Siguro tama nga ang sinabi sa 'kin ni Megan dati. Na ginagamit lang ako ni Rio. Sana pinaniwalaan ko siya at sana tuluyan ko nang binitawan si Rio noon. Pero sa kabila ng lahat ng sakit na naidulot niya at ng pamilya niya sa 'kin ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal na natanggap ko sa kanya.
He was always there for me through my ups and downs. Hindi siya sumukong intindihin ako. But there's a part of me that says maybe he did those things just to get me to accept his mother and forgive her.
Pinaramdam niya sa 'kin ang totoong pagmamahal, ngunit may kaakibat pala itong kahihinatnan. Megan warned me before pero binalewala ko lang 'yon kasi akala ko, nasabi lang 'yun lahat ni Megan because she was jealous of me.
"Art!" Napalingon ako kay Marina nang tawagin niya ako. "Nag s-space out kana naman..."
Ngumiti ako ng bahagya at inayos ang pagkakaupo ko. "Hindi, may iniisip lang."
"Alam mo, girl, if this is about Orion again, you need to let it go. He's not worth the stress," wika niya.
Bumuntonghininga ako at tiningnan siya. "I know, Mari, but it's hard. I can't just forget everything."
Marina sighed and sat down beside me. "I get it, but you have to think about yourself too. You deserve to be happy."
Napayuko ako at tumango. "You're right. It's just... complicated."
"Let's go na? Hinahanap kana ni Jackie," sabi ni Marina at tumayo kaya sumunod na ako sa kanya.
"By the way, Mari, I have my piano lesson with Madame Mathilda this afternoon," wika ko, sinusubukang ilihis ang usapan.
"Oh, right! How's that going?" Tanong niya habang naglalagay ng lipstick sa labi niya.
"Madame Mathilda knows how to bring out the best in her students. Kahapon, she taught me a new piece by Bach. It's beautiful but incredibly difficult," wika ko habang inaalala kung ano na ang lagay ni Rio. Hindi na kasi siya pumapasok sa Melomania 'e.
Marina nodded. "That sounds amazing, Art! I'm glad you have something like that to focus on." Pero nasa isip ko, my life is easier kapag nandyan si Rio.
"Yeah, it helps me take my mind off things," sabi ko na lamang sa kanya. "Kahit na minsan napakahirap at nakakafrustrate, it's worth it when I finally get it right."
Nasa tapat na kami ng Melomania at tinignan ko ang harap nito. It feels like the first time. The familiar sign brought back memories of countless hours me and Rio spent here.
Pumasok kami ni Marina sa loob at agad akong sinalubong ng amoy ng kape at tunog ng malumanay na musika.
"Art! I missed you!" Nagulat ako sa sigaw ng paparating na si Jackie. Nang makalapit siya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Hello, Art! Hello, Marina!"
"Hi, Jackie. Kumusta pala 'yung tour niyo sa Las Vegas?" Marina asked. Galing kasi sila ng girl group niya sa Las Vegas for their worldwide tour. Jackie finally recovered from her injury at nakakasama na siya sa lahat ng shows nila.
"Yeah, how was it? Nakita ko performances niyo do'n, ang galing niyo! Lalo na ikaw syempre!" Masayang bati ko naman sa kanya.
"Oh, I can't wait to tell you everything that's happened! I couldn't believe din na nandoon crush ko! Remember Vaughn Lewis? 'Yung stepbrother ni Chloe! Sobrang pogi niya! I still can't believe na pumunta siya sa tour namin sa Las Vegas!" Sabi ni Jackie na kumikislap ang mga mata sa sobrang kilig.
Napansin ko naman si Marina na tahimik lang na nakikinig kay Jackie. Suspicious din ako dito kay Marina 'e. I feel like there's something going on between her and Vaughn.
"Marina, are you okay?" Tanong ko at pilit na pinipilit na makuha ang kanyang atensyon.
Nagulat siya at ngumiti ng bahagya. "Oh, I'm fine. I'm just happy for Jackie," sabi niya, pero may konting pagkailang sa kanyang boses.
Si Jackie naman ay oblivious sa aming usapan at patuloy lang sa kanyang kwento. "Grabe, Art, nung nakita ko siya sa backstage, akala ko nananaginip lang ako. He even watched our show from the front row! After the concert, nagkita kami ulit sa after-party. Sobrang bait niya!"
"Are you hiding something from me, Mari?" Sabi ko na nagbibiro pero sinusubukang basahin ang kanyang reaksyon.
"Wala, Art, wala talaga," she insisted, pero hindi maikakaila ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha.
Matapos ang naging usapan namin ni Jackie ay nagpaalam na rin si Marina na aalis at si Jackie naman na may dance practice.
Papunta pa lang ako sa studio ko nang makita ko ang nakaawang na pinto sa studio nina Rio. Lumapit ako ng kaunti para marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Rio? Pinakulong mo na nga si Oli, tapos ikaw naman ang sisira ng bandang ito? Bakit ka pa narito kung wala ka rin namang gagawing tama?" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Miss Claire sa kanya. Nakayuko lang si Rio at halata ang basag niyang mukha.
"Miss Claire, I swear I didn't mean it," sagot ni Rio na halos pabulong na. "Alam ko, nagkamali ako, pero sinusubukan ko namang itama ang lahat..."
I felt a pang in my chest.
"Hindi sapat ang pagsubok lang, Rio. Kailangan mong magsikap at panindigan ang mga desisyon mo," sabi ni Miss Claire na puno ng pangaral. "Ang banda na ito, maraming nag-aasa dito. Hindi lang ito tungkol sa 'yo kaya umayos ka."
Napasandal ako sa pader, iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Dapat ba akong pumasok at magpakita, o umalis na lang at hayaan silang mag-usap?
Kasi I feel like kasalanan ko rin naman kung bakit nagkakaganito si Rio and no one knows about our situation.
"I need a fresh air..." Tumayo si Rio at humakbang palabas ng studio.
"Ngayon kana nga lang pumasok, ganyan pa ugali mo!" Sigaw ni Miss Claire sa kanya.
Nagulat naman ako nang bigla akong lampasan ni Rio. Hindi niya ata ako nakita...
Kumirot ang puso ko sa nakita. Rio loves music. It's his one and only dream, ang magkaroon ng sariling banda. Lagi niyang sinasabi sa 'kin na kahit isa lang siyang musician, dito pa rin siya nakakaramdam ng tunay na kasiyahan.
For him, music is therapeutic. Kaya masakit para sa 'kin na parang pinagsasawalang-bahala niya ang lahat ng ito dahil sa 'kin. Ayokong matulad siya sa 'kin. I quit music just because I was in too much pain.
"Blue bird! Wait for me!" Pagtawag ko sa kanya habang sinusundan siya. Dire-diretsyo ang kanyang paglalakad na tila ba hindi niya ako naririnig. "Hoy, teka lang kasi!"
Tatakbo na sana ako dahil hindi ko na siya masundan pa dahil sa bilis niya. Pero nang magawa ko naman ay nadulas lang ako. Sinubukan kong tumayo ngunit nakaramdam ako ng kirot sa may ankle ko.
Napadaing ako sa kirot at sinubukang pa ring tumayo para makausap ko si Rio. Paika-ika akong naglakad habang sinusundan ang kanyang pigura.
Nang makita kong papalabas na si Rio ng building ay tinawag ko ulit siya pero hindi niya pa rin ako narinig.
In the blink of an eye, nakita ko siyang nakatayo sa daanan ng mga paparating na sasakyan. Along with the people yelling at him to step back, I saw the car crash into him.
BINABASA MO ANG
The Archer
Любовные романы‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...