako. Hinubad ko ’yung suot kong white tee at black long skirt at sinuot muli ’yung pink silky dress. Matagal na ’tong nakatago sa closet ko at ngayon ko pa siya talagang masusuot.

Ito na lang ang ipapakita ko mamaya sa party, tutal minsan lang naman ako makapagsuot ng ganito. Pipigilan ko na lang ang kahihiyan ko.

May narinig akong bumusina sa labas ng apartment kaya tumingkayad akong lumabas para hindi ako marinig ni Marina na natutulog sa kanyang kwarto.

“Good evening, stunning Art! Shall we?” Nilahad ni Oliver ang kanyang kamay pagkababa ko sa apartment ngunit nagdadalawang-isip pa ako kung paano ito tatanggapin kasi nanginginig ang mga kamay ko.

Dahil ayaw kong makaramdam siya ng hiya at pagkadismaya ay tinanggap ko ito na may kasamang ngiti.

He escorted me sa loob ng kotse niya. Komportable akong napaupo ngunit tiniis ko ang lamig na sensyasyon sa loob.

“Are you cold?” Taimtim niyang tanong at napatango na lang ako bilang sagot.

“Here,” hinubad niya ang suit niya at pinasuot sa akin. Ngayon ay polo long sleeve na lang ang suot niya. I kinda feel bad tuloy dahil baka siya ’yung lalamigin pero mukhang sanay na naman siya kaya ’di bale na. “Do you feel better now?” Tanong niya pagkatapos.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Binuksan ni Oli ang pinto ng kotse para sa akin at nilahad ang kamay niya upang tulungan akong makalabas.

“Art! You’re here!” Napatili si Jackie nang makita ako. Gulat naman ang naging reaksyon ko nang makita ko si Miss Claire na nakikipag-usap sa ibang trainees na imbitado sa party ni Oliver.

Tuluyan akong nakapasok sa mala-palasyong mansion ni Oli. Sobrang classical ng dating ng interior design nila.

Extremely fascinating.

Kita ko rin ang painting ni Mary Magdalene. Talagang nakakamangha.

Napahiyaw naman ang lahat nang makita nila ang nagmamay-ari ng mansion. Oli excused himself at may kakausapin lang muna siyang mga kaibigan sa kabilang table.

Nilapitan ako ni Jackie at pinakilala niya ako sa isang social media influencer.

“Art! You know her, right?” Napatango ako at nilahad ang kamay ko sa kanya.

“I’m Art.”

“Hi, Art! You look familiar! Anyway, I’m Chloe Morgan, nice to meet you!” We shook our hands together.

She’s Chloe Beatrice Morgan. Isa siya sa pinakasikat na social media influencer. I haven’t met her before, pero lagi ko siyang nakikita sa social media platforms and billboards, including magazines and advertisements.

“Jacqueline, have you seen Vaughn?” Nagtinginan kaming dalawa ni Jackie sa tanong ni Chloe.

Alam ko ang sinasabi sa mga mata ni Jackie. He’s Vaughn Lewis Sinclair, the Chief Financial Officer of Sinclair Holdings.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon