Chapter 9: Lingering Doubts

19 6 0
                                    

Sa pagkumpas ng kamay ng guro ko ay tuwid akong umupo at sinimulan ang pag pindot sa bawat key ng piano. Madamdamin ko itong sinimulan. Ramdam na ramdam ko ang poot at hinanakit ko sa nakaraan ko. Ang piyesang ito ang nag panalo sa akin sa mga kompetisyong sinalihan ko. Pero ngayong ibang tao na ako, parang nag-iba na rin ang pag-tingin ko rito.

Nocturne in E-Flat Major Op. 9, No. 2 by Frédéric Chopin. The first difficult masterpiece to play I’ve ever learned. Naaalala ko pa kung paano ako paluin nung dati kong piano pedagogue kapag nagkakamali ako. Kaunting pagkakamali lang, palo agad ang abot ko. Noon, hindi ko pa iyon naiintindihan. Ngayong mas may isip na ako, saka ko pa napagtanto ang lahat ng kalapastangan na ’yon.

Sana natanggal na siya sa trabaho niya ngayon.

Ang hirap talaga na ganito. Hindi ko makalimutan ang lahat. Kahit anong gawin kong paglimot, nandito pa rin ’e. Hindi na matapos-tapos. Gusto kong mag move forward. Sinusubukan ko. Ginagawa ko. Pero bakit ganito pa rin?

Tama ba ang desisyon kong tumugtog ulit at ipakita sa lahat ang talento kong ito? Kaya ba ako nag-eensayo ngayon kasi napapilit ako nila Rio at Jackie na sumali sa kompetisyong magaganap sa susunod na mga buwan?

Tatlong buwan na akong naririto sa Melomania. Mag da-dalawang buwan naman ako sa pag-eensayo para sa classical competition na sasalihan ko sa susunod na taon. At next month naman ang release ng studio album ng Chromatic Flare.

Weekdays kaming sabay ni Rio na pumapasok para sa rehearsals namin. At kahit nahuhuli siya sa rehearsal nila, nagagawa niya pa rin akong ihatid sa studio ko kahit mas una ’yung sa kanya. Sa pag daan ng mga araw, nakakausap ko na rin palagi sina Jackie at Miss Claire lalo na kapag lunch time.

Nahihiya pa rin akong makipag-usap sa iba pero mabuti naman at nakakaya ko na hindi mataranta. Siguro dahil lagi kong katabi si Rio sa kung saan ako magpunta rito sa building?

Halos hindi na rin kami umuuwing lahat. Doon na nga lang ako sa dressing room nakakatulog. Tapos gigising na lang ako na katabi na si Rio sa upuan na may kumot pa. Natutuwa talaga ako kapag gano’n siya. Sa lahat ng tao na kilala ko rito, siya lang ’yung laging nakabuntot sa akin.

’Yung pangyayaring napaso ako nung kape ko, ilang linggo bago ’yon tuluyang gumaling. Sinumbong niya pa ako sa guro ko. Hindi raw kasi nag-iingat si Miss Claire, tapos heto ako na wala man lang daw maramdaman. Sa paaran ng pagkasabi niya no’n sa guro ko, tawang-tawa talaga kami ni Miss Claire. Ang cute niya kasi. Lagi talaga akong natatawa kapag nandyan si Rio.

“Art!”

Papunta ako ngayon sa Studio 13 para hintayin si Jackie. Sabay daw kami mag miryenda sa labas kasi hindi raw muna makakasama si Rio. Overtime sila ngayon kaya wala man lang itong text ngayon.

“Miss Colfer!” Napalingon ako sa tumawag at nakita si Oli na hinihingal. Namaos ’yung boses niya bigla sa pagtawag sa pangalan ko.

I sneered at him. Hindi ko gusto na tinawag niya ako gamit ang surname ko. Ayaw na ayaw ko ’yon at kahit hindi ko sabihin, alam ni Rio na ayaw ko ’yon.

“Miss Colfer, I just want to say something so give me a minute if you mind?” Sabi niya sabay turo sa isang studio na walang tao.

Seryoso ko siyang tinignan at sinagot ng, “Why don’t you just say it here?”

Nabahala ang mukha niya, ilang segundo ay ngiti na lang ang sinagot niya at sinabing importante raw ang sasabihin niya. Pero tinalikuran ko siya at naglakad palayo, alam kong hinihintay ako ni Jackie kaya hindi ko na siya pinansin. At isa pa, hindi ako komportable sa kanya. Lagi ko siyang napapansin na galit, lalo na kay Rio.

Kapag pinapanood ko silang mag practice, parang naiirita si Oli kay Rio. Hindi ko alam kung bakit. Siya naman ’yung front man. Sa mga posters na pinost ng management nila Rio, siya naman ’yung pinaka sikat sa kanila. Hindi nga masyadong napapansin si Rio ’e, pero nahahalata kong inggit talaga siya kay Rio. Takot ata masapawan.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon