Sa ilang linggo naming pag-eensayo sa Melomania, ngayon lang ulit kami gumala ni Rio. Overtime siya lagi sa rehearsal and photoshoot nila. Ako naman, naghahanda para sa paparating na piano competition.
Nasa labas kami ng mall at sikreto ko siyang kinuhanan ng litrato. May tinitignan pa kasi siyang places kung saan masarap kainan.
“Art, take a picture of me habang I take a photo of the sky,” I agreed to take a picture of him at masaya naman siya sa naging resulta.
“Post ko ’to sa Twitter,” bulong ko sa aking sarili.
“Mention mo ’ko, ha,” napatingin ako sa kanya kasi narinig niya pala ’yung sinabi ko.
“Dog show kita, baka magwala ang fans mo,” natatawang tugon ko.
Nang makapag decide na siya kung saan kami kakain mamaya ng lunch ay may naabutan kaming mga tao na nagsisimula pa lang sa pag display ng kanilang painting.
Habang nakikipag-usap si Rio sa mga artist ay pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato.
Matapos kaming maglibot-libot sa labas ng mall ay napagdesisyunan na naming pumasok.
“Dairy Queen!” Turo ko nang makita ang logo ng Dairy Queen sa ’di kalayuan.
Mabilis akong naglakad papuntang Dairy Queen nang mapahinto ako sa paghawak ni Rio sa kamay ko.
“Slow down,” he carefully said.
Lumakas ang pagtibok ng puso ko sa inasal niya. Dahan-dahan kaming naglakad hanggang sa makarating kami.
Pinapili niya ako ng dessert sa menu. I bought the royal ultimate choco brownie and blueberry cheesecake. Sa kanya naman ay banana split and triple chocolate milkshake.
Magbabayad na sana ako ngunit naunahan niya ako sa pagbabayad. Kaya I had no choice but to thank him at pasimple kong nilagay sa bulsa niya ang cash na meron ako, pambayad lang sa order naming dalawa kasi nga it’s my treat for him.
“Art, let’s take a picture!” He took his phone and leaned closer to me. Inakbayan niya ako at pinindot ang camera button sa phone niya.
Natawa siya nang makita ang picture. Hindi pa kasi ako ready no’n at hindi pa ako nakatingin sa camera kasi sa kanya ako nakatingin.
BINABASA MO ANG
The Archer
Romance‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...