Chapter 4: City Lights

36 8 0
                                    

Malakas ang simoy ng hangin, at naramdaman ko ang kagandahan ng kapaligiran sa tuktok ng bukid. Ang malamig na simoy ng hangin ay humahaplos sa aking balat na parang nagdudulot ng isang kakaibang pakiramdam ng kalayaan at katahimikan. Sa paligid, may mga puno at damo na nakaka-aliw tingnan. Nakayuko ako habang tinitignan ang sapatos ko. Si Rio naman na nasa tabi ko ay nakaupo at tinatanaw ang ilaw na nagmumula sa syudad. Kumikinang pa rin ang kanyang mga mata kahit na alam kong napagod siya sa naging pagtakbo namin.

Ang ganda ng tanawin mula sa tuktok ng bukid ay nakakamangha. Sa ibaba, malayo sa amin, ay mayroong nagliliwanag na mga ilaw ng syudad. Pinapakita rito ang buhay na nagaganap sa ilalim ng gabi. May mga sasakyang nagmamadali, mga taong naglalakad, at mga pook na bukas pa rin kahit sa madaling araw.

Nandito kami ngayon sa paborito niya raw na tambayan. Dito sa tuktok ng bukid. Kaya niya pala ako hinila para tumakbo ng ilang kilometro, ay para lang dalhin ako rito. Muntik na kaming masagasaan kanina, akala ko nga katapusan ko na ’yun ’e.

Sayang hindi natuloy.

Pakiramdam ko para akong lumulutang, parang patay. Pero nung sinangga niya ang katawan niya para sa akin, naramdaman kong ligtas ako sa mga bisig niya.

Hawak ko sa bulsa ng hoodie ko ang durog na sigarilyo. Gusto kong sindihan ang lahat ng yosi at hithitin hanggang sa mamatay ako. Ilang sigarilyo na ang nasa loob nitong baga ko at gusto ko pang dagdagan ito hanggang sa matigok ako ngunit sa mga sandaling ito, parang nabawasan ang aking paghahangad na yakapin ang bisig ng kamatayan.

Hindi ko rin alam kung bakit kamatayan ang lagi kong iniisip, pero ang tanging alam ko, ay hindi ako natatakot na mamatay.

“Pwede ko bang malaman kung anong iniisip mo?” Biglaang tanong ng kasama ko ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin na lang sa paligid nang may kahapisan sa aking mga mata.

Ilang segundo pa ay narinig ko siyang ngumisi. Tumayo siya at inakbayan ako. Tinignan ko siya ng masama at sinikmuraan pero mas natawa lang siya at tinuro ang kagandahan ng syudad sa harapan namin.

“Look,” turo niya. “Maganda, hindi ba?” Napatango ako sa sinabi niya.

“Oo, maganda,” I replied, nodding my head a little.

“Oo, maganda ka, maganda,” he whispered. “Ngumiti ka nga, Art,” napasinghap ako sa sinabi niya pero agad ko itong pinalitan ng ekspresyon.

“Hindi. Ayoko. Gusto mo lang naman na ngumiti ako para pagtawanan mo ’tong ngipin ko ’e,” agad kong sagot at umirap pa ng konti para tigilan niya ako.

Biglang hindi siya mapakali at napanganga pa sa sinabi ko. Ilang segundo na ganoon ang kanyang ekspresyon.

“Art! Wala akong sinabi na gano’n, ha! I swear, I didn’t mean to say it like that! Nagkakamali ka! Kahit kailan, hindi ko—” Tinakpan ko ang bibig niya.

“Bakit napaka-defensive mo ngayon?” Tanong ko pero sumeryoso naman ang kanyang mukha.

“I’m serious, Art. Alam mo ’yun? Syempre hindi mo alam kasi hindi mo nakikita ang sarili mo sa paraan nitong pagtingin ko sa ’yo.”

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Nakatanga lang ako at hindi alam ang sasabihin. Mukhang seryoso nga siya. Para akong sasabog. Parang may kung anong kiliti sa tyan ko at gumagalaw-galaw pa. ’Yung mukha ko, pakiramdam kong nag-iinit. Magkakasakit na ata ako.

“Art, okay ka lang? May masama ba sa ’yo?” Tanong niya nang may bahala.

“Para ata akong magkakasakit,” tugon ko at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nang mahawakan niya ang aking pisngi ay itinakwil ko ang kanyang kamay at napatingin sa kanya na tila ba ako’y kinakabahan.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon